Chapter 1

57 1 0
                                    

"Shen, punta na tayo sa canteen. " malungkot na sabi ni camille. Siya yung best friend ko.

"Bakit malungkot ka?"

"Sa canteen ko na lng sasabihin sayo."

Nagkibit-balikat na lng ako. Bumili muna kami ng pagkain.

"Uyy, bakit ang kaunti naman ng binili mong pagkain?" pagkaupong-pagkaupo namin, yan agad ang tinanong ko. Tunay naman eh. Iisang sandwich lang yung kanya. Eh ikumpara sa akin na sobrang dami ng aking binili. Wala kasi sa bokabolaryo ko ang salitang "diet". Pero kahit na marami akong kinakain slim parin ako. Ano daw kaya yun?

"Nawalan na ako ng gana." Halata sa boses niya na malungkot siya.

"Bakit ka nman nawalan ng gana? Dahil ba sa lovelife? Lagi na lng kasi yan ang dahilan eh."

"Tama ka. Nakita ko kasi kanina yung boyfriend ko na may kasamang ibang babae. Pangit na pangit naman" Gusto ata makapatay ng babaeng ito ah! Gigil na gigil sa pagkain niya.

"Hoyy kawawa yang pagkain! Akin na lang yan, gusto mo? Joke! Eh sino ba yung lalaking hinayupak na putek na napakag*gong lintik na h*yop na yun? Baka nman kasi, kapatid o pinsan o kaklase lang." Bakit pa kasi naimbento pa yang love na yan -.- nakakasakit lang naman ng damdamin ng iba eh. kainis. ok medyo bitter na.

"Takaw mo tlaga. Siya si Ck short for Carlo Kyle. Kapatid? Pinsan? Kaklase? Eh kung makapaghawak ng kamay parang sila na ah. Ano yun? joke lng? karumi ah. Sabi pa nga eh, sasaktan lang din ako nun. Tanga ko talaga."

"Eh tanga ka naman pala eh!"

"Sakit ah!"

"Eh tunay naman talaga! Alam mo ng sasaktan ka ng hinayupak na yun, pinatulan mo pa! Dapat kumain ka na lang eh. Dapat gumaya ka na lang sakin. Kitang loyal talaga si pagkain. Di ka na nga sasaktan, papasayahin ka pa." tunay naman talaga yun eh.

"Oo na! Ako na nga tanga. I think I just have to move on na :("

" Dapat lang! Ge alis na tayo. Baka mapadami pa ako ng kain, sayang pera."

"Sige tayo na."

Lumabas na kami sa canteen at pabalik na sa room namin.

"Bakit?" Tanong ko kay camille. Bigla kasing tumigil eh. Di ko alam kung bakit.

........

Nakatigil parin siya. Tapos kita sa mukha niya na galit na galit siya. Tiningnan ko kung sino yung tinitingnan niya. Nako! Isang boy at girl na sobrang PDA. Bakit naman siya dun nakatingin?

"Huyy, sino yung dalawang yun? Sobrang PDA ah! Sarap patayin. Bakt ka ba ganyan makatingin sa dalawang yun? ........ Oh no, siya ba?!!" Tumango na lang siya.

"Putek na h*yop na yun!" Pinuntahan ko yung dalawang h*yop kasama si camille.

"Shen, tumigil ka. Nakakahiya." Hindi ko na lang siya pinansin at pinuntahan ko na lang yung dalawa.

Pinaghiwalay ko sila. At humarap kay Ck at sinikmuraan.

"G*go ka! Bakit mo niloloko kaibigan ko ha?!" Galit na galit kong tanong.

"P*ta babae ka ba talaga?! Sino ka para ganunin ako? Sinong kaibigan? Kung makapagmura, wagas!" Asdfghj p*tang lalaki to ah!

"Ako nga pala si Shen! Bestfriend ng GIRLFRIEND mo!" Inuna ko si camille.

"Hindi ko siya niloloko. Siya yung may kasalanan." Tinuro niya si flirt girl. Lumapit si Ck kay camille. "Camille, bebs. Hindi kita niloloko. Maniwala ka sakin. Siya yung nalapit. Bebs maniwala ka."

I Can't Believe You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon