Prologue

6 1 0
                                    

Hanggang kailan kaya ako aasa?

Hanggang kailan ako maghihintay na mahalin mo rin ako?

Ilang taon ko pa bang mararanasan ang sakit?Not physically but emotionally...

Hindi ba pwedeng mahalin mo na lang ako kagaya ng pagmamahal ko sayo.

Shet...kung sana madali lang mag-move on eh hindi sana ako umiiyak hanggang ngayon

Kung sana eh natuturuan ang puso na tigilan ko na ang pagpapakatanga sayo eh hindi na sana ako nasasaktan ngayon.

Pero hindi eh...Imposibleng mangyari iyon.Imposibleng maturuan ang puso ko na huwag kang mahalin.At kung mag-momove on man ako eh hindi ko rin alam kung paano.

Lecheng pag-ibig kasi iyan eh.Kung hindi sana yan naimbento---err mali pala,scratch that.Kung hindi ka lang sana dumating sa buhay ko eh hindi sana ako masasaktan ngayon.Kung hindi sana kita hinayaang makapasok ng tuluyan sa buhay ko at makuha ang puso eh hindi sana ako naiiwang luhaan at walang wala ngayon...

Meeting you was fate.Becoming your friend was my choice.But falling inlove with you was so beyond my control.

Kung sana eh pinigilan ko to nun una palang eh hindi sana ako naging tanga sa pag-ibig.

Hanggang pangarap ka nalang ba talaga Lucas?

Ang laki ng pagkakamali ko na hinayaan kong mahulog ang loob ko sayo.Ang laking pagkakamali ko na sumugal pa ako sayo kung sa huli eh alam ko namang talo parin ako.Kailan kaya darating ang panahon na someday eh ikaw naman ang maghahabol sakin at susugal makuha lang ako?

~Monique Fortelejo~

Hindi ako marunong magserysoso ng babae.I used to play their feelings and broke their hearts for my happiness.I used to care just for myself and maging selfish.Pero sa isang iglap,ang lahat ng yun ay nagbago.Sa isang iglap bumalik sakin yung mga sakit na ipinaranas ko sa mga naging babae ko.Sa isang iglap naranasan kong umiyak,naranasan kong magselos pag may kasama siyang iba at naranasan ko ring tumingin lang sa isang babae.At ang babaeng iyon ang katangi tanging tao na nagparanas sakin ng ganito.Siya ang taong nagturo sakin ng totoong meaning ng love.Pero sa isang iglap rin ay nawala siya saakin.Sa isang iglap nakita ko nalang siya sa piling ng iba.And it sucks to make me realize na mahal ko na pala ang taong iyon.She loves me but yet I break her heart and I regreted that I have done a very wrong choice.

Pinagsisisihan kong sinayang ko lang ang ginawang pagsugal niya sakin noon.
Pinagsisisihan kong pinamukha ko lang sakanya na imposibleng mahalin ko siya kung noon palang eh nahulog na pala ako sakanya.Pinagsisisihan kong pinaglaruan ko lang siya kagaya ng ginawa ko sa mga babae ko noon.

Kung ako kaya ang maghabol sakanya,tatanggapin kaya niya ako?...

At kung sumugal din kaya ako makuha lang siya,ipaglalaban rin kaya niya ako?

~Lucas Davis~

The Most Painful GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon