I'm The Gangsters' Idol
written by DarrenSamuels (DQM)
Prologue
Nagkakangkakaripas ako ng takbo papasok sa isang eskinita na pagkasikip-sikip. Nadanggil ko ang isang kahon at bahagya ko pang mabalance ang sarili ko para hindi magtaob.
Takbo!
Dinig ko ang paghampas ng mga paa nila sa may daan. Ang mga yabag nilang papalakas ay nagsasabing palapit na sila sa akin, kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo.
Pagkalabas ko sa may eskinita ay tumawid ako ng daan at muntikan pang mahagip ng sasakyan. Hindi ko na pinansin pa ang mura ng driver sa akin. Wala akong oras para diyan!
Takbo!
Pumasok ako sa loob ng isang fast foodchain at pakunwaring umo-order. Sinamaan ako ng tingin ng isang staff dahil sa gulo-gulo kong damit at buhok. I just gave her a dirty finger. Hindi ako ganito umasta, ngayon ko lang ito nagawa. Wala lang talaga ako sa mood!
Sa may back exit ako dumaan at sumiksik sa mga taong natawid ng overpass. May mga nagrereklamo sa ginagawa kong pagsiksik, pero dedma lang. Gusto ko pang mabuhay ng ayos at matiwasay!
Takbo!
Pagkababa ko sa kabilang kalsada ay agaran akong sumakay sa isang taxi.
Matapos kong habulin ang aking hininga ay agad akong tumunghay at kinausap ang driver.
"Manong kahit saan niyo ako idaan, magpaikot-ikot man kayo babayaran ko pa arin kayo kahit magkano. Basta makaalis lang ako dito." mabilis kong paliwanag. Naluluha na ako sa mga oras na ito.
Time is running!
Bakit naman kasi napasok pa ako sa sitwasyong ganito?
Napapisil ako sa aking sintido at bahagyang lumapit sa driver's seat. Hindi kasi tumutugon si Manong Driver.
Hinawakan ko ang balikat niya. Wrong Move! Alarma sa akin ng aking napakahiwagang utak.
Tumambad sa akin hindi ang driver, kundi ang leader ng kilalang gang sa karatig bayan!
"No prob." matipid at nakangisi niyang sagot. Eeew! May stubble pa siya!
(*Stubble:the very short hairs on a man's face when he has not shaved recently.)
At mabilis niyang pinaharurot ang taxi, sakay ako.
Patay na! Hindi na ako makakalabas nito!
____________________________
"Noooooo!!!!!!!!!!!" napabangon akong bigla sa aking higaan.
inhale....exhale....
Panaginip lang ang lahat.
Panaginip lang ang lahat!!!
Takte! Bangungot yun!
Napaiyak ako sa aking puwesto at nagtalukbong. I'm so dead.
Lagot talaga sa akin ang bestfriend ko! How dare she para i-post ang pictures ko bilang isang Gangster sa isang page kung saan puro Gangster ang nagla-log in!
Puro pekeng impormasyon pa ang nakalagay doon.
Hey! >:(
I'm not a sociable person!
I'm not that SEXY! A bit lang.
I'm do not wear clothes like that! Pang-ganster na outfit? Not my taste!
I don't have a blonde hair! Black kaya!
I'm not an S class Fighter! Medyo lang?
And especially...
I'm not a Gangster!
Well, considering that sumikat ako doon at maraming humanga at nagkagusto sa akin.
I turned out to be the Gangsters' Idol!
________________________
I'll appreciate your votes and comments.
Follow/Fan me, if you like this.
Salamat!
BINABASA MO ANG
I'm The Gangsters' Idol
HumorIsa akong normal na tao. May normal na pangangatawan at pag-iisip. Normal kung makitungo sa iba. Normal manamit. Normal! Basta normal ako! Gets!? Pero simula ng mai-post ang mga pictures kong iyon sa isang site, tila bumaligtad ng 540 degrees an...