18

48.2K 902 28
                                    





Chapter 18




ABHIE'S P.O.V






Hawak hawak ko pa rin ang kanang pisngi ko ngayong nandito na kami ni Shane sa loob ng kotse niya para ihatid ako.





Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya kanina, at lalong bumibilis iyon ngayon dahil hawak hawak niya ang kaliwang kamay ko at nilalaro laro niya iyon habang nakatingin sa labas.






Tahimik lang kami hanggang makarating sa tapat ng bahay namin.





Bumaba na ako, pero nagulat ako ng bumaba din siya.





"U-umuwi ka na." Nahihiyang sabi ko.





"Yeah. Good Night?" Bulong niya habang titig na titig saakin.




"H'wag mo nga akong tignan ng ganyan." Bulong ko.





"Ano?" Sa sobrang hina ng bulong ko malamang hindi niya narinig yon, ngumiti ako.





"Ah..wa-wala. Sabi ko lalagyan ko ng glow in the dark na stars yung kisame ng kwarto ko para pag makikita ko sila maaalala kita." Napansin ko lumapad ang ngiti niya, nanlaki ang mata ko ng marealize ko kung anong sinabi ko!





Mabilis kong tinakpan ang bibig ko!





"Really Abhie?.." Pang aasar niya, mas lalo akong nakaramdam ng hiya dahil don!!





Tumalikod na ako at tatakbo na sana ako papasok sa bahay pero hinila niya ang braso ko at nagulat ako ng halikan niya nanaman ang pisngi ko! This time sa kaliwa naman!





"See you tomorrow..Good Night Abhie.."






Nakakaloko yung mga ngiti niya bago siya sumakay ng kotse niya. Naiwan akong tulala sa tapat ng bahay namin hanggang makaalis na siya.





See...see you tomorrow?!





Pupunta siya bukas dito sa bahay?!!





"Acckkk!! Ang tanga tanga mo Abhie!!!!" Sigaw ko saka sinabunutan ko ang sarili ko at pumasok na ako sa loob!





Shete ka Shane Briones! Nakadalawang kiss ka! Magkabilang pisngi pa! Shete!






"Abhie iha?.." Narinig kong boses ni Tita, inaantok pa ako.





Tinalikuran ko si Tita at nagtakip ako ng unan sa ulo ko.





"Abhie may bisita ka.." Inuga uga ako ni Tita.





"Sabihin niyo po wala umalis tulog." Sabi ko habang nakapikit pa.





"Pero Abhie.."





"Tita..hindi ako nakatulog ng maayos dahil kay Shane Briones! Gusto ko pang matulog." Narinig kong natawa si Tita, kahit ako natawa ako sa sarili ko shete talaga umagang umaga siya pa rin ang laman ng isip ko.






"I'm sorry kung nahirapan kang matulog dahil saakin." Nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung kaninong boses iyon!!





Naramdaman kong may umupo sa paanan ng kama ko! Tinanggal ko ang unan sa ulo ko pero nakapikit pa rin ako, shete naamoy ko si Shane. Oo!! Alam ko na ang amoy ni Shane! Amoy gwapo kasi siya!!





Dahan dahan kong iminulat ang mata ko.





"Anong ginagawa mo dito?!!" Sigaw ko!!





"Mag suklay ka muna iha.." Natatawang sabi ni Tita!






Sht! Muta muta pa yata ako! Tumalon ako sa kama ko at tumakbo ako papunta sa cr ng kwarto ko! Pagtingin ko sa salamin gulo gulo ang buhok ko at may muta pa ako! Nakakahiya!! Bwisit talaga puro kahihiyan ang inaabot ko kay Shane!!






Naghilamos na ako at nagtooth brush, nagsuklay na rin ako. Nagpalit ako ng shorts at tshirt. Tapos lumabas na ulit ako, nagulat ako ng makita kong sobrang ayos ng kama ko! Pero wala na dun si Shane at si Tita.





Lumabas ako ng kwarto ko.





"Tita ikaw ang nag ayos ng kama ko?" Pagtataka ko, dahil si Tita nagagalit yan saakin kapag hindi ako nagliligpit ng higaan ko.





"Hindi. Bakit ko naman aayusin ang kama mong bata ka." Suway saakin ni Tita, pumunta ako sa sala at nakita kong nakaupo si Shane dun.





Tumungo ako at dire diretso akong umupo sa kabilang couch.




"Inayos mo kama ko?" Bulong ko.




"Look at me Abhie.." Bakit ba ganun yung boses niya!




Dahan dahan akong lumingon sakanya.





"Better. Yeah, inayos ko." Nakangiting sagot niya, kung kahapon ang creepy ng pagngitingiti ni Stan! Si Shane din ang creepy na ngiti na rin siya ng ngiti eh!





"Bakit mo inayos?!!" Napasigaw ako!





"Gusto ko." Matipid na sagot niya saka itinuon na ulit ang mata sa Tv.





"Kumain muna kayo!" Sigaw ni Tita mula sa dinning area, taray kala mo naman ang layo ng dinning area namin samantalang naka.partition lang naman ang sala namin saka yung kainin haha.





