Masakit pala sa pakiramdam ang maharana mo ang babaeng mahal mo.
The first time I saw you when I was on the garden of our school. I was strumming my guitar and you were reading a book. I was looking at you and my world stopped for a while. I stopped from strumming and making sounds.
Bakit parang mas gusto ko na lang na pagmasdan ka habang nagbabasa? You were smiling while reading. I didn't know the reason why. Siguro nga ay sadyang nakakatawa lang ang binabasa mo. Until your eyes met mine. It locked on mine. Kinabahan ako. Damn. Anong gagawin ko? Nag-iwas ako ng tingin sa 'yo. Your eyes were intimidating and attractive at the same time. Nakakatunaw ang mga 'yon at para mo akong ginayuma gamit 'yon.
That was the beginning of all. Kilala ka pala ng kaibigan ko. You were friends. Close na close pa nga kayo. So I got the chance to meet you. Nakipagkilala na ako sa 'yo at ganoon din ang ginawa mo sa akin. You said that I am a good looking man with a jolly personality. I agreed with you. Iyon naman kasi talaga 'yong kadalasan na napupuna sa akin sa tuwing may nakikilala ako.
Until we became friends. We became so close. Kung anu-ano na 'yong napagkuwentuhan natin. Kung saan-saan na tayo nagpupunta tuwing sasapit ang uwian. Natikman na natin ang lahat ng street foods at walang hiya ka dahil inubos mo pa ang pera ko. That made me laugh though. Of course, I was the man. So expect me to pay for us.
Humanga ka pa kasi ang galing kong mag-gitara. Tinawanan mo ako noong may niligawan ako pero basted ako. Tinulungan mo ako sa lahat ng studies ko. Hinihintay mo ako tuwing uwian at kapag ako ang nakakalabas nang maaga ay ikaw ang hinihintay ko.
Ginagawa mo akong alalay. Walang hiya ka. Ako kasi ang nagbubuhat ng mga libro mo at projects mong mabibigat. Nakapunta na ako sa bahay niyo. Nakapunta ka na rin sa amin. Natuwa pa nga sa 'yo ang Mama at Papa ko tapos naalala mo 'yong mga sinabi nila? Bagay tayo. As in bagay. Bagay na pag-untugin. Biro lang. Bagay tayo. Bagay as a couple na tipong iyong Mama mo ay grabe makapuri sa akin. Sobrang guwapo ko raw at bakit hindi pa raw kita ligawan?
So suddenly I asked you. Kung puwede ba kitang ligawan. Pumayag ka. Sinabi mo rin kasing may gusto ka sa akin. Tuwang-tuwa ako. Ako na ang pinakamaligaya at tuwang-tuwa lalaki sa buong mundo. Ano kaya itsura ko noong pumayag ka at tuwang-tuwa ako?! Akalain mo ba kasi ay mutual feelings pala tayo? Ang saya-saya nating dalawa kaya isang araw ay nauwi ang lahat sa harana.
I wore red long sleeves paired with black pants and snickers. Kapapaayos ko lang din sa gitara ko. I was happy that time. I texted you na may pupuntahan kami ng kaibigan kong si Phil. Pumayag ka. Nagpapogi ako. Pogi naman talaga ako. Nagpabango ako na halos maubos na 'yong pabango ko. I fixed my hair. Sinigurado kong ako ang pinakagwapo sa buong mundo. Ako lang ang pinakagwapo na makikita mo.
Dumating ang kaibigan ko. Tinatawanan ko pa siya kasi nanginginig siya. Sa bagay, unang beses niyang manghaharana kaya kabado siya nang sobra. Paano ba naman kasi may liligawan daw siya. May aakyatin siyang ligaw kaya magpa-pogi raw kaming dalawa. Ako kasi ang maggigitara. Walang hiya ang kumag 'di ba. Ginawa pa akong gitarista. Inaasar pa nga niya ako na baka magustuhan ko 'yong kapatid ng liligawan niya pero sabi ko huwag na. May forever na ako, Pare. Iyong forever ko na soon to be girlfriend ko. Iyong forever ko na hindi ko pa sinasabi rito kay Phil kung sino. Ang gusto kasi ng babaeng gusto ko na secret daw muna kaming dalawa.
Pero alam niyo ba ang masakit? Iyong nakatapat ka na sa bahay ng liligawan ng kaibigan mo. Iyong nagsimula ka nang magpatunog ng gitara at mangharana. Iyong makita mo 'yong babae sa bintana na nakatingin sa 'yo at naguguluhan. Iyong makita mo kung gaano kasaya 'yong kaibigan mo sa pangliligaw sa babaeng 'yon. Iyong napagtanto mong may iba pa lang gusto ang babaeng gusto mo at hindi ikaw.
Iyong nakumpirma mong sinagot niya ang kaibigan mo pero ang sinabi niya sa 'yo ay ikaw ang gusto niya at panghabambuhay na kayo.
Gago. Kung alam ko lang. Kung alam ko lang na ikaw 'yong liligawan niya, hindi na sana ako sumali pa sa harana.