Chapter 1

30 4 0
                                    

Heto nanaman ako nakatulala nanaman at nakatingin lang sa malayo hawak ang ball pen na ibinigay saakin ng kaibigan ko bago siya umalis ito daw ang magpapaalala saakin sa mga masasayang araw na aming pinagsamahan...

Ako nga pala si Warren Ezekiel David moreno,medyo matankad, maganda ang pangangatawan, at syempre gwapo.. Pinagkakaguluhan nga ako ng mga chicks dito sa barangay namin eh..

"Warren!! Bumaba ka na jan at kakain na!!" Anniyaya ni mama

Kaya naman agad akong bumaba..

"Ma anong ulam?" Tanong ko kay mama..

"Adobong atay balunan anak.. Umupo ka na't kakain na tayo"- mama

" sige ma" nakangiti kong pagkasabi kay mama..

"Bat parang iba ata ngiti mo ngayon anak?" Tanong ni mama saakin...

"Anong iba ma?" Tanong ko kay mama... Hala baka napansin ni mama na malungkot ako ayaw pa naman niya na makita akong malungkot 🙏

"Parang may nililigawan ka na" biro ni mama sabay kiliti saakin

Buti nalang pala hindi niya napansin na malungkot ako may gana pa siyang  magpatawa...

"Ma naman kumain nalang tayo gutom na ko eh" sabi ko kay mama..

Pagkatapos namin kumain naligo kaagad ako ang init kasi dito saamin bakasyon na kasi....

Pagkatapos kong maligo lumabas ako ng bahay... May nagaayos ng mga gamit sa tabing bahay namin kaya naman agad kong tinanong si mama...

"Ma bat may nag aayos ng mga gamit jan sa kabilang bahay?? Tanong ko kay mama...

"Ah iyon ba? Bagong lipat yan anak kung gusto mo puntahan mo at makipagkaibigan ka teka teka ibigay mo na rin itong brownies na niluto ko"-mama

Ano ba yan hindi ko nalang sana tinanong kay mama inutusan tuloy ako... At tsaka hindi ako friendly...

Maya maya lumabas na ko ng bahay at punta dun sa bago naming kapit bahay...pagkarating ko sa harap ng pinto agad akong kumatok...

Tok! Tok! Tok!

Agad namang bumukas ang pinto

"magandang hapon po pinabibigay nga po pala ni mama ito daw yung paraan niya para sa pag welcome niya saiyo" sabi ko sakaniya pero hindi ko siya tinitignan at agad namn akong umalis....

Nung nakalayo na ko muli niya kong tinawag...

"Hoy!!" Sigaw ng lalaki...

Kung makahoy na naman siya bahala siya may pangalan naman ako sabi ko sa isip ko....

"ANO PANGALAN MO!!!" Sigaw uli niya saakin...

Pero di ko siya nilingon at sinagot haha suplado ko noh ganyan ako kaya wala akong kaibigan dito saamin si George lang talaga kaibigan ko pero wala na siya 4 years na siya sa Canada mag 24 na nga ako sa june eh wala parin siya...

Pagkadating ko sa bahay hawak ko nanaman ang ball pen na bigay saakin ni George...

Syempre ingat na ingat ako pag nawawala nga ito halos bumagyo dito sa loob ng bahay sa kakahanap....

Mahalaga kasi saakin ang ball pen na ito, ito nalang nalang kasi ang tanging alaala ni George saakin....

Tangina pati ako naiinis na rin palagi nalang si George ang iniisip ko....

KINAGABIHAN...

"Anak halika dito sa baba at may iuutos ako sayo" -mama

The BallpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon