chapter 5

2 0 0
                                    

"Anak gising na. Baka malate ka." ginising na ako ni mama. Agad naman akong naligo. Nag bihis at kumain.

Kinuha ko agad ang phone ko na chinarge ko pag ka gising ko palang. Nagitla ako nang makitang may chat pala sya sakin ng bandang mag aalauna.

"Tulog ka na? Di kasi ako makatulog eh. HAHAHAHA

di ko man lang naramdaman ang pag vibrate nito. Psh tulog mantika nga naman. Nakita kong naka active now  sya.



"Sorry ah. Nakatulog na ako. Ngayon ko lang nabasa chat mo."  Di ko na hinintay ang reply nya. Tutal may mobile data naman ako kaya ayun mag vavibrate din to sakaling mag reply sya.

Nakarating na ako ng school at pag baba ko ng service nag lakad kami ng kaibigan kong lalake papuntang convience store malapit sa school namin.

Siniko naman nya ako ansakit wuala.

"Ano ba an----"  di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla syang may tinuro.

Pag turo nya tumingin naman ako agad. Oh mg nasa heaven na ako. Hahahaha charot. Nakita ko si Roy na may naka sukbit na bag sa likuran at isa pang bag na lalagyan ng sapatos na pang laro. May training ata sila kaya mukhang may dala sya.

naka tingin lang sya saamin at tumango at kaunting ngiti. Gayon din naman ako sakanya.


Teka teka. Ngumiti sya pero di katulad ng ngiti nya kahapon. Sabi na nga ba eh hindi yon ang normal nyang ngiti. Tss.


Habang nag lalakad na kami nakasabay ko naman ang kaklase kong babae na si Yna.

"Oh Yna pasaan ka?"

"Dyan sa convience store bibiling pag kain."

" ah ganun ba sumabay ka nalang samin tutal dun din naman kami."

"Sige. Salamat. "

Nag lakad na kami at bumili ako ng chocolate milk drink. Donut at Brownies. Pabalik na kami ng school. Medyo mahaba ang pila ng mga estudyanteng malapit na malate. Pero di pa naman.

Dalawang line ang nabubuo sa daanan isang linya ng mga estudyante pataas na naggaling sa gymanasiun kung saan iniipon muna at saka pag malapit na ang first subject saka papa akyatin. At isang pila na pababa papuntang gym. Tutal sa baba rin naman ang roon namin. Pag ka baba mo aakyat ka pa ng dalawang hagdan. hassle diba.

Habang nag lalakad napatingin ako sa pila ng mga nakakasalubong namin at agad kong nakita si roy. Napatingin din sa gawi namin ni yna. Ngumiti sya at parang tumango bilang nag sasabi na hi/hello ganun din naman ang ginawa ko. Binati rin ako ng mga kaklase nyang babae. Tutal medyo close ko naman ang iba sakanila.

Nang malagpasan namin ang pila sinundot agad ni yna ang tagiliran ko at sabay sabing

"kailangan may pag ganon ha? Ayiieee!" 

"Para bumati lang eh. "  inirapan ko nalang itong yna.


"Wushuuu... Pero maka ngiti kayo sa isat isa..."

"Tigilan mo nga. Mag kaibigan lang kami. isa pa babalikwasan kita."  

Natawa nalang sya habang nailing. na rating na rin namin ang room namin. First subject? MATH! Anak ng. Aga aga numbers agad makikita namin. byuda pa mandin teacher namin kaya medyo mataray.

kung minsan mag papa freetime tapos ayaw ng maingay. Bawal pa mag salita kung minsan. Anong trip yon.

adviser nga pala sya ni roy.

Pag pasok namin nag dasal kami at pag tapos ay tinawag ako.

"Miss Dellatan pwede bang puntahan mo si Mr. Roy Tuazon sa room at papuntahin dito. Iexuse mo sya sa teacher nila ng ayos ha."  Kaka baba ko lang aakyat nanaman. Ang layo kaya ng room nila. Sa dinami dami ng estudyante sa section namin ako pa talaga napili.

Naiilang pa mandin ako dyan kay roy.

"O-opo."  Matipid kong sagot kay Miss. Badtrip.

"Hoy yna samahan mo ko."  Pag yaya ko sakanya. At aba ang bruha. Di ako sinamahan. Mamaya to sakin.

Nag lakad na ako paakyat. Ayaw ko pamandin sa lahat yung kakatok tas pag bukas ng pinto lahat sila sayo nakatingin kala mo mamamatay tao ka kung maka tingin sila. Pag dating ko sa tapat ng kwarto nila agad na akong kumatok ng walang pag aalinlangan.

"Goodmorning po pinapa exuse lan----"   di na ako natapos ng biglang may nag salitang lalake.

"NAYS ONE ROY!"  Sigaw nung lalake. at agad naman nag sigawan ang mg kaklase nya.

"Yieee"

"Yan ba yon roy?!"

"Nuxx naman."

Bastos. -_-

Ano bang trip nitong mga to?

"Everyone keep quite."  Saway sakanila ng teacher nila. Batuhin ko tong mga to ng bangkuan eh.

Paano na yan eh  sya ang ieexuse ko  sakanya rin ako inaasar. Badtrip.

"Miss pinapa excuse po kasi ni Miss Glen si Roy."

mag iingay yan.

5

4

3

"Ayuuuun! Ikaw rin naman pala roy ang hanap.HAHAHAHAHA"

"ROY TAYO NA JAN."

"ROY EXCUSE DAW SAYO!"

HAYOP NA YAN. DI MAN LANG AKO PINATAPOS NG PAG BIBILANG 3 PALANG AKO NAG KA GULO NA AGAD SILA. SABI NA NGA BA EH.  -______-

Pasabugin ko tong mga to sa kina-uupuan nila eh.



BoybestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon