Dati pa man, naitatanong ko na sa sarili ko kung, bakit ang mga mag-ex ay nahihirapang maging magkaibigan ulit?
Ika nga, “a flower can turn into a fruit but a fruit cannot turn into a flower...” same goes with LOVE.
nahihirapan din akong intindihin ang bagay na iyon dati pero, sa pagbabasa ko ng isang kwento, doon ko nakita ang sagot sa tanong ko.
Nahihirapan silang ibalik yung pagkakaibigan kasi may ‘masakit’ na past na nagpapaalala sa kanila ng paghihiwalay nila. Maaaring third party, may nang-agaw, may nagpaagaw, at pwede ring hindi kasi talaga sila meant to be. Kasi nga naman, bakit sila maghihiwalay kung walang mabigat na dahilan diba? Parang yung isa sa Law of Motion, ang Law of Inertia... stating that, “any object in motion will continue with constant velocity unless forces acted upon it...”
Ang dahilan ng pagbabago at pagsuko ay kung may nagsanhi nito. Bakit naman kasi kayo maghihiwalay kung masaya kayo sa isa’t isa diba? Kaya hindi ko masisisi yung mga naging bitter sa past nila kasi nga naman may malalim na silang pinagsamahan pero meron din silang dahilan kung bakit kinailangan nilang maghiwalay. Nandoon pa kasi yung “what ifs... paano kaya kung kami pa rin... etc”
Pero, come to think of it, bakit mo pa hahayaang masira at mawala ang isang relasyon na pinaghirapan mong buuin at makuha? Para kang nagpatayo ng isang mansion na pinagkagastusan at pinaglaanan ng mahabang panahon para mabuo tapos e, ipapatibag mo lang din pala sa oras na matapos at magawa na ito.
Buhay nga naman, sadyang kayraming misteryo at surpresa...
Pero para sa mga nasa ‘in a relationship’ ang status sa buhay, eto lang ang iiwan kong tanong sa inyo...
Hahayaan mo bang masayang ang mansion na ipinatayo mo o, kakayaning manatili itong matatag sa kabila ng mga bagyong darating? O di kaya naman e, muling panumbalikin ang isang prutas sa dati nitong anyo bilang isang marikit na bulaklak?
It’s either protect and value the mansion that you have built or turn a fruit back into a flower...
IKAW, ANONG PIPILIIN MO?
BINABASA MO ANG
Paki explain...
Randomsa parteng ito, dito'y mababasa mo ang mga katanungan at mga agam agam na matagal nang tumatakbo sa aking isipan. Ngunit sana rin sa iyong pagbabasa e, makapulot ka ng mga mumunting aral sa aking mga katanungan.