Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

CHAPTER 2: DORM B

378K 7.9K 1.2K
                                    

Sumakit ang katawan ko sa paglakad habang buhat ang aking mga bag. Hindi ko alam kung anong nasa isip ng lalaking 'yon at pinili niyang maglakad lang kami. Pinahirapan yata niya ako. Sarap niyang sampalin sa cheeks. May araw din siya sa 'kin!

"Ang bagal mo, beks! Lalaki ka pa rin, huy!"

Hinayaan ko ang stupid guy na 'yon. I had to be patient and kind para walang maging problema. Ayaw kong mawala ang lahat ng efforts ko dahil sa lalaking 'yon.

"Okay, boss," I said. Binilisan ko ang paglakad kahit na hirap na hirap ako. Wala kasing kuwenta si Kyle. Hindi man lang ako tinulungan, porket nasa isip niyang bakla ako. Sa bagay, hindi kami friends. Kung kilala lang niya talaga ako, baka naglaway pa siya sa 'kin. "Malayo pa ba?"

"Malapit na, kaya 'wag ka nang mag-inarte. Bilisan mo!"

"Ito na nga, 'di ba? Ikaw kaya magbuhat nito? Sampalin kita riyan, e."

"Ano?! May sinasabi ka?!"

"Ah, wala po, boss." Kinalimutan ko muna ang aking pagiging maldita. Kaya ko 'to. Fighting!

Sinundan ko siya hanggang sa nakarating kami sa tapat ng Yonsei University. Walang-wala ang school na 'yon sa school ko sa siyudad, pero pwede na rin. Si Marco lang naman talaga ang habol ko ro'n. After naming magkabalikan, babalik kami sa siyudad. Ang arte kasi ng lalaking 'yon, gusto pang sinusuyo siya.

"Hoy, beks, 'wag kang magpapahalata sa mga ka-dorm natin, ha! Ang lamya mo pa naman."

"Yes, boss." Whatever.

Pumasok kami sa loob. Medyo kinabahan ako nang nakarating kami sa may entrance. Mukha kasing mahigpit ang bantay ng school, pero hindi naman niya ako nahalata. Buti na lang talaga nakapag-practice na akong magpanggap bilang lalaki sa New York. Hindi naman mukhang fake ang mga papers ko.

"Hanapin mo na lang ang dorm," sabi ni Kyle. "May dance practice pa ako."

"What? I don't know where it is!"

Sinamaan niya ako ng tingin (as if naman nakatatakot siya.)

"Samahan mo na ako! Pagod na pagod na nga ako, e."

"I... don't... care."

Then he walked away.

Argh! Once I was done with my mission, magbabayad din siya sa 'kin.

I tried calling Charlie pero his phone was turned off, kaya naging Dora the Explorer ako habang hinahanap ang dorm. Inisip ko na lang, sa sobrang malas ng araw ko, hindi na siguro siya magiging mas malas pa.

"Pare, ilag!"

Ano raw?

Biglang tinamaan ako sa ulo ng isang bola.

Akala ko natanggal na halos ang ulo ko nang bigla akong tinamaan sa ulo ng isang bola.

"Pare, okay ka lang?" asked a guy who looked kind of like a girl.

"Okay?!" I yelled, holding my aching head. "Kung may sinipa akong bola papunta sa ulo mo, tatanungin pa ba kita kung okay ka lang?!"

"Sorry, pare."

"Sorry?! Anong gagawin ko sa 'sorry' mo, ha?!"

"Aba, ang yabang mo, a. Bago ka pa lang dito."

Susuntukin sana niya ako nang may pumigil sa kanya.

"Liam, tama na 'yan. Ano bang nangyari dito?"

Shet. Hindi pa ako ready na makita siya, pero ngayon pa nagpakita si Marco. Kung kailan ang haggard ng mukha ko at amoy pawis pa ako. Kahit na nagpanggap akong lalaki, dapat hindi ako mukhang gusgusin. Ayoko na!

Lady in Disguise (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon