1

33 6 0
                                    


Matagal na din akong naghihintay na bumalik ulit siya. Hinding hindi ko makalimutan kung paano siya umalis ng walang pasabi. Matagal tagal na din siyang nawala. Sabi ng dati namin kapitbahay ay lumipat sila sa America para doon na tumira.. Sabi naman ng iba ay nagpakamatay si Tito Francis at ng nalugi ang kompanya nila ay lumipad na sila sa ibang bansa. Bakit ganon, kahit sa akin na bestfriend niya hindi niya manlang sinabi.

Paggising ko nalang isang araw, sabi ni mama ay wala na daw sila. Nalungkot ako ng sobra kasi hindi ko alam kung bakit siya umalis. Isang araw nalang at nakita namin na may caretaker na ang bahay at ng tanungin ko kung nasaan na ang mga nakatira soon ay sinabing nagmigrate na sila sa bahay ng lolo nila sa America. Tandang tanda ko pa noon ang huli naming pag-uusap bago siya
umalis...

[Air, papakabait ka lagi ah tsaka wag ka papagutom. Alagaan mo din si tita Joanna ng maigi kasi diba may sakit siya? Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita..]

[Ano ba naman yan pat pat, para ka namang mamamatay .. Joke hehehe.. So pat pat papasok na ako ahh baka hinahanap na ako ni mommy.]

[ Sige air! Ingat! ]

At tuluyan na ako pumasok ng bahay. 5 years old pa ako noon at hindi ko naman dinidibdib ang mga sinasabi sakin ni pat pat. Hindi ko alam na yun ang farewell message niya sa akin bago siya umalis. Sayang, kung alam ko lang na hindi ko na ulit siya makikita ay nakapagpaalam pa ako sa kanya at nagtagal pa ng konti.

It's sunday morning and tomorrow's our first day of classes. Tinatamad pa akong pumasok. Nakakainis talaga! Buti pa si cookie monster hindi ako iniiwan. Ang sarap talaga yakapin nitong life-sized cookie monster ko habang naguunat. Habang ginagawa ko ang morning rituals ko, biglang nag ring ang phone ko at nakita ko ang second bff ko na si Maxinne na tumatawag..

[Beshieeee!] Nailayo ko kaagad ang tenga ko sa phone ko. Kahit kailan talaga ang loud loud nitong babaitang 'to.

[ Oh? Napatawag ka?]

[Wala lang hehe gusto lang kita kumustahin! Ano musta ang summer mo?]

[ Eto as usual, sa bahay lang naman ako sa 2 months ko...Nga pala, bukas na ulit ang start ng classes ah!]

[ Oo nga eh, sana magka section ulit tayo! Nakooo andami nanamang mga fafa doon na hinihintay ako.. nga pala..Musta naman si tita Joanna? ]

[Ayun, okay naman... Inadvice lang ng doctor na dalasan ang pagpapahinga at wag magpapakapagod alam mo naman...]

[ Mabuti naman beshiee, sabay tayong pasok bukas ah? Ayokong malate sa first day of classes natin kaya maaga ka magising at wag papakapuyat ah..]

[ Opo madam! Sige end ko na to kakain muna ako..]

[ Ge, bye beshiee.. Ingat!]

Pagkatapos kong i end ang call ay dali dali akong bumaba at nag almusal kasama ni mommy. Si Maxinne Herrera. Ang second bestfriend ko. Magkaklase kami since first year high school and hanggang third year ay parehas kami na section 1. Mayaman, mabait, maganda at matalino din yan.. Siya ang campus sweetheart ng school. Kung bakit kami naging magbestfriend ay hindi ko alam. Isang araw nalang ay tinawag niya ako na beshiee and that day ay naging mag bestfriends kami..

...................

Votes and comments are highly appreciated... Arigato! 😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Childhood Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon