Chapter 8: You Pervert...Jarvis Fortalejo !

326K 5K 392
                                    


Chapter 8: You Pervert... Jarvis Fortalejo!

Bella's Point of View

Sh*t! Bakit ngayon pa nabasag ang salamin ko? Mukhang hindi okay ang nangyari sa kanang mata ko dahil kahit anong mulat ko ay kumikirot ito. Nang bumagsak ako kanina ay may pumasok na bagay sa aking mata na dahilan ng pagkirot nito.

"Magsimula na tayo." Pinipilit kong buksan ang isang mata ko para tingnan kung nasaan na ang bola. Nang makita ko ito ay nagtungo agad ako doon. Nang kukunin ko na ito ay inunahan ako ni Rain at iniabot niya sa akin ang bola.

"Thanks!" sabay talikod ko sa kanya.

"Are you nuts? Huwag mong sabihin na itutuloy mo pa rin ito?"

"Thank you sa concern, pero nagmamadali ako ngayon. Tapusin na natin ito."

Pumuwesto ulit sila sa gitna ng court at bago ko ipikit ang aking mga mata ay siniguro ko na natatandaan ko kung saan sila nakapuwesto. Sa totoo lang, kinakabahan ako sa mangyayari. Malaki ang chance na matalo talaga ako, malakas lang talaga ang loob ko kaya ako pumayag.

Nagsimula na ulit akong mag-dribble. Pwede kong i-shoot ito nang hindi umaatake sa kanila pero medyo malabo ito dahil sa aking mata, 50-50 ang chance na iyon kaya hindi ko gagamitin ang taktika na iyon. Mabuti na lamang at sanay akong makipaglaban na nakapikit kaya malakas ang pakiramdam ko.

Sh*t Bella, magisip-isip ka na. Naramdaman kong may tao sa tabi ko kaya inilipat ko ang bola sa kabilang kamay ko. Wrong decision! Dahil nakuha ng kalaban ang bola ko, iminulat ko ang isa kong mata at sinundan siya. Kahit medyo masakit ang mata ko ay tiniis kong imulat ito.

Hinarangan nila ako, pero hindi ako nagpatalo. Dahil maliit akong babae kumpara sa kanila ay nakalusot ako sa kanilang depensa. Hingal na hingal ako nang matapatan ko ang taong may hawak ng bola.

Tintitigan ko ang kanyang mata, napakagat ako sa aking labi dahil hindi ko mabasa kung saan niya itatago ang bola; kung sa kanan ba or sa kaliwa. Nang makita kong papunta siya sa kanan, mabilis na tinapik ko ang bola. Nahulog ito at mabilis ko itong nakuha. Hindi na ako nag-atubili at buong lakas na tumalon ako para i-shoot sa ring ang bola. Nagpaikot-ikot na naman ito sa ring, akala ko sasablay pero pumasok ito.

Nanalo ako!

Naiiyak na napasalampak ako sa sahig at hindi ko maiwasan na humiga. Ang sarap ng feeling na manalo lalo na't pinaghirapan mo. Masayang tilian ang aking narinig sa grupo ng girlfriends. Nagulat ako nang may bumungad sa akin, si Rain nakangiting nilahad niya ang kanyang kamay. Tinanggap ko iyon at tinulungan niya akong makatayo.

"Congrats. Hindi ako makapaniwala na nanalo ka. Ang galing mo." Nakangiting wika niya.

"Thank you, pero magaling din kayo. Nahirapan akong pasukin ang depensa ninyo." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Tiningnan ko ang ibang miyembro ng Black Dragon Gang. Nakangiti sila sa akin, ngiting alam ko na tanggap nila ang kanilang pagkatalo.

"Tapos na ba kayo?" inis na sambit ni Emp na mukhang ready nang makipaglaro sa akin.

"Kaya mo pa ba, Bella?" tanong sa akin ni Rain.

"Kaya pa niya. Malakas ka di ba?" sabay taas ng sulok ng kanyang labi. "Tingnan natin kung hanggang saan ang kayabangan mo. Ano pang hinihintay mo?"

Kahit pagod na ako ay pumuwesto na ulit ako. Lumabas naman ang Black Dragon Gang sa court at kaming dalawa na lang ni Jarvis ang natira doon.

Win or die situation ito. Hawak niya ang bola at malakas na ipinasa niya sa akin yun. Nagulat ako sa ginawa niya, buti na lang at medyo attentive ako, kundi malamang na napaupo ako nang di oras. Tiningnan ko siya ng masama na ikinangisi naman niya.

Black ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon