Heartbreaking news

4 0 0
                                    

"Mommy, gutom na po ako" sabi ng kapatid ko na si Mikaela

"Honey, malapit na daw ang daddy mo. Intayin natin siya para pag kumain tayo ng hinanda natin para sa birthday celebration ng ate mo, kompleto tayo" wika ni mommy sabay ngiti. Ngumiti din si Mikaela bilang tugon.

I just sat on our sofa with my sister, waiting for my dad to return home. 30 minutes passed after my mom received a text from my dad na malapit na siya pero hanggang ngayon wala parin siya.

I kept on glancing on my watch pero thirty minutes na ang muling lumipas, hindi parin siya dumadating para batiin ako ng Happy Birthday na may kasamang yakap.

Nawala ako sa malalim na pag iisip ng marinig ko ang pagkabasag ng baso. Nilingon ko ang kusina at nakita ko si mommy na pinupulot ang mga nagkalat na bahagi ng baso. Sa hindi mawaring dahilan, nakaramdam ako ng matinding takot. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Matapos maalis ni mommy ang nabasag na baso, tumunog ang kanyang cellphone. Hindi ko mawari kung sino ang tumawag kay mommy pero mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kong namutla ang mukha ni mommy. Nahulog ang cellphone na kanina niyang hawak. Agad akong lumapit sa kanya.

"Mommy, ano pong nangyayari? Sino po yung tumawag?" Hindi parin nawawala ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko may masamang nangyari pero sana hindi totoo ang lahat ng kutob ko.

Hindi agad nagawang sumagot ni mommy sa tanong ko kaya mas lalo akong nakaramdam na may nangyayaring hindi maganda.

"Y-your d-dad—" hindi nagawang matapos ni mommy ang sasabihin niya dahil bigla na lang siyang humagulhol. Hindi ko napigilan ang sarili ko, tumulo ang mga luhang hindi ko inaasahang tutulo. Niyakap ko si mommy para pakalmahin siya.

Lumingon ako sa direksiyon ng kapatid ko na nakaupo sa sofa, nakatingin lang siya sa direksiyon naming. Kitang-kita sa mata niya ang pagtataka sa mga pangyayari. Inalis ko ang yakap ko kay mommy para matanong siya ng ayos.

"Mom, sino po yung tumawag sa inyo? Ano po ang sinabi niya?" ilang minuto ang nakalipas bago muling nagsalita si mommy.

"I-isang pulis a-ang tumawag s-sakin." Sana hindi totoo ang iniisip ko. Sana hin—

"They t-told me t-that your d-dad i-is dead" hindi madaling naproseso ng isip ko ang mga salitang binanggit ni mommy.

"Mom, you're joking right? Hindi t-totoong p-patay si daddy, di ba?" hindi ako nasagot ni mommy ng mga salitang nangagaling sa kanyang mga labi kundi ng mga luhang nangagaling sa kanyang mga mata.

Hindi ko magawang huminga ng maayos. Sobrang sikip ng dibdib ko. Hindi ko magawang tanggapin ang mga balitang natanggap ko. Nawala ako sa malalim na pag iisip ng biglang lumapit ang kapatid ko.

"Mommy, ate bakit kayo umiiyak? Nasan na si daddy? Bakit ang tagal niya?" inosenteng tanong ni Mikaela.

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak ng todo. Hindi umimik ang kapatid ko imbes ay inilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa aking likod at niyakap niya ko pabalik. Mas lalo akong napaiyak sa ginawa niya.

Muling tumunog ang cellphone ni mommy. Pinulot niya ito at sinagot. Habang iniintay na matapos ang tawag ay bigla ko na lang naramdaman ang isang maliit na kamay na pumunas sa mga luhang tumulo sa aking pisngi. 

Nilingon ko si Mikaela at ngumiti ng pilit kahit sa loob ay durog na durog na ang puso ko. 

Nang matapos ang kanilang pag uusap ay lumingon si mommy sa direksiyon namin.

"Meraine, pakainin mo ang kapatid mo. Pag napakain mo na siya patulugin mo. Aalis lang ako. Babalik rin agad ako" Magsasalita sana ako ng makita ko ang kapatid kong hawak ang kanyang tiyan. Mahigit isang oras na ang nakalipas kaya sigurado akong gutom na gutom na siya.

Hinayaan ko si mommy na umalis. Hindi ko na pinilit ang sarili ko na sumama. May kapatid akong dapat kong alagaan at may mga bagay pa siyang hindi alam. At ang mga bagay na yun, hinihiling ko na sana panaginip na lang, sana hindi totoong nangyari kasi hindi ko talaga magagawang matanggap.

Pinakain ko si Mikaela at dinala siya sa kanyang kwarto para patulugin. Nang makatulog na siya, lumabas ako ng bahay at nagtungo sa swing.

Tuwing nalulungkot ako, nagtutungo ako sa swing para mag-isip at sa swing narin na to madalas kami magbonding ni dad—

Hinawakan ko ang pisngi ko. Naramdaman kong basa ito. Akala ko umaabon lang pero sino bang niloloko ko? Sarili ko lang din. Hindi ko na napigilan. Ang mga luha ay parang nagkakarerahan at nag uunahang mag bagsakan.

Ano man ang gawin kong pagsasabi sa sarili ko na lahat ng nalaman ko ngayong gabi ay hindi totoo, hindi ko parin maloloko ang mga emosyon ko.

Gusto kong pigilan ang sarili kong emosyon. Gusto kong pigilan ang mga luhang tumutulo para masabi ko sa sarili ko na lahat ng nangyayari ay panaginip lang. Pero ang tunay na emosyon hindi mo magagawang pigilan. Ang tunay na emosyon ay kusa mo na lang mararamdaman ng hindi nagbibigay pahintulot.

Ang mga luhang hindi mo inaasahan ay kusa na lang tutulo. At ang mga pangyayaring ganito ay nagpapakita na ang mga pangyayaring itinakda ay hinding-hindi magagawang pigilan sapagkat sila'y tunay na itinakdang mangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His ReasonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon