Gian's POV
After nung paghatid ko kay CLUMSY GIRL, tumakbo na ako papunta sa kwarto ko. Ang saya ko ngayon, hindi ko alam kung bakit. Basta ang saya ko ngayong araw na ito! Hahahaha.
Bubuksan ko na sana yung pinto ng kwarto ko nang tinawag ako ni mama sa baba. Haaayst ano na kaya sasabihin niya?
"Bakit ma?" Tanong ko agad pagkababa.
"Uy anak! Wala naman. Gusto ko lang sabihin na gusto ko yung babaeng yun. She's so simple. I like her."
"Clumsy girl naman."
"Ha? Ano yun anak?" naparinig ni ma, patay 🙈
"Aaah wala ma! Kaibigan ko lang naman yun ma. Sige po good night ma!" Kiniss ko siya sa pisngi tapos umakyat na pataas papuntang kwarto.
"Just a friend? Siya yung unang babaeng pinuta mo dito 'nak! Nako ha--" blah blah blah. Hindi ko na pinaringgan si mom. Ingay ni mom parang si shen lang eh. Ay bakit ko nga ba siya yung naisip ko? Nako naman.
Natulog na lang ako at nagpahinga.
****
Nagising ako sa isang hotel.
"Ha? Anong ginagawa ko dito?" Tiningnan ko ang paligid at may isang bagay na pumukay sakin. Isang barong at pantalon na pangkasal. Sinong ikakasal?
Bumangon na ako at dumungaw sa bintana. Ano bang meron? Biglang may bumukas ng pinto.
"Anak! Magbihis ka na! Ayun yung damit mo oh?" Bigla tinuro ni mama yung barong at pantalon na pangkasal. "Dali malelate na tayo!"
"Wait lang ma. Anong me-"
"Dali na anak! Kaganda ng bride dalii!"
"Ma! Anong ngang meron at ba--"
"Wag ka nang magtanong diyan! Magbihis ka na at magayos!" Biglang lumabas na si mama. Nako naman. Ano bang meron? Nakakainis na ha!
Sinuot ko na yung barong at nagayos ng sarili. I'll find out later what's happening.
"Anak! Tapos ka na ba? Labas ka na diyan at sasakay na tayo sa kotse!" Sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto.
Lumabas na ako sa kwarto kahit litong lito ako kung anong nangyayari ngayon. Ano ba yan!
Ngayon ay nasa simbahan na kami. Mukhang ayos na ayos ang lahat. Lumabas na ako at si mama.
"Congrats gian!"
"Congratulations gian."
"Congrats!"
Yan yung mga sigaw nang tao nung pumasok ako sa simbahan. Teka ano ba talagang meron? "Congratulations"? Anong meron?
"Congrats tol!" Bungad sakin ng aking pinsan na si ck.
"Wait. Anong meron at naba--" tulad ng kanina, hindi na naman ako pinatapos dahil magsisimula na daw ang seremonya. Pucha.
Nasa unahan ako at sinasamahan ako ng aking parents papunta sa altar. Wow si papa nandito. Wait... Diba ito yung gawain kapag ikakasal ka na? IKAKASAL NA AKO?! FOR REAL? Kanino naman? Sheeet.
Nakadaan na lahat ng abay at ngayon naman ay yung bride na ang maglalakad kasama yung mga magulang niya. Sino naman kaya ito?
Nakuha ko na siya at pumunta na kami sa harap ni father. Hindi ko alam kung bakit ko siya kinuha at ako pa yung nagdala papunta dito. I have this weird feeling.
"I, shen, take you, gian, to be my wedded husband. With deepest joy I come into my new life with you. As you have pledged to me your life and love, so I too happily give you my life, and in confidence submit myself to your headship as to the Lord. As is the church in her relationship to Christ, so I will be to you. Gian, I will live first unto our God and then unto you, loving you, obeying you, caring for you and ever seeking to please you. God has prepared me for you and so I will ever strengthen, help, comfort, and encourage you. Therefore, throughout life, no matter what may be ahead of us, I pledge to you my life as an obedient and faithful wife." Wait si shen?! Kaya pala i get this weird feeling eh. But how? Paanong naging ikakasal kami? Nung sinabi niya yan, sinuot niya sakin ang isang gold infinity ring.
BINABASA MO ANG
I Can't Believe You're Mine
Teen FictionA story about a girl na may kaaway na lalaki at iyon yung boyfriend nang kanyang kaibigan. Ang kaaway niya ito ay may pinsang lalaking gwapo. Maiinlove kaya itong palaaway sa lalaki sa pinsan ng kanyang kaaway o aawayin niya lang din? Read this stor...