His Reasons

6 0 0
                                    

"May nagawa ka na bang isang bagay na sobra mong pinagsisihan?" I asked him, looking straight to his brown eyes.

"Oo" maikling sagot niya kasabay ng pagputol niya ng tingin sa akin para tumingin sa papalubog na araw.

"Meron din akong isang bagay na sobrang pinagsisihan na tumataktak sa isip at puso ko" wika ko kasabay ng pagpatak ng mga luhang pinipigilang kong kumawala.

Iniiwasan kong tumingin sa direksyon niya para hindi niya mapansing lumuluha ako. Tinitigan ko ang araw na papalubog na may lungkot sa mga mata.

"Akala ko tama ang nagawa kong desisyon pero nagkamali ako. I really made a big mistake and you know what mistake was that?" lumingon ako sa direksyon niya pero hindi niya nagawang lumingon sa direksyon ko. Patuloy lang ang pagtingin niya sa papalubog na araw.

"It was welcoming you in my life. Letting you be part of my life was the biggest mistake I've ever done. It was a decision I'm sure I'll regret forever." Ang kaninang iilang luhang bumabagsak ngayon ay hindi na mabilang.

"Sa dinami-dami ng tao sa mundo ikaw pa ang gumawa ng bagay na yun sa akin, sa pamilya ko. And to end my misery, I have to end the connection I have with you. " kasabay ng tuluyang paglubog ng araw ay ang pagbigkas ko ng mga salitang dumurog sa puso ko.

"Goodbye, Kurt"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ng hindi tumitingin sa kanya at naglakad na palayo. Hindi ako umaasang lalapitan niya ako. He knows this moment will come. Alam niya ang mga consequences na maaring mangyari but he still chose to broke me. But the worst part among everything is; he still chose to be by my side, laughing and smiling with me kahit na may alam siyang bagay na sobrang kinasira ng buhay ko.

"He has many choices but he chose to break my heart and soul because he is too damn selfish"




























His ReasonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon