Chapter 10

159 10 0
                                    

Samantha POV

"Anak..." Wow? Dumating na pala sya psh. Ang kapal na tawagin akong anak. Bwisit!

Hindi ko sya pinansin bagkus ay pinsadahan ko nang tingin si kuya.

"Kuya Tara na, May bibisitahin pa ako sa hospital." Nagtaka naman sila.

"Huh? Sino naman?" Tanong ni kuya.

"Si Chan." Tipid Kong sagot saka ako pumasok sa sasakyan. Sa pinakadulo ako.

Pero hindi ko akalain na, kakausapin ako nung tatay ni Kuya pshh! Kalayo ko na nga napnsin pa din ako! (-_-)

"Anak? Kumusta ka na?" 'Okay na sana eh! Dumating ka lang Tsk' yun bang sarap isampal sa kanya yun? Oo ganyan ako kagalit sa tatay ko.

Pero nanahimik lang ako..

"Alam mo nak? Mayroon akong chocolates sa maleta, di ba gusto mo yun?"

Sasakit lang ngipin ko Jan, psh! Nanahimik nalang ulit ako, wala talaga akong balak kausapin sya

Sobrang sakit nang ginawa nya! Pagkatapos mamatay ni Mommy saka sya naglaho! Na parang bula!

Flashback

"K-kuya? Babalik pa ba si Daddy? Bakit wala pa sya dito kung kelan na ililibing si Mommy?" Kanina pa ako pinatatahan ni kuya. Pero di ako tumitigil... I'm only 7 years old, Then my mommy died?

"Ta-tahan na baby girl... Kuya will always by your side.. Wag ka mag alala baka nalate lang si Daddy..."

"Ku-kuya naman.. Diba dapat kasama natin sya? Bakit kanina din sa bahay wala sya? K-kuya bakit? Asan ba si daddy?" Tuloy tuloy na sabi ko.

"Don't worry baby girl.. Daddy will come.. Ssssh tahan na baby... Nalulungkot si Kuya, kasi Wala na nga si Mommy, His Little Baby Girl umiiyalk pa din.."

Niyakap ko si Kuya... Huhuhuhu mommy...

End Of the Flashback

5 Months Later nun hindi na sya dumating hanggang sa namataan namin na Nandun na sya sa Canada. With his New life..

Galing noh? Tapos nagawa pang patawarin ni kuya si Daddy after all. 2 years! 2 years kaming nangulila sa Ama! Tapos ngayon babalik sya?

Sakit lang na maalala ko ulit yun. Sinumpa ko yung araw na nawala si Daddy.

Hays...

"Ahh Anak... Okay ka lang ba? Umiiyak ka ba?" Medyo natarantang tanong nya. Psh.

Pero umiiyak? Kinapa ko yung pisngi ko. Basa ngaa! Ahh bwisit!!

Pinunasan ko yun at hinarap si Daddy.

"I'm Fine" malamig Kong sabi. Tumango naman sya. Pshh.

*****

"Baby Girl! Nandito na tayo sa sinabi mong hospital, gusto mo bang samahan na kita?" Kuya, nakita Kong tulog yung tatay ni Kuya. Tsk.

"Wag na kuya. Ako na lang." Wala sa mood kong sabi.

"Sya sige. Mag iingat ka pag uwi huh, Text or tawagan mo nalang ako kapag uuwi ka na at ipasusundo kita.".

"Okay." Saka tumango ako, lumabas na ako nang sasakyan.

****

"Nurse saan dito yung Room ni Ms. Sison?"

"Ms. Sison po ba Ma'am? Saglit lang po." Tumango naman ako.

"Ahh Ma'am Number 103 Room po sya ma'am, Second floor po "

"Thank you po." Saka ako kumaripas nang takbo.

Napano ba kasi si Chan?! Hayss. Mabilis akong tumakbo sa may-----

*TUGSHHHH*

Ouch! Kay malas naman! Sasakay nalang ako nang elevator may nakabangga pa ako....

"Ouch! Magiingat ka nga Mi--- Panget?!" (-_-) and worst! Sya pa ang nakabangga ko! Lord? Ano po bang kasalanan ko? Bakit Panay ko po nakikita ang demonyo? TT - TT

"Tss Kahit kelan ka talaga! Napaka clumsy mo! May malaki ka na ngang salamin, bulag ka pa din?" Sarkastik nyang sabi. Kung pwede lang pumatay! Naku! Matagal nang patay tong nasa harapan ko! Bwiseeet!

"Sorry ha? Hindi ko kase nakikita ang mga demonyong tulad mo!" Saka ko sya iniwan dun. Bwisit na tao yun!

"Anong sabi mo?!!" Kaya napatingin samin yung mga tao, bwisit ka talagang demonyo kaaaa!!

"Psh. Tagal ko nang tinatawag sayo yun, ngayon ka lang nag react? Ano yan Late Reaction?" Sarkastik kong sabi, Sinasabayan mo init nang ulo ko. -_-

"Tsss. Bwisit kang Panget ka!" Saka nya ako iniwan dito. PIKON :P!!

Sinundan ko Sya, syempre pupunta yan sa kwarto ni Chan.

"Oh bakit mo ba ko sinusundan?!" Naiirita nyang sabi.

"Diba obvious? Bibisita ako kay chan! Psh Idiot!"

"The fudge! I'm not the one who's idiot here! Its you! You stupid big idiot!" Nosebleed! Sarap ipalapa sa Leon nang taong to grabe!

"The fudge, Im not the one who's idiot here Its You, you stupid big idiot! Nyenyeneyeenye!" Inulit ko yung sinabi nya saka nag make face

"Tss Ang panget mo talaga! Kasuka!" React nya. Bwisit syaaa!

"Psh! Hiyang hiya ako sayo ano? Gwapo mo eh noh?" Sarkastik Kong sabi.

"Syempre gwapo ako panget ka! Kaya mahiya ka. Psh." Ang kapaaal! Oh? Hangin diba?!

"Wow! Bakit ata humahangin nang super duper lakas?" Sarkastik Kong sabi.

"Syempre Naka Aircon tong Area, psh! Stupid as always!" Hindi ko namalayan na nasa Second floor na kami ---- At tanga daw ako?! Pssssh! Onti nalang! Makakapatay na ko!

😾😾😾😾😾😾😾😾

******

SAMANTHA ON THE MEDIA.

DONE EDITING.

When He Meets Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon