Chapter 2

8 2 0
                                        


Third Person's POV

Maagang nagtungo si Rangiku sa opisina ng captain nitong si Toshiro. Hindi na ito nagalinlangan pang kumatok dahil dito din naman ang kaniyang opisina. "Captain?" Pagtawag nito ngunit wala sa loob ang captain na ipinagtaka niya naman. "Himala? Late yata ngayon si Captain?" Tanong nito sa sarili na animo'y nagiisip.

Nakita naman siya ng isa sa mga co-squad niya kaya nagbatian ang dalawa. "Vice captain, si Captain ba ang hinahanap mo?" Tanong nito. Tumango naman si Rangiku. "Nakaleave po ang captain" wika nito saka na nagpaalam na aalis na dahil may gagawin pa.

Napasinghap nalang si Rangiku at nagtungo sa lamesa ni toshiro na puno ng paper works. "Hayyss. Hindi man lang nagsabi si Captain" nakapout na wika nito sa sarili. "Huhu ang dami netong paper works na to" reklamo niya saka tamad na umupo sa upuan. Pagkaupo nito ay saglit itong napatigil dahil sa naisip kaya naman dali dali itong tumayo at lakad takbong umalis.

Pagdating nito sa 5th squad ay agad nitong tinungo ang opisina ni hinamori upang puntahan ang kaniyang pinsan na si Shiro. "Rangiku-san?" Nagtatakang wika nito. "Uy hinamori-san!" Palingon lingon na wika nito. "May kailangan ka ba?" Tanong ng kapitan dito. Nagpacute naman ito bago magsalita. "Nasan si Shiro?" Nagtataka man ay sumagot na lamang si Hinamori. "Di ba niya nabanggit sayo na nakaleave siya ngayon?" Napaisip naman si Rangiku dahil dito, duon na lamang ang kaniyang pagtawa nang awkward nang maalala nitong nagpaalam nga pala sakaniya si Shiro nung isang araw. "Ha-ha oo nga pala. Pasensiya kana Hinamori" kakamot kamot na wika nito saka na umalis pagkatapos magpaalam.

"Wala si captain, wala si shiro." Bulong nito at iminuwestra pa ang dalawa nitong kamay na tila iyon ang kaniyang tinutukoy. "Waaaah! Di kaya nagdate yung dalawa?" Tila ba naghugis puso ang mga mata nito dahil sa naisip. "Ay! Hindi! Malabo yun dahil may pupuntahan si captain na tinuturing niyang kamag anak sa living world." Tango tangong wika nito. "Si shiro naman ay pupuntahan ang kuya kuyahan niyang si Ichigo" pagpapatuloy nito. "Pero, nasa living world sila pareho ibig sabihin..." Saglit itong napatigil sa paglalakad at bigla na lamang siyang sumigaw sa kilig na siya namang ikinatingin ng mga taong nasa paligid niya ngunit hindi niya ito napansin dahil sa pagiisip.

Shiro's POV

"Waaah! Shiro-san!" Sigaw ng nakababatang kapatid ni kuya ichigo na si Yuzu. Kaagad ko naman itong binigyan ng matamis na ngiti. "Yuzu!" Paglapit ko dito saka ito yinakap. "Kamusta? Asan si Chigo?" Paghahanap ko dito. Nakita ko naman si Karin na nakasandal lang sa may pinto na nakatingin lang samin. "Nasa sala sila shiro-san! Nanonood silang dalawa ni ate rukia" sagot nito sakin saka nako hinila papuntang sala.

Pagkadating naming sala, mga seryoso nila mukha ang sumalubong sakin. Mga tutok ang mata sa telebisyon. "Onii-chan! Si Shiro-san nandito" masayang wika ni yuzu sakaniyang kuya. "Asan?" Sagot nito na tutok pa din sa panonood. "Kahapon pa" sagot ko dito. Medyo muntik pa kong matawa buti nalang at napigilan ko. Napatingin naman sakin si Yuzu na kunot noo, kinindatan ko lamang ito at kaagad namang nagets ang ibig kong sabihin. "Shiro-san!" Masayang wika ni Rukia, nginitian ko naman siya bilang sagot. "Anong pinapanood niyo?" Tanong ko dito saka tumabi sakanila. "Basketball" sagot ni chigo na hindi pa rin ako pinapansin. "HOY ICHIGO NA MUKHANG CHICO!" pagsigaw ko dito. Nagulat naman siya saka mabilis na tumingin sakin ng masama. Ngunit mga ilang segundo lang ang nakalipas ay gulat na mukha ang pumalit sa galit niyang mukha. "Shiro?!!" Gulat na tanong nito. "Kelan ka pa umuwi?" Tanong nito. "Kahapon pa" walang gana kong sagot. "Ha? Bat di kita nakita kahapon? San ka umuwi?" Takhang tanong nito. "Nandito ako kahapon. Busy ka lang talaga. Diba yuzu?" Pagsasabi ko dito. Tumango naman kaagad si Yuzu haha. Marunong din sumakay sa biro. Napaisip naman si chigo sa narinig. Tanga talaga to kahit kailan. "Ano bang ginawa ko kahapon?" Hinila nako ni yuzu papasok ng kusina panigurado magluluto na to. Naiwan naman dun si ichigo na nagiisip pa din habang sinasabi naman ni rukia na tanga daw siya dahil ngayon lang ako umuwi at pinagtitripan ko lang siya. Tawa kami ng tawa ni Yuzu kabang naririnig silang nagtatalo. "Shiro-san, ano gusto mong kainin?" Pagtatanong ni Yuzu sakin, sabi ko naman ay kahit ano ay okay lang basta siya ang nagluto. Tumango naman ito. "Shiro-san" pagtawag ni Karin sakin. Napatingin naman ako dito at nagtanong kung bakit. "Uhm, ano kasi..." Kakamot kamot na wika nito tiningnan ko lang siya hinihintay na ituloy niya kung ano man ang sasabihin niya. "Pwede ka bang sumama sakin maglaro ng soccer? Kulang kasi kami ng isa pa. Promise, ililibre kita ng ice cream pagkatapos" mabilis na wika niya na dahilan para hingalin siya. "Waaah! Talaga? Ililibre mo kong ice cream? Sige sige" kaagad akong napa-oo kahit na di ako marunong magsoccer dahil sa ice cream.

Pagkatapos naming kumain ay kaagad akong hinila ni Karin sa lugar kung sila maglalaro ng soccer. "Karin, okay lang ba talaga na maglaro ako? Hindi ako marunong niyan eh" kakamot kamot kong wika dito. "Okay lang yan shiro-san basta kumpleto lang ang members" sabi nito. Wala nakong nagawa kundi magpatangay na lang sakaniya. Pagdating namin ay kaagad kaming sinalubong ng kanyang mga kaibigan. "Karin sino yang kasama mo?" Tanong ng isa sa kaniyang mga kaibigan. "Ate ko, si shiro-san" sagot niya. "Waaaah! May ate ka pala Karin" wika ng isa pa. "Hello po onee-chan!" Bati nila sakin, nginitian ko naman sila. "Kaso karin kulang pa din tayo ng isa" wika nung nagtanong kay karin kanina kung sino daw ako. "Darating kaya siya? Sa tingin mo?" Tanong pa nito.

"Hoy mga bata, pano yan kulang kayo ng isa?" Tanong ng mga highschooler samin. Tangna ng mga 'to ah. "Okay lang, kayang kaya namin kayong talunin" lakas loob na sabi ni Karin pero alam ko namang kinakabahan siya. Natawa na lamang ang mga lokong highschooler na to at hinayaan na lamang kahit kulang kami. Di nagtagal nagumpisa na laro, inaamin ko wala kaming laban kumpara sa mga 'to pero kapag nakabisa ko na tong laro ay panigurado din namang panalo kami. Halos sila lang ang nakakapuntos. "Aray!" Sigaw ni Karin. Kaagad naman akong napatingin sakaniya. Nanlaki kaagad ang mga mata ko ng makitang nakaupo siya sa damuhan habang dinadaing ang paa niya. "Karin!" Sigaw ko dito. "Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ko dito pagkalapit na pagkalapit ko sakaniya. "Okay lang ako shiro-san" wika niya saka tumayo pero muli rin namng bumabagsak. Pinipilit niya pa rin tumayo kahit na alam niyang hindi niya kaya. "Karin, ako ng bahala dito okay. Wag mo ng pilitin kung hindi mo kaya. Lalo ka lang masasaktan ha" malumanay na sabi ko dito. Tiningnan niya naman ako ng mata sa mata saka ulit ng iwas tingin halatang naiinis siya sa nangyari. Tinayo ko na siya saka siya dinala sa bench kung saan naroon ang mga gamit namin. "Pano ba yan? Lalo na kayong matatalo ngayon" mayabang na wika ng mga ito. Tiningnan ko naman sila ng seryoso na para bang sa titig palang magyeyelo kana sa lamig. Napalunok naman sila saka na hindi umimik.

Maguumpisa na sana ulit ang laro ng sumigaw ang isa sa mga kasama namin. "Karin! Anjan na siya!" Napakunot noo ako at muling naalala na may hinihintay pa nga pala silang isa pang miyembro daw. Titingin na sana ko ng isigaw ng kasama namin kung sino ang hinihintay nila. "Toshiro, dumating ka! Sasali ka diba?" Masayang wika nito. Nanlaki kaagad ang mga mata ko at hindi alam ang gagawin. Bakit kasi sa dinami dami pa ng pwede nilang ayain ay siya pa? Di sumagot si toshiro at tiningnan lang si Karin na nakayuko. "Kailangan niyo lang naman manalo diba?" Tumango naman sila kaagad. Walang sabi sabi ay pumunta na ito sa fields. "Oh! At may bago pa kayong recruit ngauon" mayabang na sabi nila. Napa 'tss' nalang kami samantalag si toshiro ay nakapamulsa lang.

Nang muling magsimula ang laro ay kaagad kong naagaw ang bola. Medyo nasasanay nako sa paglalaro kaya naman prenteng prente nalang ako di tukad kanina. Kaagad ko naman itong pinasa kay toshiro na siya namang sinipa niya kaagad diretso sa net. Sa sobrang lakas nito ay wala ni isa ang nakagalaw. Napa wow na lamang kami samantalang ang nga high schooler naman ay tulala sa naging ganap. Ganun lang lagi ang ganap, maagaw ko ipapasa kay toshiro at makakapuntos. Sa huli ay nanalo din kami. "Salamat" wika ni Karin kay toshiro pagkatapos ng laro. Tiningnan labg siya nito. Bago pa man siya makaalis ay may naramdaman kaming kakaiba. Sobrang lakas nito. Maging si Karin ay naramdaman iyon. Napalunok na lamang ako. "Karin!" Sigaw ko dito. Alam niya na kaagad kung ano ang ibig kong sabihin kaya naman sinigawan niya lahat ng kanyang kaibigan na kumapit sakaniya at wag na wag hihiwalay.

---
Hanggang dito po muna :) matagal tagal na di nakapag update haha
-EvilScarlet

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Frozen ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon