August 13, 20xx
Lumipad sa ere ang mga gamit ko. Kakainis. Sino ba sila? Ano ba ang ginawa ko sakanila? Wala naman ah.
"ANO BA?!" sigaw ko sakanila, sino ba sila para gawin to saken? Ganito ba talaga lahat ng students dito?
"HAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAH" hindi nila ako sinagot pero ang lalakas ng tawa nila, yung tawa na parang demonyo. Bwiset. Kailan ba sila titigil? Kinuha ng isang lalaki ang bag ko. Bakla ba sila? Gusto ba nila ang bag ko? Sana sinabi na lang nila, hindi yung aagawan pa ako. Ibibigay ko naman sa kanila eh, ang dami ko kayang bag na ganyan -.-
Kukunin ko sana yung bag ko pero tinaas nung isang lalaki ang bag ko para hindi ko maabot. Tinulak ako ng isa pang lalaki. Ano ba naman to? Mga bakla ? Pumapatol sa babae?
May isang lalaking kinuha ang bag ko at galit na tumingin sa mga bakla. Takot namang napatingin ang mga bakla sa kaniya. Siguro crush nila to. Napangiti ako sa naisip ko. Akala ko ibibigay nung lalaki ang bag ko pero akala ko lang pala -.- Lider ata nila to :3 MAS BAKLA pa ata to sakanila. Inggit talaga to sa bag ko. Binaliktad niya ang bag ko para mahulog ang lahat ng laman nito. Peste. Papansin tong mga baklang to ha. AT hindi pa nakuntento, binato pa saken yung bag ko. Mga bully ata to.
May kung ano siyang tinatak sa noo ko. Parang caution sign pero 3rd warning ang nakasulat. Kinuha ko ito at kinumot.
"ANO BA ANG KAILANGAN NIYO?" sigaw ko sakanila, pero tumalikod na sila sakin. Tiningnan ko sila habang papalayo sila saken nang biglang lumingon yung lalaking kinuha ang bag ko na akala ko tutulong saken. Nakangiti pa. Peste, hindi bagay sayo.
HAHAHHA binato ko sa lalaking nagtatak sa noo ko ang sticker hahah buti nga sakanya. Lumingon siya saken, galit, akala niya siguro na isa ako sa mga nerds na iiyak lang sa tabi at hahayaan ang bully na katulad niya. Porket naka eyeglasses, nerd na agad? hindi ba pwedeng malabo lang ang mga mata ko?
August 14, 20xx ( morning )
Naglalakad ako papuntang school at kung malasin nga naman. Nakasalabong ko ang mga bakla este ang mga bully. Ngumiti pa saken yung lalaking akala ko tutulong saken kahapon. Since, hindi ko pa naman alam ang pangalan niya, tatawagin ko muna siyang Akala .
BINABASA MO ANG
Love Warning
FanfictionBABALA: Bawal mahulog. Masasaktan ka lang. ---- Etong storya pong to ay ginawa ko lang story mula sa MV ng Love Warning (Third KAMIKAZE) may dinagdag lang akong konti.. konti lang naman XD