Chapter 6: Elevator

429 15 0
                                    

NAGISING si Sam nang maramdaman niyang may nakayakap sa kanya. Sa pagnanais na matukoy kung sino ito ay tumayo siya upang buksan ang ilaw sa kanyang kwarto at napagkuro nga na ang kanyang katabi sa higaan ay walang iba kundi ang kanyang kaibigang si Bryan. Si Bryan na laging handang supprtahan siya anuman ang kanyang maging desisyon sa buhay. Napakarami din nilang pinagdaanang dalawa at nakakatuwang isipin na hindi nabuwag ang kanilang pagkakaibigan dahil sa mga problemang dumating sa bawat isa sa kanila. Ngunit paano na ang kanilang pagkakaibigan kung malaman man ng isa sa kanila ang tunay na nararamdaman nila sa isa't-isa? Mapapanatili pa rin nga ba nila ang kanilang pagkakaibigan? O mauuwi din ito sa pagkakahiwalay at maisama din ni Sam si Bryan bilang isa sa mga taong gagantihan niya?

Humigang muli si Sam sa kanyang kama. Tinabihan niya ang natutulog na kaibigan. Pinagmasdan niyang mabuti ito. Ang mukha, ang katawan, lahat ng mga ito ay pinagpapantasyahan ng kung sinumang makakakita sa kanya. Aaminin din niya na isa siya sa mga iyon. Katulad ng kaibigan ay may maipagmamalaki na rin siya sa ngayon ngunit lamang pa rin ang kaibigan niya lalo na't napakagaganda ng katangiang ipinakikita nito sa sinuman kaya hindi malabong mahuhulog talaga ang loob mo dito.

Bago pa siya tuluyang makagawa ng pagkakasala ay bumaba na siya at gumawa ng kanilang almusal. Magtatatlong linggo na rin matapos ang kanyang paghihiganting isinagawa sa mag-asawang nakakulong ngayon sa mental hospital. Ayaw rin naman niyang umabot pa sa ganoon ang kanyang magagawa ngunit hindi rin naman niya masisisi ang sarili sapagkat hindi naman din humingi sa kanya ng kapatawaran ang dalawa na siyang nagresulta upang mabaliw ang mga ito.

Balak na rin niya sanang huwag nang ituloy ang paghihiganti. Ilang beses na rin naman naman siya napagsabihan na itigil na niya ang kanyang binabalak. Siya lang naman itong nagpupumilit na ituloy ito at ang tangi lang naman niyang layunin ay para maging mabuti at wala na ring ibang mapahamak ang mga ito. Kasama rin sa layunin niya na dapat ay magsisi ang mga ito sa mga pagkakasalang ginawa sa kanya at humingi ng kapatawaran.

Tatawagin na sana niya sa taas si Bryan ng biglang maudlot dahil may tumatawag sa kanya sa telepeno.

"Hello?" Ang kanyang pagbati sa kausap.

"Anak! Kumusta na?" Magiliw na bati sa kanya ng kanyang ina-inahan.

"Ma? Okay naman po ako, kayo po? Kumusta po kayo? Yung school niyo po kumusta?"

"Alam mo anak, ang dami ng pagbabagong naganap dito. Ang ganda na ng school na itinayo mo para sa akin anak! In fact kasama siya ngayon sa top 30 na pinakamagagandang private school dito sa Quezon anak!"

"Good to hear that ma! Atleast, may libangan din kayo para hindi kayo mabored sa bahay."

"Well, thanks to you and to your brothers and sister. Natutuwa ako dahil successful kayo sa mga careers ninyo. By the way anak, nahanap mo na ba sila?"

"Not yet ma, I'm so busy right now. . . Maybe I will find them soon. Besides, ano naman ang gagawin ko kung mahanap ko man sila?"

"Ay nako anak. . . You need to find them as soon as possible bago ka magsisi sa huli sige ka."

"Ma, like what I've said earlier, busy pa ko, okay?"

"I see. I see. . . Sige anak, try to find them please, iyan na lang ang tangi kong mahihiling para sa'yo, para naman hindi din ako magsisi sa huli na hindi kita sinabihan bilang tumatayo mong magulang."

"Opo naman ma. . . You're not the right person to blame with kung dumating man yung time na magsisi ako. I'm the right person to blame because hindi ako agad nakinig sa inyo. . . Sige po ma, have a good day and always remember that I love you very much, goodbye ma!"

"Ohh how sweet are you naman anak. Goodbye din anak and always take care of yourself, ok?" At ibinababa na nga ng kanyang ina ang telepono.

Matapos makausap ay agad na pumunta si Sam sa taas para gisingin si Bryan. Mahirap gisingin si Bryan. Ito ang laging naiisip ni Sam sa tuwing gigisingin niya ito. Base na rin ito sa naging karanasan niya noon way back high school pa sila. Never mong magigising si Bryan ng wala kang nakahandang pakulo. Nariyan minsan yung nag-monologue si Sam na kungwari'y nasusunog ang akanilang tinutuluyan. Nariyan din yung nagpakulo si Sam ng tubig at ibinuhos kay Bryan ang ilang patak. Nariyan din yung dinikitan ni Sam ng wax ang binti ni Bryan at pwersahan itong tanggalin dahilan para mawala ang ilang buhok ni Bryan sa binti. At balak ngayon ni Sam na gumamit ng megaphone para itapat sa tainga ni Bryan.

Dali-dali siyang umakyat patungo sa kanyang kwarto. Handa na sana niyang sorpesahin si Bryan ng siya ang masorpresa nito. Dali-dali niyang tinakpan ang kanyang mata at tumalikod. Hindi niya inaasahan na may ginagawa pala itong kababalaghan sa kanyang kwarto.

"Waaaaaaaaah!!! Bastos!" Ang sigaw niya habang nakatalikod at nakapikit. Kahit na siya'y nakapikit ay hindi niya maiwasang sariwain ang kanyang nakita pagbukas niya ng pinto. 'Aaaaaaarrrrrghhh!!! Yuck!! Kadiri naman!! Ano ba itong naiisip ko!!!' Ang sabi niya sa sarili.

Habang pasigaw-sigaw naman si Sam ay hindi maiwasang tumawa ni Bryan sa pagkakahuli sa kaniya nito. Oo at nahiiya siya dito pero agad ding natunaw ang hiya na iyon ng makita niya ang reaksyon ng kanyang matalik na kaibigan. Hindi na nga tawa ang kanyang nagagawa kundi halakhak na. Bigla na lamang siyang sinugod ni Sam at pinagsusuntok-suntok ng mahina ang kanyang dibdib.

"Walangya ka! Ang bastos mong tukmol ka! Bastos ka! Bastos! Hindi ka na nahiya sa bahayq ko at dito mo pa ginawa 'yan ah! Sino na lang ang paglilinisin mo ng maiiwan mong katas, ha? Ako, 'di ba? Napakabastos mo talaga! Kadiri. . . Kadiriiiiiii!" Ang hinihingal na sabi ni Sam.

"Hahahaha. . . Ito naman ang OA! Kala mo naman virgin pa! Hahaha. . . Huwag kang mag-alala hindi naman kita paglilinisin kung sakali eh. . ."

"Eh san mo naman ilalagay yung katas? Ang gago mo talaga!"

"Saan pa, E di sa kape mo, ahahaha----"

"Waaaaaah!!! Ang bastos mo talagang tukmol ka! Bastos! Bumaba ka na nga at kakain na tayo." Ang sabi ni Sam kay Bryan habang pinapalo-palo niya pa ito ng unan. Hindi naman magkandamayaw si Bryan kakahalakhak dahil sa pangyayari. Puro tawa lamang ito hanggang sa makababa sila sa kusina. Ngayon lamang kasi sila nagkaharutan ng ganito magmula ng umuwi si Sam galing ibang bansa.

Agad nilang binilisan ang pagkain. Para kay Sam ay masyado ng late ang kanilang oras para pumasok sa sarili nitong opisina.

"Bakit ka nga pala may dalang megaphone kanina?" Ang naitanong ni Bryan kay Sam.

"Ah kasi gigisingin sana ki--"

"Gigisingin mo sana ako kaya lang nakita mo ko na nag-aano? Hahahaha."

"Alam mo napaka mo talaga. Nakakainis ka. Kinakalimutan ko na nga yung nakita ko tapos ganyan ka pa." Ang naglulungkot-lungkutang saad ni Sam.

"Hahaha sorry na nga. . . Hindi na mauulit promise."

"Talagang hindi na no! Hindi na kita patutulugin dito."

"Ay ang sama naman nun."

"Talaga. . . Bilisan mo nga at late na tayo."

"Late? E 6:30 pa lang. . . 8 pa tayo kailangan sa kumpanya mo. . . Kung tutuusin nga kahit 10:30 ka pa pumasok e."

"Che! Kailangan natin maging role model no! Kailangan mas maaga tayo sa mga enpleyado."

"Oo na. Oo na. Yan ang gusto mo eh. . . Pero hmmm."

"Ano na naman ang tanong mo?"

"Sungit. Huwag na nga."

"Ano nga yun? Isa."

"Malaki ba?"

"Ha?"

"Kako malaki ba?"

"Ang alin naman?"

"Yung nakita mo?" Pagkatanong ni Bryan ay nagulat siya ng ibinato ni Sam ang kutsara nito.

"Ang bastos mo talagang tukmol ka!" Ang namumulang saad nito na nakapagpahalakhak kay Bryan.

"Anong bastos doon? Eh itatanong ko lang naman kung malaki ba yung nakita mong building na nasa tapat ng unit mo."

"Wushu. Papalusot ka pa sa akin eh."

"Nalakihan ka nga siguro hahahaha."

"Pucha ang bastos mo talagang tukmol ka! Bilisan na sabi eh."

"Oo na. Oo na hahaha."

At pagkatapos nilang kumain ay binilisan na nila ang kilos upang makapagprepara na sa kanilang pagpasok sa opisina. Hindi na rin naman problema kay Bryan ang mga damit na kanyang isusuot sapagkat may sarili naman din siyang closet sa unit ni Sam. Pareho silang may mga gamit sa bahay ng isa't-isa para kung may mangyari mang 'sleepover' tulad ng nangyari ngayon ay hindi na sila mahihirapang magdala ng sariling damit.

Naunang bumaba si Sam. Tinawag ang kanyang driver na si Gio. Si Gio ang tumatayo niyang driver at assistant. Napakalaki ng kanyang tiwala dito. Ilang beses na rin kasi niya sinagip ang buhay nito sa mapanganib at hindi patas na klase ng ating mundong ginagalawan. Naipagamot niya ang nanay niyang may malubhang karamdaman. Naging maayos na rin ang pamumuhay ng pamilya nito kaya ito na rin mismo ang nagprisenta para maglingkod sa kanya na siya namang tinanggap ni Sam ng buong puso dahil na rin sa nakikita niyang may potensyal din si Gio na makipagkompetensya sa larangan ng pagnenegosyo.

"Hello Gio." Bungad ni Sam sa telepono.

"Ah. . . Sir. Kayo po pala. Malapit na po ako diyan medyo natraffic lang po pasensya na."

"Ok. Good. Pakibilisan mo lang ng konti at alam mo namang ayokong nauunahan ako ng mga empleyado kong pumasok sa kumpanya."

"O-opo sir. Pasensya na po talaga."

At itinago na ni Sam ang telepono. Mababanaag mong may takot si Gio sa kanya. Ito ang ikinaiinis ni Sam sa lalaki dahil takot na takot ito sa kanya. Well, sino nga naman ang hindi matatakot sa kanya kapag kaharap siya. Tanging si Bryan lang ang nakakapambara sa kanya dahil bukod sa magsing yaman lang sila ay siyempre alam naman na ng lahat na magkaibigan sila.

Saktong paglabas ni Bryan sa kanyang unit ay dumating din ang sasakyan nila. Tiningnan niya ang orasan. 7:30 am. Medyo late na sa kanya kung tutuusin ang oras na ito ngunit ano pa nga ba ang magagawa niya bukod sa tumahimik at maghintay na lamang sa isang tabi.

"Gio." Tawag sa kanya ni Sam.

"Yes sir?"

"Alam mo napakaformal mo kapag kausap ako, hindi ba pwedeng Sam na lang ang itawag mo sa akin?"

"E sir, nakakahiya naman kung Sam lang ang itatawag ko sa inyo. Napakapropesyunal niyong tingnan tapos palayaw mo lang itatawag ko---"

"I don't wanna hear your lame excuses. Starting today, Sam ang itatawag mo sakin, okay? And before I forgot, gusto ko rin na bawas-bawasan mo ang pagkatakot mo sa akin, okay? Hindi ako nangangagat." Sabi ni Sam dito. Sa kabilang banda ay narinib niya ang munting tawa ni Bryan.

"O, anong tinatawa-tawa mo diyan?"

"Wala ah. Hahaha."

"Ano nga kasi?" Ang nakakunot-noong pagtatanong ni Sam.

"Hindi ka nga nangangagat, nanlalapa ka naman hahahaha." Ang hindi napigilang maisanting ni Bryan dahilan para matawa din si Gio.

Si Sam naman sa kabilang banda ay pulang-pula na ang mukha. Pinagpapapalo-palo na naman niya ang mga braso at dibdib ni Bryan.

"Ikaw talagang tukmol ka eh noh? Kanina ka pa eh. Ang ba--"

"Ang bastos-bastos mo! Bastos ka!" Ang panggagaya ni Bryan kay Sam habang tumatawa. Puro tawanan ang maririnig mo ngayon sa apat na sulok ng kanyang sasakyan.

Pagdating nila sa kanilang destinasyon ay inayos muna nila ang kanilang mga sarili. Minabuting walang mapipintas sa kanila na masama. At pagkatapos mag-ayos ay saka sila pumasok sa loob.

Pumasok sila Sam sa Elevator. Pagpasok nila ay may isang babaeng nakatingin lamang sa kanila. Waring tinititigan sila ng masama na nagsasabing 'Umalis kayo at ako lang ang dapat na nasa loob.' Dahil sa pagiging palaban ni Sam ay nilabanan niya ang tinging ibinabato sa kanila ng babae. Tiningnan niya ang babae mula ulo hanggang paa hanggang sa napansin niya na ang babaeng ito ay kakilala niya. Nakumpirma niya iyon ng makita niya ang pangalan nito sa ID nito.

"Bibigyan kita ng limang segundo para pumasok dito sa elevator. Kung hindi, alam mo na ang kalalagyan mo." Ang mga salitang binitawan ni Sam sa harap ng babae.

"At sa tingin mo naman Sir. ay bakit ko iyon gagawin?"

"Kasi utos iyan ng presidente ng kumpanyang ito AJ." Ang nakangising panghahamon ni Sam sa kaharap na babae.

Nagulat si AJ ng mabanggit ng lalaki ang pangalan niya. Lalo pa siyang nagulat ng mapagkuro kung sino ang kanyang kaharap sa mga oras na ito kaya agad siyang pumasok sa loob ng elevator at sa pagkakataong iyon ay isinara na ni Gio ang elevator.

Hindi makapaniwala si AJ sa kanyang nakita. Balak sana niyang landiin ang tatlong lalaking iyon maliban sa taong nasa gitna. Kung titingnan mo kasi itong mabuti ay talaga namang malakas ang karisma nito at baka siya pa ang matalo kung sakali mang paglaruan niya ito. Tama naman siya sa kanyang inisip kaya lamang ay hindi niya alam na ito pala ang presidente ng kumpanya na kanyang pinasukan. Napangiti na lamang siya sa naisip. 'Mukhang mapapadali trabaho ko dito ah.'

"Sasakay din naman pala sa huli. Kilalanin mo ng mabuti kung sino ang kakalabanin mo babae ah." Ang sabi ni Sam kay AJ na hindi man lamang nito tinapunan ng tingin.

"I'm sorry po sir."

"Good. By the way, maghanda ka na sa mga susunod mong araw sa kumpanyang ito dahil gagawin kong impyerno ang pagiistay mo dito."

"P-po?" Ang nagsisimula ng manginig na saad ni AJ. Kakaiba ang boses ni Sam sa pagkakataong ito. Nakakatakot ang boses nito. Parang kulang na lamang ay pumatay ng tao. Tila sasaksakin ka ng bawat salitang bibitawan niya.

"Sam. Tandaan mo ang pangalan iyan Ms. Mendoza. Ang taong ginago mo noon. Gagaguhin ka na ngayon." Ang bulong ni Sam sa tainga ni AJ na talagang nakapampahina ng mga tuhod nito.

Nilisan na ng tatlo ang elevator. Iniwan si AJ na nag-iisa sa loob. Nanginginig, natatakot, nag-aalinlangan kung ipagpapatuloy pa ba ang misyong iniutos sa kanya ng kalabang kumpanya ni Sam.

Itutuloy. . . .

The FallbackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon