GM Yun?

250 8 6
                                    

A/N: ito ay batay lamang sa aking malikot na imahinasyon na kung magkakataong nababagot ako e, hindi ko mapigilang mag isip isip tsaka ko lang isusulat... yun lang at sanay makatulong ito.

---------------------

GM Yun?

Kung dati, HIRAP muna bago SARAP,  ngayon hindi na.

Kung dati LIGAW muna bago KASAL,  ngayon INSTANT na.

Kung dati MEET THE PARENTS muna, ngayon MAGKITA NALANG TAYO SA KAMA.

Kung dati MANLILIGAW MUNA SA BAHAY, ngayon LIGAW TEXT NA.

Sa pagbabago ng ating mundo, kasunod din nito ang pagbabago ng tao. Lalong lalo na sa pag-ibig. Kasi nga kung dati ‘di mo manlang mahawakan ang dulo ng daliri ng babae, ngayon, nakita’t nahawakan mo na ang buong katawan niya ang status niyo M.U pa.

Ganyan na ba talaga ang tao?

Kung ang dating dapat ay paghihirapan mo muna ng todo ay makukuha mo na sa isang TEXT LANG.

Sa panahon ngayon, karaniwan na sa mga kabataan ang ‘ligaw text’. Yun yung nagkasalubong lang kayo sa kanto, hiningin mo ang number niya. Makalipas ang isang minuto, KAYO NA! Minute to win it ika nga.

Ganyan na ba talaga ngayon? Parang paghahanap sa Sulit.com? HANAP, USAP, DEAL!

Hindi man lahat pero karamihan ganyan.

Meron pa ba talagang seryosong relasyon?

Meron pa ba na kinikilala muna ang isa’t isa ng lubusan bago magpasya na maging sila?

Maniniwala ka ba agad sa isang tao kung sasabihin niyang mahal ka niya? Paano kung sa text?

At ang malupit, naniwala ka. Di mo alam GM pala!

Saklap diba? “I LOVE YOU” tapos send to many?

Kaya tanong ko lang,

Paano mo papatunayan sa isang tao na mahal mo siya, kung ligaw text ka lang pala? Kung sa panahon ngayon na, ang ‘I love you’  ay parang pagsasabi nalang ng ‘SORRY at THANK YOU’... di mo alam kung tunay at totoo.

Oo masakit na hindi ka paniwalaan ng taong gusto mo, lalo na kung lalaki ka. Nakakahiya kayang umamin. Pero, masisisi mo ba ang mga babae? kung sa panahon ngayon parang ang hirap nang paniwalaan ng mga sinasabi ng isang tao?

IKAW, anong gagawin mo?

- End

A/N: ipahayag ang iyong saloobin sa bagay na ito, maaari mo bang isulat ang iyong komento?

GM Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon