Kanina pa ako dito naka tayo nag aantay sa isang lalake na kung umasta ay parang babae napakatagal naman gumayak aist kainis ah! Napakainit dito sa labas
"Hey zorro! Nu ba nag make up kapa ba? Ang tagal mo naman! Tumatagaktak na pawis ko dito salabas!" tinawagan ko nga... at ang salabas na sinasabi ko ay as in salabas talaga ng kalsada di manlang ako pinapasok sa loob ng gate ka hard nya talaga
"Malapit na mahal na prinsesa, excited mag karoon ng aso?" Pabirong sagot nya
"Wag mo akong echosin..ou exited ako kaya dalian mo!" Exxzoooited ako makita ang may ari ng pagbibilan ko ng aso ^_^ pero syempre sa isip ko nalang yun
"Okey palabas na ako wait" binabaan ako ng phone haaay talaga naman oh kakainis talaga sya sipain ko nga gate nya....
ngunit bago ko pa masipa ang gate nya sakto ang pag bukas nito..."Aray! Bakit mo ko sinipa ysa nama oh...masakit yun!" Maluhaluhang himas ni zorro sa binti na nasipa ko...nakakatawa naman itsura nya hehehe..
"Di ko po sinasadya... gate nyu sisipain ko... malay ko ba na andiyan kana....okey para di ka lugi.....sooorrrii pooo!" Sabay bow ko sakanya ginaya ko si kathrene bernardo sa palabas nya
"sorry sorry..the damage has been done mamaya di kita samahan bumili ng aso eh" banta ni zorro at big No No na di nya ako sasamahan baka di ako makapagsalita pag kaharap ko si ciel
"Ikaw naman masyadong pikon halika na nga punta na tayo" haay wala talaga ako maaya eh para samahan ako kaya tiis-tiis sa kaartehan ng lalaking toh
"Gamitin natin baby ko ha..mainit eh pag nilakad natin" maarteng saad nya
"Ano? Baby ka diyan eh kita mong ang laki ng motor mo di ko kayang sumakay diyan! No no no! Tsaka ang lapit lang nung pagbibilan natin" Harasang pag tangi ko sakanya balak ko kasi mag lakad para sa pag uwe matagalan kami sa pwesto nila ciel
" wag ka ng umarte...di kita sasamahan..dali sakay!"
"아야! Sakit nun ah! grabe naman to makahila ng braso" mangiyak ngiyak ako sa sakit bwisit na lalaking to mangharass wagas..ang sakit nun ahh..ikaw ba naman ang haltakin sa braso eh nakatalikod ako sa kanya 😢😢😢
"Bakit kasi ang arte mo! Hahaha ang payat mo kasi kaya ka nasaktan sa pag hablot ko..sakay na at ng makarating tayo ng maaga"
"Maaga ka diyan! Kala mo namang meeting ang pupuntahan natin bibili tayo ng aso at kahit anung oras tayo makarating okey lang! tsaka di ako payat sexy ako!" Kakabwisit na lalaki to akala mo gwapo
"Oy ikaw gwapo ako, kaya wag ka kumontra."
Hala panu nya narinig yun? Nakakabasa ba sya ng isip? Maang nakatitig ako sakanya at nag iisip
"Di ako nakakabasa ng isip pero yung expression ng mukha mo alam ko kumokontra ka...tsaka pshycology graduated ako girl" sabay andar ng big bike nya..
Malay ko ba nanakakabasa sya ng expression ng mukha? Tsaka may nalalaman pang patawag tawag na girl bakla ba talaga sya? Tsk tsk tsk iba na talaga ang mundo mapa gwapo at pangit nagiging baliko..well mapa gwapa at pangit din kasi ako rin eh bumaliko na ata talaga ng dahil kay ciel
"Hoy!"
"Ay bumalikong papa!" Napa hampas ako sa balikat nya at napaakap bigla ba naman pumreno sakit ng ilong ko nabali ata matangos kong ilong "bakit ba humihinto kanalang basta basta!" sigaw ko sakanya na sapo-sapo ang ilong ko pero ang damuho tawa pa ng tawa
"Eh kinakausap kita dika sumasagot" sagot nya na habang humahagikgik ng tawa masaya pa ata na nabali ilong ko bwisit talaga
"Anu ba kasi yun!" Angal ko sakanya
BINABASA MO ANG
"My Self Righteous Girl"
RomanceSabi nila minsan daw ang isang relasyon dumadating sa puntong hindi na nararamdaman ang pag mamahal..di na namimis ang isat isa...nagiging malamig na kaya pag weak naghahanap ng iba... syempre sasagot ako! Dahil sa relasyon natin di nabubuo ang AKO...