At FAHRIEA Mountain:
Given Grace's POV
'In-position ka na ba Grace?'
'Yes, Chance.'
'Good. Kailangan natin siyang matalo ngayon, beacause this will be our last fight with him.'
'I know.'
'Maghanda ka na. I'll give you the signal when HE'S already in the area.'
'Ok, goodluck to us.'
'Yeah. Goodluck.'
I immediately block my mind after talking to Chance. Meron kasi kaming mind-link, na applicable lang sa aming dalawa. We kind of inherited it from our father, though my father's was mind-reading.
Nagtago na ako sa isang puno. We have to win this time. It's now or never. Kailangan naming manalo dahil kung hindi, lahat ng pinaghirapan namin simula pa nang bata kami ay mawawalan ng saysay.
I unblocked my mind again to ask Chance if HE is in the area already. Pero bago ko pa matanong ang kambal ko, inunahan na niya ako.
'Grace, papalapit na siya. In the count of three, fire your arrows. 1... 2...3!'
Pagkabilang ng tatlo ni Chance ay pinakawalan ko na yung tatlo kong palaso. Unfortunately, nadaplisan lang SIYA sa balikat at binti. Dahil doon ay naalerto SIYA sa paligid. Malamang ay alam na NIYA na nasa paligid lang kami.
Dahan-dahan akong lumapit sa KANYA. Nag-iingat na huwag makagawa ng kahit na anong ingay.
Nakatayo lamang SIYA. Tila pinapakiramdaman ang paligid. Kailangan kong doblehin ang pag-iingat. Mas tahimik, mas mapanganib.
Bigla SIYANG napatingin sa kaliwang bahagi ng gubat kung saan naroroon si Chance.
Tumalikod SIYA sa akin at nagsimulang maglakad papunta sa bahagi ng gubat na iyon. Kinuhan ko naman ang pagkakataon para patamaan SIYA. Kumuha ako ng tatlong palaso sa aking likod at tinutok sa KANYA iyon.
Nang sa tingin ko ay maayos na ang aking pagkakaasinta ay binitiwan ko na ang mga palaso ngunit bigla SIYANG huminto sa paglalakad at bahagyang tumagilid sanhi para hindi SIYA matamaan.
"Shit!"
Lumingon SIYA sa pwesto ko kaya mabilis akong nagtago sa likod ng punong malapit sa akin.
"Fuck! "
Narinig ko ang mura ni Chance. "Bakit Chance?"
"Papunta SIYA sa punong malapit sa'yo!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya and I suddenly felt nervous, pero bigla kung naalala na kailangang manalo kami ngayon laban sa KANYA, at hindi kasama sa mga paraan ang mataranta.
"Malapit na SIYA sayo Grace!"
And as an instinct, mabilis akong umakyat sa punong pinagtataguan ko bago NIYA pa ako mahuli. At mula sa itaas ng puno, nakita kong nakalapit na rin pala si Chance sa punong inakyatan ko. Umikot ikot lamang sila sa puno habang ako naman ay inihanda ang aking pana at palaso.
Nang magharap na sila, mabilis ko SIYANG pinatamaan ng palaso habang si Chance naman ay nakikipaglaban sa KANYA using his swords.
Naglalaban silang dalawa ni Chance habang sinusubukan ko namang huwag matamaan si Chance habang tinitira ang kalaban namin.