Ms. NBSB (One Shot)
Kath's POV
*ring* *ring* *ring*
Sino ba yung tumatawag? Letse yun ah. Nagluluto ako ng Favorite kong Adobo eh. Dali-dali kong kinuha yung phone ko tapos tinignan ko kung sino yung tumatawag.
Calling....
Bestfriend Eya <3
[Answer] [Reject]
Ayy! Si Eyang pala! Sasagutin ko na...
"Ohh? Napatawag ka Eya?"
[EZPREEEEEEN!!!! OMAAAHGAAAHD! MAY, MAY IKKWENTO KO SAYO! LITSI FRIEND! MAMATAY NA ATA AKO!!]
"HA?! OKAY KA LANG BA?! ANO BANG NANGYARE? MAMATAY KA NA?! EZPREN! WAG MO KO IWAN!!!"
[TANGA! MAMATAY NA AKO SA SOBRANG KILIG!! LETSE TO! DI PA KO MAMAMATAY CHENES KA! WAIT, YUN NA NGA! EZPREN, MAY BOYFRIEND NA KOOOOOO!!!!!!] Boyfriend?! Na naman? Jusko talaga tong babaitang ito. Kabbreak lang nila ni Anton nung nakaraan ah?
"Ha?! Sino nanaman yan?!"
[Si Lucas! Si crush! Kyaaaah!!! Kanina pa ko kinikilig friend! Nakakaasar! Nagkaaminan kase kami kanina eh! Im so proud of myself!]
"TALAGA?! Wow! Congrats Friend! Wag mo nang pakawalan yan kundi kukurutin ko talaga singit mo! Sayang ang kapogian ni Lucas!" sabi ko.
[Manahimik ka nga Kath! Pinagnanasaan mo pa boyfriend ko. Hindi ko na talaga papakawalan si Lucas no ang hot kaya niya! Palibhasa kase NBSB ka pa din, BER Month na uyy! Sige ka malamig nanaman ang pasko mo. Ayaw mo bang maranasan na may kayakap sa simbang gabi?]
"Lul! Manahimik ka na nga jan! Di ko pinagnanasaan boyfriend mo! Enjoyin mo nlang ang pgiging taken mo ULIT! Babush!" Tapos in-end ko na agad yung tawag. Nakakaasar kase, in-open na naman yung topic na pagiging NBSB ko. Lokaret talaga yun kahit kailan, pero masaya ako at naging sila ni Lucas. Sana lang tumagal si Lucas sa ugali niyang loka loka.
Ako nga pala si Kathryn Joyce Lopez. 20 years old. Graduating in Civil Engineering and Certified NBSB, as in kahit crush wala ako pwera kay Kim Hyun Joong!
Baka iniisip niyo na panget ako kaya wala akong boyfriend noh? Pwes nagkakamali kayo. Sandamakmak kaya ang manliligaw ko, hindi ko lang sila type. Choosy lang talaga ako. Kaya kahit halos mapuno na yung locker ko sa dami ng nagbibigay ng chocolate at flowers, wala pa din akong napipili sa kanila, gusto ata nila akong ma-diabetes sa dami ng chocolates at para nman akong ililibing sa dami ng flowers. Magbigay na lang sila ng Adobo matutuwa pa siguro ako!
Teka, *sniff* ano ung naamoy kong parang sunog? *sniff*
Nilingon ko ung kusina, nanlaki yung mata ko nung napansin ko na punong-puno na ng itim na usok ung stove na nilulutuan ko kanina.
"WAAAAAAH! YUNG ADOBO KOOOOOOOO!!!!!!"
********
"I love you beh!"
"I love you too beh!" Sabay kiss sa lips.
Waaaah! Litsi tong si Eya at Lucas! PDA sa harap ko! Nako nman! Pinasama ako dito sa park para maging forever alone?! Alam naman nilang bitter ako eh!
"HOY LOVE BIRDS! DUN NGA KAYO GUMAWA NG MILAGRO SA IBANG LUGAR!" Sigaw ko ng ubod ng lakas.
Tumingin sila sa akin. Tapos sabay pa nilang sinabing..
"MAG BOYFRIEND KA NA KASI!"
"EH SA AYOKO EH! PAKE NIYO BA?!" Sigaw ko na naman sabay walk out.
Arrgh! Nakakaasar talaga! Bakit ba kasi ang bitter ko?! Naiinggit ba ako? Kabadtrip talaga men!

BINABASA MO ANG
Ms. NBSB (One Shot)
RomanceSi KATH, SIKAT sa school nila, MADAMING manliligaw, pero CERTIFIED NBSB. Until one day dumating si Mr. NGSB. Maging Certified Taken nman kaya siya? O manatili syang NBSB? Read to know the answer! :)