Tumayo na ako.





"Tara?" Yaya ko sakanya, tumayo na din siya saka sumunod saakin sa hapag.





Nakaupo na kaming dalawa, magkatabi pa kami. Ang aga aga kinakabahan ako.





"Ikaw na ang bahala Abhie ha? Tanghali na ako sa meat shop.. Mamaya pupunta si Syril dito, tinawagan ko sabi ko samahan ka muna.." Nagmamadaling sabi ni Tita saka hinubad yung apron, dun ko lang napansin na nakapang alis na siya.




"Sige po Tita ingat po."




Hinalikan muna ako ni Tita sa ulo at tinapik naman niya sa balikat si Shane.





"Ingat po." Paalam ni Shane.





Pagkatapos naming kumain nagkakagulo pa kaming dalawa ni Shane kung sinong maghuhugas! Buti nalang at malakas ako! Tinulak ko siya ng sobrang lakas! Hihi..





Pagkatapos kong maghugas bumalik na ako sa sala, nanonood pa rin siya. Dun ko lang napansin na may malaking plastic dun sa tabi niya.




"Bakit ka ba nagpunta dito?" Tanong ko sakanya.




Kinuha niya yung plastic saka may nilabas siya dun. Nanlaki ang mata ko, glow in the dark na mga stars!




"Ilagay natin 'to sa kwarto mo para palagi mo akong maalala." Pang aasar niya.





"Shane!!!" Sigaw ko pero nginisian niya lang ako!





"Nakakainis ka Shane!!" Sigaw ko!





Tumayo siya at dinala yung plastic saka hinila ako sa kamay papasok sa kwarto ko!





Iniupo niya ako sa kama ko! Nanlaki ang mata ko!





"A-anong gagawin mo saakin?!!" Nauutal na sigaw ko! Baka mamaya rapen niya ako?! Huwaa.




"Psh, ang dumi ng isip mo ang Abhie." Medyo narinig ko yung pagkairita sa boses niya. Bigla naman akong nahiya.




Tinikom ko na lang ang bibig ko at tinignan siya, nakatingala siya at nililibot niya ng tingin ang kisame ko. Buti nalang walang agiw agiw yon.





Lumabas siya at pagbalik niya may dala na siyang mono block. Umakyat siya dun at nanlaki ang mata ko ng maabot ng kamay niya ang kisame, oh edi siya na ang matangkad. Whahihi.





"Abhie..abutan mo ako ng stars." Seryosong sabi niya.





"Ah..o-okay!" Sigaw ko saka kinuha yung plastic at lumapit ako sakanya saka sinimulan ko siyang abutan ng stars.





Mejo nangangalahati na rin kami sa paglagay ng glow in the dark na stars, mabuti nalang at may lumang aircon itong kwarto ko medyo malamig.





Pinagkukwento naman niya ako habang nag aabot ako ng stars sakanya.





"Sabi nga ni Papa dati akala niya tomboy ako." Natatawang sabi ko, ikinuwento ko kasi sakanya na nakikipag away ako sa mga kaklase kong lalaki nung elementary pa ako.





"Amazona ka ba Abhie." Natatawang sabi niya habang nakatingala! Hinampas ko siya sa binti niya!




"Ang sama mo talaga Shane!" Sigaw ko sakanya.





"Haha. Biro lang." Nanlaki ang mata ko ng marinig ko nanaman ang magandang tawa niya.





Napangiti nalang ako.





Mga isang oras na rin ang lumipas tapos na rin kaming maglagay ng stars, ay siya lang pala hehe.





Nakaupo na siya ngayon sa kama ko at inuunat unat niya yung braso niya nangalay yata dahil ang tagal din niyang nagkabit ng mga stars.





Inabutan ko siya ng tubig.





"Salamat." Matipid na sabi niya, tumingala ako.





"Ibaba mo kaya yung kurtina para makita mo ng maayos." Suway niya saakin, sungit nanaman niya.





Ibinaba ko yung mga kurtina sa bintana, buti nalang ang kulay itim ang kurtina ko.





Narinig ko namang sinara ni Shane yung pintuan, tapos pinatay niya yung ilaw!





"Shane!! Ang dilim!!" Sigaw ko, pero narinig kong ngumisi lang siya. Tumingala ako at napa- O ang bibig ko sa sobrang pagkamangha.





Napapitlag ako ng bigla kong maramdaman ang paghawak ni Shane sa kamay ko. Sa sobrang tuwa ko napahawak na rin ako sa kamay niya ng sobrang higpit, naramdaman kong nakatingin siya saakin pero nagkunyari nalang ako na hindi ko alam.





Amoy na amoy ko yung pabango niyang nakakaadik singutin.





"Thank you Shane..." Bulong ko.





"Anything for you Abhie." Bulong niya rin, kung hindi lang madilim, kanina niya pa nakita ang pamumula ng mukha ko.




Nagulat kaming dalawa ng biglang bumukas ang ilaw!



"ANONG GINAGAWA NIYO?!"


*****

Crush Kita Konti LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon