PROLOGUE
Her Point Of View:
'"Music is my life...
The highness and lowness of the notes,
Manifests my every ups and downs.
I sometimes may be soft and loud;
My thoughts represented by the sound.
Songs are my first love and so its lyrics
Are the beats of my heart.'"
His Point Of View:
'"She's like the music in me...
Her voice was kept on playing in my head;
Soft laughter of her replaying,
As if I am already addicted.
She's a melody that stands out the noise,
Her echoing harmony has reaches my soul.
And now my heart was forever alarmed by her melody and song.'"
**This is just a one-shot version of my upcoming story to be posted soon. I am still in the process of editing so I decided to post this one-shot ahead of time. Hopefully, you guys gonna like it.
This is written in Filipino because that is where I am comfortable with. (In case you didn't know. HAHA) Hindi ko nga alam kung bakit ko dinudugtungan ang story na ito o kung istorya mang matatawag ito. Walang habas at walang kaabog-abog ko lang kasing ipinost ito noon kaya wala akong balak dati na ipagpatuloy, eh pero may nagcomment na gawin ko nga, kaya heto na siya ngayon :) ! May plot na din kaya sayang naman kung hindi magagamit. Pretty please mag-enjoy nawa kayo sa pagbasa! Sablay as always ang English ko WAHAHA.
Uyyy, girl! Kasi dahil sa comment mo kaya ko ito ginagawa ngayon! Bawal mo nga lang ito basahin. *evil laugh* BWAHAHA. Nakakaintimidate ka kasi. hihi Thank you coz ikaw ang first commentator lang naman. haha. Kainis ang haba ng A/N. Ang daldal ko langss at bastusan lang sa nagbabasa eh no?
Shannah's POV
I remember one Saturday night during our gig somewhere near in Makati City, when I saw him right in the crowd along with his collegues laughing out on some jokes they're throwing for the night. This ain't the first time I saw him.
Ipinakilala siya sa akin ng isa sa mga kaibigan at kabanda ko. If I'm not mistaken, six months na din ang nakakalipas simula ng una naming pagkikita. Sa unang tingin, mababakas mo sa kanya na siya ang tipo ng tao na hindi mahirap lapitan at kaibiganin. Ngunit sa di ko malamang dahilan, hindi ko magawang kausapin siya nang walang ilangan.
Nagiging komportable (in a way) lang akong makipag-usap sa kanya kapag nandiyan ang iba naming mga kaibigan. Nakaka-akto akong parang normal kapag may kasama kaming iba. Ewan ko nga ba kung bakit kapag kaming dalawa na lang, nagiging parang pinitpit na luya ako sa harap niya. Nilalamon ako ng hiya kapag nakikita o kaharap ko siya at ang hula ko unti-unti na din itong napapansin ng mga kaibigan ko.
Pinilit kong intindihin kung ano ba ang tunay na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya. Ayaw ko na makonsensya kung sakaling may makapansin na sa ikinikilos ko. Naisip kong nasa iisang grupo kaming magkakabarkada kaya naman hindi ko pwedeng hayaang magulo ang pagkakaibigang iyon nang dahil sa pag-ibig na nabuo ko para sa kanya. Nang gabing iyon napagdesisyunan ko na magtapat sa kanya. All I could think of is for him to know that I like him. Or to say that I like him is an understatement. I love him will be the right way to say it.
BINABASA MO ANG
I'll Just Put It In A Song (OS)
Teen Fiction"How will you know if someone loves you, if you don't tell them that you love them too?" -- Spongebob Cover by: @ThatKindaGirl