Tago niyo nalang ako sa pangalang akira. Haha.
(True story to guys)
Nagkaroon ako ng boyfriend. 18 months na kami. Tagal diba? kaso sa 18 months nayon. Madami akong napagdaanan. Sakit at hirap.
Yung tipong pag nagaaway kayo ikaw yung may kasalanan kahit siya naman talaga. Pag ikaw galit siya din magagalit. Pag ikaw unang nagsorry sasabihin niya ikaw pa mataas yung pride. Yung mga ganong bagay. Tas pag nagagalit ka sakanya hahanap siya ng butas para may iganti din siya sayo. Para siya din galit. Kahit yung past niyo ibabalik niya basta may isumbat lang siya sayo. Tas ayaw na ayaw niyang gagawin mo yung mga giagawa niya. Okay para sakanya pero pag sayo hindi.
Nakakapagod na masyado. Madaming times nadin kaming nagbreak. Mga 5-6 na ata? on and off kami lagi. Naging masaya kami pero hindi nawawala yung mga araw na dumaan na hindi kami nagaaway.
Ang hirap talaga. At ngayong september 3 2013 last day na talaga. Etong araw nato? ngayon kami nagbreak. Ngayon nagtatapos yung 18 months na pinagsamahan namin. Ngayon natatapos yung relaayon namin.
Mahirap magpretend na okay lang sayo. Pinipilit mong wag umiyak kahit sobrang sikip na ng dib dib mo. Pinipilit mong ngumiti kahit nasasaktan ka. Pinipilit mong maging masaya para sakanya. Katulad nito.
"Ginawa ko to dahil sa sariling desiston ko. Mahal kita pero di ko na kaya. Nasasaktan ako pero pinipilit kong itago" siya
Eto naman sinagot ko
"Wag ka magalala. :") kung hindi tayo. Hindi talaga. Makakahanap kadin ng ibang babaeng mamahalin mo. Malaya ka na. :) maging masaya ka na sana"
Haha. Nakakatawa. Nagagawa kong ngumiti kahit alam kong ang sakit sakit. Tapusin nadin natin tong storyang to. :) byee!! salamat sa pagbabasa.
""Maging masaya sana siya kahit wala na ako. Kahit masasaktan man ako. Mahal ko padin siya. Pero kailangan ng tapusin namin to. Ano pang silbi nito kung nag give up na siya sayo.""
This is AKIRA signing off.