Seven's pov.
"Ano kaya magandang gawin ngayong sabado?"tanong ko sa sarili ko.
nasa kwarto ako at pinaglalaruan yung bola ng basketball.
"Puntahan ko kaya si Nine sa bahay niya!?"
"oo tama para di ako lonely!"sagot ko sa sarili ko.
Nagbihis na ako at bumaba.
"Ya! Dad?"tanong ko sa katulong namin.
"Andun sa office niya!"
pumunta ako sa office ni Dad at nakita ko siyang nagsusulat.
"What are you doing dad?"umupo ako sa couch niya.
"Baka nanonood ako!"
"Dad talaga! pilosopo!! By the way dad! paano yayain gumala ang isang babae?"
"are you going to have date?"
"no! i just wanna go have some fun for my girl friend! Nine nga pangalan niya e!"sabi ko at humarap kay dad.
"dont you think she's you're destiny,son?"lumapit si Dad sakin at umupo sa tabi ko at inakbayan pa ako.
"minsan dad! minsan hindi! kasi minsan nakakatakot siya! feeling ko kaya niya akong ibalibag anytime kapag nagalit siya sakin!"
"ooohhhh another creature like you're mom! well if youre planning to go out with her wag kang madaldal makulit at dapat lagi mong sundin yung gusto niya if you wanna live and have a longlife!"tinapik pa ako ni dad sa balikat na parang sinasabing goodluck tapos tinulak ako palabas ng office niya.
Dad talaga o!
"its not a date dad!"
*************
Naglalakad na ako papasok ng condo ni Nine.
"Should i?"tanong ko sa sarili ko habang iniisip yung sinabi ni Dad.
Una sa lahat hindi kayang pumreno ng bibig ko.
Pangalawa di ko kayang hindi maging makulit.
Pangatlo hindi ko alam kung paano ko yayayain si Nine.Should i say.
"Hoy! Nine! samahan mo ko sa arcade ngayon na!"
o
"Nine! pwede mo ba akong samahan pumunta sa mall? tsss! ano yun? magshoshopping ako? hello lang no! di ako nagshoshopping!" eto nalang.
"Hoy Nine! Sama ka sakin sa arcade! tapo----"
"*ehem* anong ginagawa mo dito?"sabi niya nasa pinto pala siya! haha.
narinig niya kaya.?
"Ayoko sa arcade gusto ko sa amusement park! samahan mo ko!"sabi niya sabay hila sakin.
huh? sayang naman yung pagpapapraktis ko ng pagtanong ko sakanya!!!! nakakainis...
pero...... uyyy niyaya niya ako!!! pwede na rin! siguro may gusto na siya sakin.
"wag mo sanang isipin na may gusto ako sayo! wala lang akong kasama kaya kita niyaya!"
napasimangot nalang ako.
kakaimagine ko lang e! binawi agad!!
pero bakit parang nababasa niya yung nasa isip ko? di kaya.......... hala!!!! baka alien si Nine o pwede ring kasali siya sa marvel? imposible!!!
"Hoy! Hindi ako mindreader! anlakas lakas kaya ng bunganga mo kanina pa! hindi ako alien no! ikaw nga tong mukhang isa sa kanila jan e!"inirapan niya ako.
Nauna siyang pumasok sa kotse ko.. nayy! feeling kanya!
sumakay na rin ako....
"Hoy! pwede ba next time! umayos ka! para kang baliw ngayon ay mali pala! baliw ka na pala simula nung nakilala kita pero mas lumala Seven!"
"Grabe ka naman sakin Nine! ikaw na nga magpapasama ikaw pa galit!"
"ayaw mo bang sumama! edi baba ako!"baba na sana siya kaso hinila ko siya.
"Manong Star City tayo!"hinila niya yung braso niya sakin at inirapan ako.
"sasama din pala e!"
"hoy ha! lilinawin ko sayo Nine! hindi ako easy to get ha hindi to-----"
"HINDI TALAGA TO DATE NO!"sigaw niya.
Napatawa naman ako ang kyut niya lang kasii...
"wag ka ngang tumawa!"binatukan niya ako.
napahimas naman ako sa ulo ko....awww solid yun bradd!!
**********