Siya na nga !!

810 36 1
                                    

 Siya na nga !!

by : Complicated Writter           

Limang taong gulang pa lamang ako noong makilala ko si Ivan . Kaibigan ko siya at kapitbahay dahilan ng aming  pagsasama sa araw-araw . Nagkagusto na kaagad ako sa kanya noong aming unang pagkikita . Gusto kong sabihin sa kanya ang aking nararamdaman  ngunit palagi na lang akong hindi nagtatagumpay . Kagaya noong kami ay nasa ikalawang taon sa hayskul , katext ko siya noon marami na kaming napag-usapan nang bigla niyang naitanong kung sino ang aking minamahal .

“matagal ko nang gustong sabihin sa iyo ito Ivan , bata pa man tayo gusto na kita wag mo sana akong lalayuan “

Habang tinetext ko iyan hindi ko mapigilang manginig dahil siguro’y sa aking  kaba . Ipinadala ko na iyan nang bigla akong nawalan ng lowd at nalowbat . Kaya simula noon pinili ko nalang itago ang aking nararamdaman para sa kanya . Dumating ang araw na nakilala niya ang aking matalik na kaibigan na si Fairy . Simula noon lagi na lang akong nasasaktan at umiiyak sa aking silid dahil sa madalas nilang pagsasama . Naramdaman ko ang unti – unti pagpatak ng aking mga luha habang tinitignan silang masayang magkasama . Simula noon pinili kong umiwas upang hindi na lumala ang aking nadarama .

Ilang beses niya akong kinukulit at tinatanong na kung bakit ako umiiwas , gusto kong sabihin sa kanya ang tunay kong rason ngunit palagi nalang   ‘busy ako ‘ ang lumalabas sa aking bibig . Papasok na ako ng klasrum nang makita ko si Fairy mula sa kanyang likod . Bigla akong napahinto nang makita ko ang malungkot na mukha ni Fairy .  Gusto kong umiyak ngunit wala ni isang patak ng luha ang lumalabas sa aking mga mata . Bago pa man ako makaalis , hinawakan agad ni Ivan ang aking braso dahilan upang mapaharap ako sa kanya . “ Usap tayong mamayang uwian sa parke “  siya ay malungkot na nakayuko habang siya ay nagsasalita . Tumango nalang ako at dirediretsong pumasok ng klasrum . Hindi rin nagtagal ang aming klase at kami’y nagsiuwian na . Naglalakad ako ng makita ko si Ivan  na nakaupo  parke . Bigla kong naalala na kami’y maguusap . Huminto ako at naglakad patungo sa kinaroroonan ni Ivan . Hindi ko mapigilang manginig at pagpawisan habang ako’y patungo sa kanya . Tinignan niya lamang ako nang may seryosong mukha . Umupo ako sa kanyang tabi at yumuko .

 “ ano ang pag-uusapan natin ? “ pangunguna ko .

 “ may ipagtatapat lamang ako sa iyo “ tumingin ako sa kanya habang ako’y pinagpapawisan

“ ano iyon ? “ pagtatanong ko

“ Ana wag ka sanang magagalit ngunit hindi ko lang talaga mapigilang umibig sa iyo.“  Bigla akong ngumiti habang nakatingin parin sa kanya .

“ hindi ko kayang magalit sa taong matagal ko nang minamahal “ sabi ko habang nakangiti sa kanya . Bigla siyang tumingin sa akin ng may ngiti sa kanyang mga labi .  Lumapit siya akin at hinawakan ang aking kamay .

“ kung ganun bakit mo ako iniiwasan ? “ pagtatanong niya .

“ nasasaktan kasi ako sa tuwing makikita kayo ni Fairy na magkasama . kaya pinili kong umiwas “

“ ahh . kaya pala wag kang mag-alala tinutulungan niya lang akong magsimulang  manligaw sa iyo “ sabi niya habang siya ay nakangiti .

     Simula ng araw na iyon , palagi na ulit kaming magkasama . Nakakasama na  rin namin si Fairy sa aming   pagpasok sa paaralan at sa aming pag-uwi . Mas lalong  pang tumibay  aming pagsasama , na kahit kami’y may problema hindi parin nawawala ang aming pagmamahal  sa isa’t  isa .

                 * comments and suggestions *

 visit me on 

 fb : joannorombaba@ymail.com

twitter : joan gutierrez @ KeepCalmCall_Me

     ( Thanks a lot :)))))))))))))))))))

Siya na nga !!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon