Vicerylle Story (His Lipstick)

5.7K 116 6
                                    

Binuksan ni Vice ang pinto ng kanyang dressing room habang may kausap sa kanyang cellphone

“Oo tingnan mo na lang sa drawer… sige…. de kunin mo na lang lahat… sige…. bilisan mo…. okay bye.”

Ibinaba niya ang kanyang mga karga at nagulat ng mapansin niyang nandun pala si K sa kwarto na nakaharap sa salamin.

“Puuuta- nakakagulat ka naman Kurba. Anong ginagawa mo dito?”

“Sino’ng kausap mo sa phone?”, tanong nito na di naman sinagot ang unang tanong ni Vice.

“Si Buern, may nakalimutan lang ako sa condo. Hoy Kurba pumapasok ka na lang dito ng walang permission ko ha.”

“Oh please Vice, I always do this.”, sabi naman ni K na di lumulingon.

Umupo naman si Vice at inayos ang sapatos. “Anong ginagawa mo dito, malapit nang magsimula ang showtime. Madalas ka na ring tumatambay dito eh noh?”

“Don’t you like it?

“Uhmm… okay lang naman. Pero wag kang papasok dito ng wala pa ako, pano kung nakita mo yung tinatago kung baby boy, or what if nakita mo yung tinatago kung dead body..” tinapos niya ang pag-aayos sa kanyang sapatos at exaggerated na iniangat ang ulo para tingnan si Karylle, “…I could be a serial killer you know, and.....… wait…...........

........are you wearing my lipstick?! Kurba naman, not again!”

“Don’t you like it? Well obviously ito ang tinutukoy ko, I’m not asking you if you want me hanging here which obviously I know na gustong gusto mo naman.”, ngingiti ngiting sabi ni Karylle at nag-pout pa para ipakita kay Vice ang kanyang lips.

“I look great with this.” patuloy niya na humarap sa salamin.

Agad namang tumayo si Vice at nilapitan ito.

“Wag mong gamitin ang lipstick ko. Hoy Kurba ang yaman yaman mo, bumili ka ng sa’yo.”

“I like this, I like the smell and the color, it suits me.”

“No it doesn’t suit you, ew no K you look old in that.”, sabi naman ni Vice na kinuha ang lipstick sa kamay ni K.

“Ako lang ang dapat gumamit nito, favorite ko to. Ang ganda ganda ko kaya pag ginamit ko to. Bumili ka ng sa’yo okay.”

Tumawa naman si K. “Admit it Vice, I look good wearing that lipstick of yours.”

“No.”

“Oh come on.”

“Tanggalin mo nga yan. If you wear that mamaya sa showtime, ibig sabihin gagamit ako ng ibang shade, syempre para di nila sabihin na magkapareho tayo. And I don’t like the other shades, Kurba naman maganda ako dito eh. Eh ikaw kahit anong isuot mo maganda ka, so please?” sabi nito na umarteng parang bata na iiyak.

“Aww Vice you think I’m always beautiful?”, tanong naman nito na umarteng kinikilig. 

“Seriously Karylle? What are you doing, dun ka nga kay Anne mangulit shooo shoooo.”, pantatabuy naman nito.

“Ang sungit sungit mo sa'kin, parang lipstick lang naman yan. May regalo pa naman ako sa’yo. Kaya nga ako nandito.”

Bakas naman sa mukha ang biglang pagkaexcite nito at tinanong si K. “Really? Ano yun? Nasan?”

“Vice, you don’t even let me use your lipstick, soooo.... I decided na di mo deserve ang gift. Ibibigay ko na lang kay Dumbo.”, sabi nito na akmang lalabas nang kwarto ngunit pinigilan siya ni Vice sa braso.

Vicerylle Story (His Lipstick)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon