1st Day of School

274 8 4
                                    

''Addie..Addie...Nandito ako,habulin mo ko...Addie...''

''Wag kang tatakbo chicken..Maawa ka sa taong gutom tulad ko..'' 

''Addie...Habulin mo ko...Addie...''

''Wahh manok ko..!!!'' sigaw ko ng mangiyak-iyak pa ng unti-unting nawawala si buttered chicken ko...

''Addie....'' at unti-unting nanghihina't nawawala ang boses....

''Butter chicken.. *sob*'' mangiyak-iyak kong sabi.eh sa gutom ako eh --3--

Huhuhuhuhu........

''Addie...Addie..Addie.Uy Addie anak!'' hala!bumalik si butter chicken!

''Addie!Addie!Anak,gising na!'' anak?Tinawag akong anak ni butter chicken?

''Addie!Anak may klase ka pa'' klase?

''Addie!Anak,gising ka na!First day of school mo ngyon anak..!!'' first day of school?Teka..

''FIRST DAY OF SCHOOL NGYON!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!'' bigla kong sigaw sabay bangon sa kama na nakataas ang kaliwang kamay.

Nakita ko naman si mama sa gilid ng kama na nagtataka sakin.Ngumiti na lang ako sa kanya.

''Good morning m--'' 

*gruuhhh* ( ah,tunog po yan ng tiyan ^___^VV) 

Bigla na mang ngumiti si mama

''Gutom ka na kaya bumangon ka na dyan para kumain na't maligo ka na para sa first day of school mo'' 

''hehehhe ^__^VV Opo ma'' 

Umalis na si mama sa kwarto.Bumangon nman ako sa kama't naginat muna.Sinuklay ko muna buhok ko at nagmugmug bago pumuntang kusina.

Naghugas muna ako kamay bago umupo.

''Kumain ka na anak.''

''Wow! Butter chicken!!'' parang bata kong sabi.Eh i'm craving pa nman ng butter chicken :D

''Niluto ko yan para sayo nak.First day mo pa nman sa Standford Academy.Ayokong magutom ka't makagastos dun :)''

''Naku ma!NAgabala pa kayo!''

''Syempre nman!Para sa anak kong mabait,matalino at masipag,gagawin ko lahat''

''Nambola pa si mama.Kain na nga tayo ma :D''

At nagsimula na kaming kumain.

......

''Ma,ako na po dyan'' 

''Nako nak.Wag na.Maligo ka na lang dun at ihanda ang susuotin mong damit at gamit.May inihanda na akong damit sayo dun at sapatos para sa susuotin mo''

''Sige po ma.Salamat po :D''

At naligo na ako't pumunta sa kwarto para magbihis.Nakita ko nman ang isang simpleng damit pero ang elegante nyang tignan.Kulay sky blue ito na may black belt at hanggang elbow ang taas ng kanyang sleeves.Nagtaka nman ako kung san toh galing,sa pagkakaalam kong wla akong ganitong damit dahil di namn ako hilig sa mga ganitong klaseng damit.May nakita nman akong isang box sa baba.Binuksan ko ito't isang dollshoes na kulay grey na may palamuti sa paligid.Ang ganda ng sapatos na ito.Lumabas naman ako sa kwarto upang itanong kay inay ang damit at sapatos sa aking kwarto.

The Pilosopo Girl (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon