Nakakainis na! Ako nalang ang walang HEART LIFE! Si Kaisser at Justinne. 1 month na sila.. Si Ocean naman, ayun pinag-aagawan pa din ng dalawang lalaki. Isama pa yung babaeng palaging naka-kapit dun sa Grey na yun..
Ako? Ito, nganga!
Kailangan kong mag-hanap ng Chikababes ko. Palaging pagkain kasi ang inaatupag ko kaya ang puso ko ay walang kalaman-laman man lang! Malas yata talaga ako sa chiks.
"Yun lang po ba ang order niyo, Sir? One spaghetti, One chicken joy with 3 extra rice, 3 large fries, 2 sundae and 3 large sprite. Tama po ba?" tanong ng cashier na pinag-orderan ko. Nag-tinginan tuloy ang mga kasabayan kong umorder.
Ngumiti naman ako. "Oo yun lang," sagot ko naman habang tinitignan ang mga nakikinig sa usapan namin ng cashier.
"Dine in or take out Sir?"
Sasagot na sana ako ng 'Dine in' kaso para naman akong nahiya. Ako lang mag-isa tapos sandamakmak na pagkain ang binili ko kaya napa... "Take out," nalang ako..
"1,345 po.." inabot ko naman ang 1,500 ko.
"Keep the change.." aangal pa sana siya pero pinigilan ko na. Hinihintay ko nalang ang mga in-orders ko.
"Kelli, ito na yung order oh.." nakita ko ang babaeng may inabot na brown paper bag sa cashier na pinag-orderan ko. Siguro ito na nga yung order ko.
"Miss?" tawag pansin ko sa cashier.
"Yes Sir?" nakangiti naman siya.
"Kulang yung order ko eh." nagulat naman siya sa sinabi ko. Tinignan pa niya ang mga paper bags na nasa harap namin parehas. Pinatingin pa niya lahat ng laman sa akin. "Kulang talaga eh."
"Ano po ba ang kulang?" tanong pa niya.
"Malaki ang kulang.. Ayun oh," turo ko naman sa babaeng nag-abot ng orders ko dun sa cashier.
Napa-gasp pa ang mga tao. Yung iba naman ay tumili dahil kinilig. Ako? Ngumisi lang ako saka kinindatan ang babaeng nakatayo pa din sa gilid ng cashier. Half-open pa ang bibig.
"Date tayo next time, ha Falls.." pangalan nung babae yung Falls. Ang ganda. Unique pa. Parang kasing unique ng pangalan ni Ocean..
Umalis na ako ng may malaking ngiti sa labi.
Ang ganda talaga nung babae! Para sa akin na kaya yung babae na yun??