Classroom.
Last minute vacant time.Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi pwedeng walang manggulo sa buhay ko. Araw-araw, iba-iba mang tao, meron at meron pa ring gagawa ng step to push my buttons. Luckily, hindi ko nailalabas ang true self ko. I am just giving them a soft blow. Katulad na lang nitong lalaking nasa tabi ko ngayon. Kanina ko pa ito iniirapan e. Hindi ko na nga lang pinapansin pero kapag nga naman iyong kagaguhan mo nakatanim na sa bungo mo e hindi ka talaga mapapahinto ng simpleng irap.
"Hoy! Alison! Pansinin mo nga ako. Papansin ka lang e. Hard to get pa kunware e!" Eww! Yuck! Kung sayo lang wag na! Atsaka ang layo ng "hard to get" sa topic!
"Gago! Umalis ka jan! Ako pa talaga ang papansin ha?!", sinabi ko nang naiirita.
"Sige na kasi. Para ang dali-dali lang ng pinapagawa ko e. Ibibigay mo lang ito kay Jen." , pabulong niyang sinabi ang huling pangungusap niya. Kasabay nito ang pagpapakita sa akin ng Pink na paper na nakafold. Yuck! Old school! Buti sana kung si Jen lang ang pinagbigyan mo ng ganyan. E halos lahat na ng babae sa school nabigyan mo na niyan e.
"Tsk. Madali lang pala e. Bakit 'di ikaw ang gumawa? Katabi ko lang siya oh."
"E basta! Ang dami namang tanong e."
"Ano? Naduduwag ka? Bakla ka ba?"
"Ano! Hindi ha! Kung bakla ako magbibigay ba ako ng ganito?" Wala talagang mangyayari sa kakatanggi ko dito. Humahaba lang ang usapan, naiinis na ako.
"Haist! Sige! 200 Pesos. Give me 200 pesos then I'll give that to her. Take it or leave it." Paniguradong aatras ito. Hahaha. Pera din yun no?
"Hay nako! Ngayon mo lang sinabi. O ayan", sabay abot niya ng P200 at ang pagkagulat ko.
"What? You'll actually waste your money for this stupid things? I wont! Sorry, maghanap ka na lang ng iba."
" E ikaw ang mas close sa kaniya e."
"Whatever!" At kagaya uli ng kanina, iirapan ko na lang uli siya magdamag habang nangungulit. Bad move kasi talaga kapag kinausap siya.
After the long silence, (ako lang talaga ang silent kasi nangugulit parin siya) itong 2 sentence na ito ay ang nagpagalit sa akin.
"Ahh.. Ganon ba? Baka naman kaya ayaw mo e may gusto ka sakin." Habang iniirapan ko siya at habang umaakyat ang dugo ko sa utak sa mga pinagsasabi niya ,e nakikita ko siyang ngumingisi na halos ikaputok ng mga ugat sa sentido ko. "Oh? Namumula ka? Hindi mo naman kasi agad sinabi. Edi sana nakagawa ako agad ng ibang letter para sa iyo. Bayaan mo ikaw na lang gagawan ko ng love letter. Bye."
"What the?! Akin na nga yan!" Kinuha ko iyong letter. "Oh Jen!" Inabot ko iyong letter kay Jen. "Pinapabigay ni--" ,hindi natuloy ang sasabihin ko. "Ano?!" Kinuha niya ang letter kay Jen.
"Hindi, Jen. I mean.. this is nothing. Binibiro ka lang ni Alison. He-he.", sabi ni Kean na ngayon ay hawak na ang letter then binulsa niya.
"Ano?! Kanina lang pinipilit mo akong ibigay kay Jen yan e!",me facing Kean. "Jen that letter is really yours!",now I'm facing Jen. Teka nga! Kuhanin ko sa bulsa ni Kean so I'll give it to Jen.O kaya huwag na. I will just waste my time.
"He-he. Okay?",said Jen. Psh!
Tinignan ko lang ng masama si Kean na ngayon ay nakangisi.
"Get lost!", bulong ko sa kaniya in creepy way.
"Okay,honey. You sure you won't miss me?",pagkasabi niya no'n ay naginit lalo ang dugo ko.
"NEVER."
BINABASA MO ANG
Battle For Two
Fiksi RemajaYin and Yang. Girl and boy. Heaven or hell. Life or death. We might not notice but all that is occuring in this world is just a battle for two.