LOVE BET [One Shot]

28 0 1
                                    

Wala akong alam sa kung paano ba maging isang girlfriend...

Bakit?

Eh sa wala pa naman akong nagiging boyfriend simula noong pinanganak ako sa ibabaw ng Earth...

Hindi ko nga alam kung sa ibabaw nga ba ako pinanganak ehh...paano naman kasi sa buong angkan ata ng pamilya ng tatay ko at nanay ko - ako lang ang panget...Hay! Ang hard ng life sa akin...wala na atang ibinigay na blessing sa akin bukod sa magandang boses...

Oo! Yun lang ang meron ako! Wag kang tatawa kundi gigilitan ko yang leeg mo...itsura neto!

Sabi nga ng nanay ko..hindi nya alam kung kanino ako nag-mana...maganda naman daw sya at gwapo naman daw si ataty...

Wow ha! Wow lang...harap-harapan talaga nay? Ang harsh!

Kung i-dedescribe ko ang sarili ko...yung word lang talaga na panget ang naiisip ko...pero i-elaborate ko para mas maimagine nyo at ng mas dumami pa ang manlait sa akin...

Well...5'3 lang ang height ko...maliit kumpas\ra sa height ng mga pinsan kong babae na pang-model ang height..meron akong slighty curly brown hair na namana ko daw sa lola ko sa side nila tatay...sakto lang yung kulay ng balat ko..hindi maputi at hindi din maitim...hindi katangusan ang ilong...tas yung labi ko? Ewan..sakto lang...normal na kulay brown ang mata ng tao pero yung sa akin? Maitim ang pupil ko..kung titgnan sa mdyo may kalayuang distansya...may suot akong salamin...at laging naka-pusod ang mahaba at medyo kulot kong buhok...in terms naman sa katawan...hay! Pinagsakluban ako ng langit at lupa pagdating dyan...chubby kasi ako...pero may kurba naman ang katawan ko...hindi nga lang halata...hindi tulad ng ibang mga babaeng nakikita ko...na talaga namang kitang-kita na agad ang shape ng sexy nilang katawan sa malayuan...

Insecure ba ako? Oo...masasabi kong insecure ako...kasi ng panget ako kaya insecure ako sa magaganda...hay!!! Pero, wala na akong magagawa pa di ba? Tanggapin na lang 'to at mag-mongha sa loob ng kwarto...piste!!!

Ngayong na-idescribe ko na ang sarili ko..pwede mo na akong laitin ng bongga! Anyway..nabanggit ko nga na wala akong alam sa kung paano maging isang girlfriend...pinoproblema ko yun ngayon...bakit? Hep! Hep! Alam ko..alam ko! Nagtataka ka kasi hindi naman dapat yun pinoproblema ng isang panget na katulad ko...di ba?

Well...ganito kasi yun...

*FLASHBACK*

"Hoy! Rez...yng pustahan natin ha! Wag mo kalimutan..talo ka!" sigaw ni Mhaxie sa akin...bestfriend ko sya simula noong 7 years old pa lang ako...sabi nga nya pareho kaming panget...kaya magsama da kami...

"Anong pusta?" patay malisya kong tanong...bat naman kasi ganoong pusta pa ang naisip neto..parang tanga ehh..sarap bigwasan sa lungs...

"Ay naku bestie! May pagka-ulyanin lang ang peg? Yung pustahan natin nung isang araw? Ngayon na yung simula nun ehh..." maktol nya..aba at sya pa ang may gana mag-maktol?! Walang hustisya ang hiniling nyang gawin ko nuh!!! Baka mamaya..makita na lang ng pamilya ko ang bangkay n\ko na lumulutang sa Pasig river,,,

"Iba na lang ang ipagawa mo sa akin..wag yun..." sabi ko naman sakanya...

"Para kang tanga...para yun lang di mo pa kaya..." sabi nya sa akin

"Wow ah! Ang lupet,,,talagang para yun lang?!" sabi ko...

"Ahh..basta! Ligawan mo si Xander..." sabi nya sabay abot sa akin ng isang card at Ferrero Rocher na chocolate box na hugis puso... "Ako na ang gumastos..kasi alam ko naman na hindi mo to paghahandaan..." dagdag pa nya

"Walanjo naman Mhax!!! Para ka talaga abnoy ehh.." kinuha ko ang box ng chocolate sabay binuksna yun at kumuha ng isa saka ko sinubo...muntik na akong matawa sa reaksyon ng bestfriend ko --> (O_____________O) ganyan kalaki ang mata nya..hahaha!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE BET [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon