[1]New Friends

2 1 0
                                    

***
"Goodmorning class,before we start our lesson,lemme introduce to you first your new classmate,Miss Aera Mishelle Aquino,a transfer student from Batangas"

Nung narinig kong binanggit ni Miss Gueverra yung pangalan ko eh humugit muna ako ng buntong hininga na sobrang lalim atsaka dahan-dahang pumasok sa loob ng silid.

*silence*

Isang nakakabinging katahimikan ang nababalot sa buong silid.Lahat nakatingin saakin.Walang ngumiti pwera lang sa isang babaeng sobrang puti at nakalugay ang mahabang buhok.Tumayo siya at lumapit saakin nang nakangiti.

"Hi Aera,ako si Summer.Ako ang presidente ng klaseng ito.
Masaya akong naging kaklase ka namin.Welcome to Class 4-A!!"masiglang bati niya sakin

"Eeehhh don't be good to her Sum,she's just an outsider,nakakainis."sambit ng isang babaeng may kolorete sa mukha at nakahigh bun

"Oo nga,ba't ba siya nandito sa klaseng ito eh ang panget niya.She doesn't belong to our section,duh."reklamo din nung babaeng katabi nung babaeng nakahigh bun

Napayuko nalang ako.I knew it.Alam kong ibubully lang nila ako sa oras na tumuntong ako sa eskwelahang ito lalo na sa seksyong ito.They are known because of their good looks and wealth.Mga anak mayayaman sila samantalang ako hindi.Nakapasok lang ako sa eskwelahang ito dahil sa scholarship.Tanging talino lang ang maipagmamalaki ko.

"Sshh quiet guys,wala na talaga kayong ibang ginawa kundi ibully yung ibang tao.Hinay hinay nga lang kayo sa pagsasalita."kalmadong suway ni Summer

"Whatevs,Nagsama ang magkauri kaya mo siya pinoprotektahan."sambit pa ng isang babaeng nakaheadband

Magkauri??_Di hamak naman na mas maganda si Summer kesa saakin ah.Panget kasi talaga ako.Malapad ang noo,hindi katangusan yung ilong,fair lang yung kulay ng balat kaso dry tapos makapal pa yung labi ko.Dagdagan mo pang nakasalamin ako ng makapal at nakasuot ng extra large na uniporme.

"Yeah right,tama ka nga Victoria.Nagsama ang magkauri,parehong losers.Haha"

"Sshh class quiet okay.Tama na yan.Miss Aquino,you can have your seat at the last row"itinuro saakin ni Miss Gueverra yung direction nung seat ko.

Nakayuko akong naglakad papunta sa upuan ko at marahang inilagay ang mga gamit ko sa likod ng armchair ko.

Sinimulan na ni Miss Gueverra yung klase niya.Nakikinig lang kaming lahat sakanya nang biglang bumukas yung pintuan.

"First day na first day late ka na agad Mr.Revas??"inis na sabi ni Miss Gueverra

Hindi umimik yung lalaki at nagdire-diretsong naglakad papunta sa likod.Napakawalang modo naman nun.Tama bang talikuran yung taong nagsasalita pa???>_<Hmmpp

"Umalis ka diyan!"

Napaayos ako ng upo nang biglang may nakatayong lalaki na sa harapan ko.T-teka ito yung walang modong  lalaki ah??A-anong ginagawa niya dito?

"Umalis ka!!!"pasigaw na utos niya sakin

"H-ha b-bat ako aalis??I-ito yung upuan ko."mahinang sagot ko

"Aalis ka ba o kakaladkarin kita palabas?"bahagyang nagsalubong ang kilay niya

Hindi ko maiwasang mapatitig sakanya.Ang gwapo pala niya sa malapitan.Ang kinis kinis nung mukha niya tapos ang puti pa.Kulay abo rin yung mga mata niya at may sobrang pulang labi.Ang perfect rin nung cheekbones niya atsaka yung mga pilik mata niya ang hahaba.

"Quit staring at me ugly creature kung ayaw mong kaladkarin na kita ngayon palabas."

Napayuko ako sa sinabi niya.Ugly Creature??Hayys ba't ba kasi ang panget ko?Sana man lang eh biniyayaan ako ng konting ganda:(

Tumayo nalang ako atsaka lumipat ng upuan na katabi lang nung sakanya.

Nagsimula ulit akong makinig kay Miss Gueverra.Bigla naman siyang nag-annouce na may surprise test daw siya kaya yung mga kaklase ko puro side comments.

"Get 1/4 sheet of paper and prepare yourself for my exam.I'll give you 5 mins.to get ready."sambit ni Miss Gueverra

"What?But maam first day palang naman ngayon,ba't may quiz na agad??"

"Yaahh bukas nalang po Maam,were not yet ready pa po eh."

Reklamo diyan,reklamo doon.Wala nakong iba pang naririnig kundi reklamo.Imbes na makisali pa sa pagrereklamo nung mga kaklase ko eh kumuha nalang ako ng sangkapat na papel at nagsimulang magsulat ng pangalan ko.

"Class,post test lang naman ito so it means hindi ko ito irerecord okay.Sige na sisimulan ko na yung test ko.Stay quiet okay."sabi ni Miss Gueverra

15 mins.rin yung test saamin ni Miss Gueverra.Pagkatapos naming ipass yung ma papers namin eh dinismiss na kami ni Miss.

"Oy Aera,halikana punta na tayong canteen."

Napatingin ako bigla sa umaya sakin.Si Summer,may kasama pa siyang isang babae na nakangiti na sakin.

"Hello,I'm Halley,summer's bestfriend.It's nice to meet you Aera."she smile at me

"A-ah h-hello Halley.I-its nice to meet you too."

"Wag ka ngang mautal diyan Ae,halatang kabado ka eh.Haha di naman kami nangangat eh kaya relax ka lang.Haha so Aera gusto ka naming maging kaibigan.Yun ay kung okay lang sayo?"

Napatingin ako kay Summer tapos kay Halley.Sigurado silang gusto nila akong maging kaibigan?Hindi nga...

"Okay lang kay Halley.Mabait yang bff ko eh.Magkakasundo kayo niyan dahil pareho kayong tahimik."

"Tama si Summer Aera,okay lang sakin na maging kaibigan ka.Sa totoo nga niyan noon ko pa gustong magkaroon ng tunay na kaibigan tulad ni Summer.Sa tingin ko naman ikaw na yung hinihintay ko kaya inaalok ka nanamin.Pumayag ka sana Aera pls."Halley pleaded to me

"S-sige.W-why not kung kayo pa yung nang-alok sakin.I-im willing to be your friend Summer at Halley."

Nabigla ako nang bigla nila akong niyakap.

"Yeeyy thanks Ae.May new bestfriend na kami!!!"

"Yeah,at bilang celebration namin for having you as our new friend eh manlilibre ako sainyo."Summer protested

"Yay excited nakong kumain!!Let's go girls."Inangkla ni Hailey yung braso niya saakin at sa braso ni Summer.

Hindi ko nalang maiwasang mapangiti habang naglalakad kasama sina Hailey at Summer.

Parang nabelawala yung panlalait sakin ng iba kong kaklase dahil ngayon,ang alam ko lang is

I found a new friend^_^

The Class 4-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon