Frozen Butterfly

32 1 0
                                    

LIVING WORLD

Naatasang pumunta ng Living World ang 10th squad's captain upang magbantay sa Karakura Town. Ayon kasi sa Technological Research Bureau ay may mga kung anong malakas na reatsu ng hollow ang lumalabas.

Kasama nito si Renji, Matsumoto, Ikkaku, at Rukia upang maging katuwang niya sa pang iimbestiga.

Kaagad nilang pinuntahan si Ichigo na natutulog ng mga oras na iyon at idiniscuss ang nasabing isyu. Kaagad naman itong naintindihan ni Ichigo ngunit gaya ng dati ay nilait niya na naman ang drawing ni Rukia kaya naman nakakuha ito ng malakas na sapak mula dito.

Matapos pa ang ilang diskusyon ay naghiwa hiwalay na ang mga ito upang inbestigahan ang paligid. Sa di inaasahang pagkakataon, natagpuan ni Toshirou ang isang babae na sumasayaw sa gitna ng Park na siyang ikinakunot noo ng Captain. Hindi kasi ito pamiliar sa reatsu na taglay nito, animo'y pinagmamasdan niya ang sarili niyang replika na naging babae.

"Got'ya!!" Nakangising wika ng babae sa kaniyang isip ng makaramdam siya ng papalapit na hollow na siya talagang mission niya sa pagpunta sa Living World. Nagpanggap itong hindi alam na may paparating na hollow kaya ganun na lamang ang pagngisi ng hollow.

Nang kakainin na sana siya ng hollow ay inihanda niya na ang kaniyang sanpaktou upang gawin itong yelo at dalhin sa Soul Society ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may pamilyar na reatsu siyang naramdaman at sa isang kurap lamang ay patay na ang hollow na dapat ay gagawin nitong yelo.

"Waaaaaah! Bakit mo pinatay?" Sa sobrang inis nito ay nasigawan niya ang pumatay dito ng hindi man lang nagatubili at nagisip kung sino ba ang kaharap. Humarap ito ng inis na inis sa lalaki at ganun na lamang ang panlalaki ng kaniyang mata ng makita kung sino ito. Dali dali naman itong yumuko at humingi ng paumanhin. "Patawad Captain Hitsugaya, akala ko ay kung sino. Waaaah! Sorry talaga" kabadong sabi nito.

"Ano bang iniisip mo at hindi mo naramdamang may hollow na paparating?" Masungit ngunit kalmadong wika ng Captain dito. Nagiwas naman ng tingin ang babae sa kadahilanang namumula ito.

"A-ah ano kasi captain hitsuyaga, alam ko naman na may paparating na...." Hindi nito natuloy ang kaniyang sasabihin dahil nagsalitang muli ang captain. Naparoll eyes naman ito sa tinuran ng Captain. "Alam mo naman pala, bakit hindi mo pa pinatay kaagad?"

"Kasi po captain hitsuyaga, nautusan po ako ng 12th squad na dalhin ang hollow na yon sa Technological Research Bureau upang kanilang pag aralan" mahinahon ngunit mababatid ang pagkasarkastiko sa boses nito. Magsasalita sana si toshirou ng may tumawag sakaniya.

"Captain!" Pagtawag ni Matsumoto dito. Tumingin naman si Toshirou dito at tinanong kung anong nangyare. Nagreport naman si Matsumoto kaagad. Nang matapos itong magreport ay saka niya lang napansin ang babae na kanina pa walang emosiyong nakikinig sa paguusap nila. "Kasama mo pala si Shiro-san Captain" walang ganang sambit ni Matsumoto na maya maya pa ay nagmadaling nilapitan ang babae na kanina ay kausap ni Toshirou at yinakap ito. "Waaaaaah! Shiro-san!!! Ikaw palaaaaa!" Masayang wika nito. "Namiss kita!" Wika pa nitong muli. Nakatingin naman sakanila si toshirou na nalilito sa nangyayare.

"Errr namiss din kita Rangiku-san" di komportableng wika ni Shiro, dahil sa pagkakasubsob nito sa malalaking dibdib ni Matsumoto. "R-rangiku-s-san are you p-planning to kill me?" Asar at utal na wika nito. Maya maya pa'y hinila siya ni Toshirou kaya naman nagpasalamat ito dito dahil kung hindi ay namatay na daw ito.

"Captain" nakapout na wika ni Matsumoto dito.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Toshirou dito. Tumango naman si Matsumoto at sinimulang magkwento.

"Oo captain, pinsan ko yang si Shiro. May gusto nga yan sa----- mmmmmmm" hindi nito naituloy ang kung ano mang balak niyang sabihin dahil tinakpan ni Shiro ang bibig nito at nagpasiyang siya na lamang ang magtutuloy.

"Hehe" awkward na ngiti nito ng makita ang expression ng mukha ng captain. Kaya naman napa peace sign ito. "Gaya nga po ng sabi ni Rangiku-san magpinsan kami. Dati po akong 11th squad member, ngunit dahil po sa promotion ay napunta po akong 5th squad at naging 3rd seat ni Vice captain Hinamori."

Nagisip naman si Toshirou at inaalala ang mga nalipas ng pagpupulong at dun ay naalala niyang ito nga ang bagong 3rd seat ng squad. Bakas sa mukha nito na nahihiya siya dahil sa nakalimutan nito ang tungkol doon.

"Waaaah! Kailangan ko na palang umalis Rangiku-san, captain hitsuyaga" nagmamadaling sabi ni shiro sa mga ito. "Byeeeee" wika nitong muli saka mabilis na umalis.

Tiningnan naman ni Matsumoto ang Captain niya na tulala at nakatingin sa direksyon kung saan nagpunta si Shiro. Sinundot sundot naman nito ang captain sa pisngi. "Uyyy! Love at first sight hahahaha" pang aasar nito sa captain na ikinaasar ni Toshirou, knowing him. He's a short-tempered guy. "Binata kana captain hahaha" patuloy nito. "Urusai!" Wika ng captain saka na nagsimulang maglakad at iwanan ang tumatawang si Matsumoto.

-
© Credits and Dedication to Yeah Right's Book Cover for making the book cover of this story. (Look photo on the multimedia). Thanks!

Frozen ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon