NAKIKITA MO'KO??
Sinusundan ko pa rin siya hanggang sa makarating ako sa apartment niya, nang binuksan niya ang pinto , agad akong pumasok ,pero magkaparehong pwersang pumigil sa'kin.Tsk kainis naman..
"Guess i'll be seeing you later, cutie"sabi ko habang nakatayo sa harap ng pinto niya, at sinara niya ito.
Umupo ako na naka-indian sit sa labas ng apartment niya at kinausap ko na lang ang sarili ko habang naghihintay sa kanya na lumabas.
Makaraan ng ilang oras, bumukas ang pinto at nakita ko siya na nakabihis ng ibang damit.Tumingin siya sa direksyon ko at saka huminga ng malalim bago bumaba.
"Hindi ako ang tiningnan niya di'ba,? tanga ka ba Michelle kaluluwa ka nga di'ba!"tumayo ako ulit at sinundan na naman siya.
Magkasabay kaming pumasok sa elevator at nagkunwaring akong tumatayo lang sa tabi niya........At saka, binigla kong sinubukang pumasok ulit sa katawan niya.....pero wala talaga.
Pero hindi, hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nasasaniban.Sinundan ko pa rin siya hanggang sa tumigil kami sa harap ng isang Restaurant,maya-maya pa may nakita akong ilang mga lalaki na kumakaway-kaway sa kanya.
"Bro, andyan ka na pala "sabi ng isang lalake
Pumasok na kami, Ahhh kaya naman pala siya nagbihis kasi may Dinner w/ friends siyang pupuntahan.
Naghanap kami ng mauupuan at since 5 silang magkakaibigan, may isa pang upuan ang bakante at sa tabi pa ni Cutie, ang swerte ko talaga. Umupo na'ko sa tabi niya at saka binigyan sila ng Menu ng waiter.
"Paborito ko talaga 'to oh" nakangiti kong sabi na para bang nakikipag-usap sa kanila.
"Paborito ko 'to" sabi ng kaibigan ni cutie sabay turo ang tinuro ko rin kanina.
Umorder na silang magkakaibigan at habang nagkukwentuhan sila nakikisali rin ako sa pamamagitan ng pagtawa sa mga Jokes ng kaibigan ni Cutie.
Hahahahaha, sa sobrang tawa hindi ko napansin na tahimik lang na nanonood si Cutie sa'kin.
"Jiro ba't kanina ka pa tahimik?" tanong ng isa pa niyang kaibigan na malakas tumawa.
OMG ,JIRO, ang cute suits him very well.Pero teka nakatingin siya kanina sa'kin, pero that's really impossible, an ordinary , extremely cute guy makakakita ng simple but playful ghost?, i don't think so.
"Uh , no reason" sagot niya
After ng kain-kain session nagpaalam na silang magkakaibigan at saka umuwi na kani-kanilang bahay,or condo, or apartment or whatsover.
Ako naman buntot ng buntot pa rin kay Cutie.Bago siya pumasok sa apartment niya,sinubukan ko ulit na saniban siya,pero as usual,wala pa rin.
Bigla na lang siyang tumigil sa paglalakad, "Hindi ka ba talaga titigil?" tanong niya
Sino'ng kausap niya??
Lumingon siya , at tumingin sa mga mata ko ng diretso??
"Kinakausap kita" sabi niya
Tinuro ko ang sarili ko, pero pa'no n'ya 'ko makikita, siguro may sumusunod sa kanya na nasa likuran ko, nang lumingon ako sa lilod ko, tahimik at walang katao-tao, Baliw?? ba'to??
"Ikaw ghost girl,kinakausap kita" sabi niya
"A-ako?!" gulat na sambit ko
"Alam ko na kanina mo pa'ko sinusundan, tinawanan mo pa nga ako kanina no'ng nabangga ko ang poste"sabi niya
Pinigilan kong tumawa ang sarili ko,at pinalitan ng gulat at seryosong ekspresyon"Nakikita mo'ko??"
"UNLI ka ba??,Look just stop trying to posses me,ghost girl,it's not gonna work"mayabang niyang sabi sabay na pumasok sa loob ng apartment niya at sinara ang pinto ng malakas sa harap ng pagmumukha ko.
"Hindi ako aalis!!"sigaw ko para marinig niya sa loob
"Good Luck w/ that!!"pasigaw niya ring sagot
"Tsk"bumalik ako sa pwesto ko kanina at umupo ulit do'n
Talagang hinahamon mo talaga 'ko, akala mo tatantanan kita ,well nagkakamali ka, ako kaya ang ghost na hindi basta-basta sumusuko, kaya nga siguro hindi ko pa nakikita ang LIWANAG dahil may hindi pa'ko natatapos sa mundong 'to.
"Just wait and see Jiro, i'll figure out something soon"sabi ko habang nakatingin sa pinto niya.
YOU ARE READING
GHOST LIFE
ParanormalIsa akong kaluluwang hinahanap ang daan patungo sa LIWANAG. Namamasyal kahit sa'n ko gusto, at pumasok sa katawan ng ibang tao, nagagawa ko lahat ng gusto ko. Pero habang lumilipas ang panahon, lahat ng ginagawa ko nakakasawa na, hanggang nakita ko...