Sa isang private highschool, may isang lalaki na laging binubully. That time, may isang babae ang gusto siyang tulungan.
G: Okay ka lang ba?
B: Hindi.
G: Tara kain tayo.
B: Bakit mo ko kinakausap?
G: Gusto ko lang.
B: Ayaw nila sakin. Baka awayin ka rin nila.
G: So? Wala silang magagawa. Eh gusto kitang maging kaibigan eh. Ano? Kain na tayo?
B: *ngumiti* Tara.
Naging magkaibigan sila. Tulad ng inaasahan ng boy, pati si girl ay binubully na din.
G: Ano ba!? Tigilan niyo nga ako.
ENEMY1: Hahaha. Kinaibigan mo kasi ang asungot na yun eh. Kaya pagtitripan ka din namin.
G: Wala kayong pake! Akin na yang bag ko!
ALL ENEMY: Wooh! Hahaha!
Sa park, nakita ni boy si girl na umiiyak.
B: Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?
G: Wala.
B: *nakita yung pasa ni girl sa kamay* Binully ka nila?
G: Wala yun.
B: Hindi na tama 'to. *inabot ang kanyang panyo kay girl* Huwag ka na umiyak. Sandali lang ah.
G: Saan ka pupunta?
B: Basta. *takbo paalis*
7pm na pero hindi pa rin bumabalik si boy sa park. Hindi rin niya macontact. Kaya umuwi na lang siya.
9pm. May natanggap na text si girl sa mga classmates niya. Patay na daw si boy dahil sa bugbog. Hindi makapaniwala si girl sa nabalitaan niya.
Sa lamay ni boy, pumunta si girl. Kinausap ng mommy ni boy si girl.
M: Ikaw ba yung kaibigan ng anak ko?
G: Opo. *umiyak* Ako nga po. Condolence po.
M: *umiyak* Salamat iha. Salamat. Dahil ikaw pa lang ang naiikwento ng anak ko na kaibigan niya. Minsan, nakikita ko na siyang nakangiti tuwing papasok at pagkauwi galing school. Salamat iha.
G: *umiiyak pa rin*
M: *inabot ang isang diary* Ito ang diary ng anak ko. Nakita ko ito sa kwarto niya. Nang mabasa ko, nandito lahat ang mga kwento at sikreto niya.
G: *kinuha ang diary at binuklat*
M: Tignan mo ang huli niyang sinulat.
G: Ahh, opo. *nilipat niya sa may huling pahina na may sulat, habang binabasa ni girl, napaiyak siya ng todo*
"Ewan ko pero sa tingin ko, mahal ko na ang kaibigan ko."