Part 4

98 6 5
                                    

"Every time I see you, I act like I don't care like I'm over you, I tell myself that I hate you but deep inside I know that I love you and every time I see you, I fall for you. I still love you." -Unknown


I'm so lazy to get up. Sobrang inaantok pa ako but I need to work dahil may pinapaaral pa ako. 

"Air gumising ka na. Baka ma late ka, alam mo naman sobrang haba ng pila sa lrt." Sinabi pa ni nanay. Yung tipong sasakay ka ng LRT, papasok ka pa lamang eh mukhang pauwi ka na. Tapos halos magkadikit na ang mukha niyo ng mga pasahero. 

Tuluyan na akong bumangon at ginawang ang mga morning rituals ko. Ng matapos ako ay agad akong pumanaog para kumain. 

"Morning ate Air." Bati sa akin ng kapatid ko na si Season. Medyo kakaiba lang talaga ang trip ng nanay ko sa pangalan naming magkapatid. Si Season ay 3rd year college na at kumukuha ng kursong business ad. Diyan naman ako bilib sa bunsong kapatid ko. Kahit binata at gwapo na ay hindi pa siya nanliligaw dahil gusto niya daw muna na umunlad ang buhay namin. 

"Morning Season. Kamusta schooling mo?" Tanong ko.

"Okay lang naman Ate. Konte na lang at gagraduate na ako, matutulungan na kita dito sa gastusin sa bahay." 

"Carry lang Season. Dadating din tayo jan kaya chill ka muna."

Patay na ang tatay namin kaya si nanay ang gumapang sa amin para may makain sa pang araw-araw. Naglalabada noon si nanay at nag luluto ng mga kakanin habang ibenibenta ko iyon sa school namin. Kaya naman ako nakapag aral ng kolehiyo ay dahil isa akong scholar. Ganun nga siguro, salat ka man sa pera sagana naman sa utak. 

"Nay aalis na po ako."

"Oh siya mag ingat ka Air." Sagot ni Nanay na itinigil nito ang ginagawa para ihatid ako sa labasan ng bahay namin.

"Bye Ate Air." Paalam ni Season. 

Habang nakasakay ako sa LRT ay napatingin ako sa mga kababaehan na tila kilig na kilig habang hawak ang mga cellphones ng mga ito. Dahil malapit lang naman ako sa kanila kaya bahagya din akong sumilip para matigilan lamang. 

Cold Kyron Farkham.

Ibinaling ko na lamang ang aking paningin sa labas ng bintana para lang muling makita ang malaking billboard ng Who's Bad. I sighed and smiled bitterly. In the past three years ay nahirapan talaga akong mag move on. Papaano ka nga ba naman makakamove on eh na kahit hindi mo naman siya nakikita palagi sa personal eh tadtad naman ng mukha niya ang paligid na madalas mong madaanan. Kung manonood ka ng TV eh bigla na lamang susulpot ang mga advertisement nila.

Sobrang layo na ng narating niya at aaminin ko na kahit galit ako sa kanya ay proud pa din ako. Alam ko kung gaano niya pinaghirapan na makatuntong sa kinalalagyan niya.  Alam ko iyon kasi nasa tabi niya ako all the time. 

Pero malaki na ang pagbabago ng lahat. Sobrang layo na ng agwat namin at sobrang dami na din na nangyari sa kanya-kanyang buhay namin. What we shared before is a part of a history. Nakalipas, nakaraan at hanggang doon na lang iyon. 

Natigil lang ako sa aking pag iisip ng mapansin ko na nasa istasyon na ako kung saan ako dapat bumaba. Sumakay agad ako ng fx at tinungo ang akong pinag tatrabahuan. Sobra pa din daming tao sa labas ng hotel namin. Sobrang dami talaga ng tagahanga ng Who's Bad. 

Pagkapasok ko pa lang ay nawindang ako sa dami ng tao sa lobby lounge ng pinag tatrabahuan kung hotel. Papaanong nakapasok ang mga taong ito. I'm hundred sure that not all those people are our guest I mean naka check in sa amin. 


"Air I need to talk to you." Natigilan ako ng nasa gilid ko na pala ang manager namin. 

"Alright ma'am." Saad ko na sumunod na rito sa office. I have no idea kung anong mukhang seryoso naming pag uusapan. Hindi naman ako kinakabahan dahil wala naman akong bulilyaso na ginawa.

"Okay. Have a sit Air." Mabilis na umupo ako. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. You know naman ang Who's Bad right?  I heard na kilala mo daw personally ang band na ito and since you know them personally, they requested that you're the only  one will in charged  for them because as what they said they trusted you." Napaawang ako.

Gusto kung mag reklamo. Bakit ako? Ayoko nga silang makita.

"No problem ma'am." Nakangiti ko pang saad. 

"Good. I know I'll count on you Air. So since ikaw lang ang trusted nila. Ikaw lang ang maaring pumasok sa suite nila para dalhin ang mga pagkain nila. No worries magpapasama ako ng ibang staff pero hanggang sa labas lamang sila ng suite in case na kailangan mo ng tulong.  Makikipag coodinate din tayo sa Room Service para mas madaling madala ang mga pag kain. Also you are in charged to make sure na safe ang kakainin nila. And also I heard Mr. Farkham has an allergy in some sea foods." Tumango ako. 

Talo ko pa pala Personal Assistant nila. Parang ang dating ko nito ay isang personal Butler. 

"Bakit pa kailangang iakyat ang mga pagkain nila ma'am if they can eat at our different restaurant here inside in our Hotel." Hindi ko ipinahalata na may angal ako.

"Well alam mo naman kung gaano kadami ang fans nila and they want privacy. You see naman kung gaano kadaming tao sa lobby natin right? At hindi nakakapagtaka kung bakit ganyan sila kadami. Mamaya ay biglang bumaba ang isa sa mga myembro ng Who's Bad at baka magkagulo pa." 

Iyon naman ang ginusto nila diba? Ang sumikat. Oh ayan na ibinigay na sa kanila eh bakit ang dami pang arte? Nais ko sanang idagdag.

"Ilang days po ba sila dito ma'am?" 

"They have four days left to go. Ang balita ko ay bukas na ang concert nila, grand concert." Napatango ako. Bukas nga ang grand concert nila and end of the world tour nila. After that they will fly back into NY where they are basically stayed. 

Napatango ako. "So here's the list of food that they will eat." Tinanggap ko iyon at binasa. "Malapit na silang mag breakfast sa ngayon ay handa na ang mga pagkain nila. Wala ka ng gagawin sa ngayon ay kung hindi ipadala ang mga pag kain sa suites nila. Don't worry I was the one who personally checked the food while you are still not here awhile ago." Madami pa kaming pinag usapan bago ako tuluyang nakalabas ng office. 

Hindi sa umaangal ako pero in fairness huh pinabigat nila ang trabaho ko. Nasa presidential suites pala ang apat ngayon. Malamang hindi na sila basta-basta lamang.  


Inakyat na namin ang pag kain nila. Napatingin ako sa key card na hawak-hawak ko habang nasa harapan na kami ng pinto ng suites ng apat. I couldn't believe that they trust me so much. But the feeling is not mutual. 

Itinulak ko na ang push cart papasok sa suite. "Ma'am ikiss mo na lang ako kay Wookey ah." Saad ni Wena at napailing na lamang ako. Mabilisan kung sinet-up ang mesa kung saan sila kakain. Mukhang tulog pa ang apat na itlog. Hindi ko alam kung gigisingin ko ba sila o mag hihintay na lamang ba. 

"What a beautiful day to start my morning." Napakislot ako ng lumabas sa isang pinto si Cold habang nakapajama at itim na sando. Naglalakad ito patungo sa akin and I noticed how his biceps moved firm. He really grown manly. Kung gwapo ito noon ay aaminin ko na mas lalo ngayon. Kaya hindi ko din masisi ang mga kabaro ko na mabaliw sa kanya. I used to but that was before.

"Good morning Sir. You're breakfast is ready." I said in the flat tone. "Have a...." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng basta na lang ito lumapit sa akin ng sobrang lapit sabay yakap. 

 I tried my best to pushed him away but he never let me go.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How Did We End Up Here?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon