Midnight memories

25 2 0
                                    

Naiwan si Camille at Christine sa kwarto nila. Dahil sumamang maghatid sila Iya at Alyssa Roman sa paghatid kila Julianne at Alyssa C, kasama din nila ang dalawang caretakers ng bahay dahil bibili pa raw ang mga ito ng pagkain sa bayan. Habang ang mga lalaki naman ay nasa kwarto nila.

Balak nilang uminom pagdating ng dalawa. Tila naiinip na ang dalawang magkaibigan. Tinignan ni Christine ang oras sa phone nito.

"9:30 na. Anong oras ba sila makakabalik?" Inip na saad ni Christine kay Camille.

"Hintayin nalang siguro natin yung mga yon. Darating na yo---." Hindi na naipagpatuloy ni Camille ang sasabihin nya at nagkatinginan sila ni Christine.

O_______O

Sabay silang pumunta sa bintana at tinignan ang labas.

"Patayyy." Sabay nilang sambit.

Ang lakas ng ulan. Ang tanging nasa loob lang ng mansion ay silang dalawa at ang mga lalaki na nasa kabilang kwarto.

Binuksan nila ang TV sa kwarto nila.

Nagulat sila dahil baka bukas pa daw huminto ang ulan dahil sa namumuong bagyo. Nag aalala naman silang magkaibigan kung anong nangyari na sa mga kabarkada nila. Dahil baha na din ang mga pangunahing daan bago makapunta sa kanilang kinalalagyan.

Kinuha ni Christine ang phone nya para tawagan ang mga kaibigan kaya lang wala itong signal.

"Shetness. Signal!" Tumayo pa sya para makapagsagap pero wala pa din talaga. Inis nyang naibato ang phone nya sa kama nila.

"Lowbat na pala ako!" Sabi ni Camille at pumunta sa mga gamit nya para hanapin ang charger nya pero hindi nya mahanap.

"Hindi ko mahanap charger ko! Hayys! Meron kaba Christine?" Sabi nito sa kaibigan. Pero umiling lang ito dahil hindi nya din nadala.

Naiinis silang napahiga nalang

Napagdesisyunan nila na matulog na muna.

Zzzzzzz. Ozzzzzz.

Sa kabilang kwarto naman ay hindi na nakapag hintay ang mga lalaki at kumuha na ito ng ilang bote ng beer at pulutan.

Masaya silang nagiinuman at nagkwe'kwentuhan. Nang may biglang naalala si Kris.

"Kurt. Asan na?" Sabi nito sa kaibigan.

Mukhang nagets naman nito ang sinasabi ni Kris. At tsaka tumayo ito. Pag balik nito hawak na niya ang mga droga. Tila nagniningning naman ang mga mata ng mga magkakaibigan.

Tumagal na tumagal tila wala na sila sa sarili at akala mo'y hindi sila napapagod. Animo'y napaka hyper nang mga ito.

---------

Nagising naman si Camille, dahil sa ingay na nanggagaling sa kabilang kwarto.

"Christine? Tara samahan moko." Gising nito sa kabigan na si Christine upang magpasama'ng pumunta sa kabilang kwarto kung san nanggagaling ang ingay.

Nagising naman si Christine at tumayo para mag ayos. Bago lumabas tinignan nya ang oras.

'11:00 na. Wala pa din sila.' Wika ni Christine sa sarili nya.

Pumunta silang dalawa sa kwarto ng mga lalaki. Sa labas palang nito ay madidinig mo na ang mga hiyawan at halakhakan ng mga ito.

Binuksan ni Camille ang pinto. Sakto hindi naman ito naka lock.

Pero nagulat sila sa nakita nila...

"G-guys?" Hindi makapaniwalang sambit ni Christine. Nagkatinginan pa sila ni Camille.

KAIBIGAN??! AKALA NYO HA??! (SHORT-STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon