Chapter 2

12 0 0
                                    

"Eunji! I can explain—" natigil si Chanyeol sa pagsasalita nang patikimin ko siya ng isang malutong na sampal.

"Enough Chanyeol! Enough! I don't want to hear your stupid explanation anymore! Alam mo ang love talaga parang magic eh, hangga't di mo nakikita ang pandaraya ay patuloy kang maniniwala. At ngayon na nakita ko na ang landian niyong dalawa ay makikipaghiwalay na ako sa iyo! I hate you!" At lumuha na nga ako.

"I trusted you Yeol! I trusted you! Pero ang laki mong tanga para magpalandi ka sa ahas na yon! Ang tali talino mo pero ang dali mo namang mauto! Nakakahiya ka! May girlfriend ka oh! May girlfriend ka Yeol! Hindi mo ba alam yun?! Nawala lang akong sandali tsaka di lang tayo nagkasama ng mga apat na buwan nakuha mo nang magpaahas sa kanya! Nakakadiri kayong dalawa." Yan ang mga salitang pinagbabato ko sa kanya ngayon ngayon lang.

Si Park Chanyeol ang EX-boyfriend ko. Siya ang tinutukoy kong boyfriend ko na nandito sa Nirvana Academy.

Pipigilan niya sana ako kaso humarang naman ang mga makakating ahas sa daanan ko kaya di ako makaalis.

"Wag mo akong hahawakan Chanyeol. Please lang dahil baka may magawa pa akong di maganda sayo!" At hindi nga niya itinuloy ang paghawak sa akin.

Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa mga mata ko at tiningnan ng matalim itong ahas nilang lider na si Joy habang ang mga kasama niyang mga ahas din ay naka-cross arms habang nakataas ang isang kilay. Nakangiti pa ang mga sira ulo na parang akala mo ay nakamit na nila ang tagumpay.

"Kawawa ka naman Eunji. Poor girl, iniwan ka na niya. Ang ganda naman talaga ng araw na ito oh! Such a—ahhh!" Hindi na ako nakapagpigil at nasampal ko na siya sa kanang pisngi. Napadapa tuloy siya sa sahig ng hindi oras.

Lumalabas na halos ng mga chismosang mga tao sa school. Hayyyy. Grabe. Hanggang ngayon ba naman? Pinagtitinginan na nga nila kami eh.

Hinila ko ang buhok niya at nilapit ko ang mukha niya sa mukha ko. Hinawakan ko rin ang kamay niya para di siya makagawa ng di maganda.

"Masyado kang maraming satsat girl. Sorry sa nangyari sa mukha mo ah. Nagasgasan ko eh. Ikaw naman kasi, hindi pa man kami naghihiwalay ni Yeol ay inahas mo na. Sabagay, sa isang relasyon nga naman oh. Parang gubat, i mo maiwasang may AHAS na dadating."

Binitawan ko na ang buhok niya ng pabalibag sabay tapak sa likod niya. Gusto akong pigilan ni Yeol at ng mga kaibigan ng ahas na ito kaso di nila magawa dahil isang maling galaw at salita lang ay pati sila madadamay dito.

"Diba taga-Arvia Academy yan? Eh bakit siya nandito?"

"Diba si Eunji yan? Baliw ka ba? I didn't know na ganyan pala ang ugali niya. Pang halimaw—ahh! Aray!"

Hinila ko bigla ang buhok ng dalawang babaeng pinaguusapan ako at ibinagsak sa sahig kasama ng ahas na ito.

"Lakas ng mga bulong niyo ah. Ang sakit pa sa tenga ng mga pinagsasabi niyo. Aba, wag niyo akong sinasagad dahil hindi niyo pa kilala ang babaeng kinakalaban niyop. Baka di niyo alam na kaharap niyo na pala ang demonyo sa lupa pero patuloy niyo paring kinakalaban!" Naririnig ko nang humihikbi ang dalawa sa kanilang tatlo.

Tumingin ako sa paligid. Baka maabutan pa ako ng mga teachers dito. Makaalis na nga. Putek!

"Hoy kayo! Kayong lahat! Subukan niyo akong lait laitin o di kaya makarinig lang ako ng kahit isang masamang salita mula sa mga marurumi niyong mga bibig ay mararanasan niyo ang demon therapy."

Tiningnan ko sila ng masama sabay apak pa lalo sa ahas na ito. Bagay lang niya yan noh! Higad din nga siya diba?

"Kung gusto niyo akong kalabanin, next time ay i-make sure niyo na kaya niyo na okay? Bye. It's nice meeting you again Nirvanians." At umalis na nga ako ng tuluyan before I can kill all people here.

Tumakbo ako at napansin kong nagugulat bigla ang mga taong nadadaanan ko dahil yata sa bilis ng takbo ko Omaygad!!!!

Natigil ako ng panandalian nang mapansin kong mali ang ginagawa ko. Gosh. Di ko pala pwedeng ipaalam ang pinakatatago kong sikreto. Argh! Kunwari na nga lang ay walang nangyari. Bwisit! Kaasar talaga!

=_=

Pumunta ako sa likod ng school kung saan walang pumupunta dahil abandoned na ata itong building dito. Buti nalang walang tao dito at libre akong maglabas ng sama ng loob.

"ARGH!!! MALASIN KA SANA PARK CHANYEOL!!! SUMPAIN KA!!! AHHHHH!!!!"

Yan ang mga sinigaw ko sabay suntok sa pader. Wala akong pakialam kahit nakikita ko nang dumudugo ang kamao ko. Bwisit siya. Maghintay hintay lang siya sa kamalasang mangyayari aa kanya.

Hindi ko siya kukulamin. I can't do that! Pero maraming hindi maganda ang mangyayari sa kanya kasama nung ahas na yun.

"4 months na tayong magkasama pero ngayon lang kita nakitang umiyak. Sorry pala doon sa sinabi ko kaninang umaga na sasapakin kita. Di ko naman talaga gagawin yun eh."

Nagulat ako sa biglaang dumating na umupo agad agad sa tabi ko. Pinunasan ng alien na ito ang mga luha ko.

"Che! Manahimik ka diyan kung ayaw mong masapak kita!" Nakakainis talaga itong lalaking ito. Kita nang umiiyak na ako, inaasar pa ako ng loko.

"Why are you here by the way? And why are you crying?"

"Eh ikaw? Bakit ka nandito?"

"Ako unang nagtanong kaya sagutin mo muna ako." Sabi niya sa akin. Hayyy.

"Oo na. Naglalabas lang ako ng sama ng loob! O ikaw na!"

"Wala. Naramdama ko lang na may parang may hindi magandang nangyayari eh. Uy! Pwedeng magtanong?"

"You're already asking duh." I said sarcastically.

He rolled his eyes. "Im serious now. Are you some kind of elemental something?" Nanlaki ang mga mata ko sa tinanong niya. Whaatttt???!!!

"Ano namang klaseng tanong yan Taehyung! Syempre hinde. Ikaw naman." Sabi ko sa kanya kahit nagpapawis na ko sa loob dahil sa sobrang kaba.

"Kakaiba kasi ang nararamdaman at naamoy ko sayo eh." Ahhh. Baka naman isa ito sa mga banat niya. Sus! Style niya bulok!

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Lumapit siya sa akin at parang inaamoy ako. Lumayo naman ako sa kanya.

"What the hell are you doing, you ass?!" Pasigaw kong tanong sa kanya.

"Say the truth. I already smell your true identity." He said while smirking at me.

Ako naman kinakabahan at pinagpapawisan na dahil sa sobrang kaba. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa oras na ito. Wahhhh!!! Alam na kaya niya??

This can't be! This can't be!!

THIS CAN'T BEEEEE!!!!

NOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!



+++++++####++++++####++++++

Ayan na ang pinromise ko sa inyo na ipa-publish ko na ang CH 2 ng story. Like and comment for more! Enjoy!

-chaeleepop

Arvia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon