(He noticed me)
"Ano ba yan Rina! Bakit ba kasi nagkagusto ka kay Spade? Bad boy yun eh! Bulag ka ba? Oh tanga?" Sigaw ng nanay ko. Ay este ng bestfriend kong si Steph. Haays -.-" bakit ba kasi sya nangingialam sa feelings ko? Eh ako naman dapat yung masusunoad sa nararamdaman ko diba?
"Sige ikaw nalang maging feelings ko Steph!"
"NAMAN!" aba? Sumosobra na sya ah! Sinamaan ko sya ng tingin. "Ah.. Eh.. Di naman sa ganun.. Ang akin lang, piliin mo yung lalaking gugustuhin mo o mamahalin mo. Hindi porket good- looking gusto mo na agad! Dapat yung lalaking good- looking na nga pati dapat yung attitude good din! Yun nga lang mahirap na makakita nun." Sabi ni Steph
"Anong nun?"
"Yun... Yung ganung lalake.. Ah sige Rina ah? Uuwi na ako anjan na kasi si manong."
"Sige sige. Ingat" tas nilapitan ko sya at nag beso-beso na kami tsaka sya umalis.
Ako naman naiwan dito sa soccer field pinapanood maglaro si Spade. Haaays... Siguro tama din to si Steph... Eeeeeeeehhh pero kasi ang pogi ni Spade! *U* yun nga lang di niya ako pinapansin -_- bakit? Oh well kasi di ako marunong mag ayos sa sarili ko... Tsaka nakakatad! Di naman sa ayaw ko mag ayos.. Sadyang TAMAD lang po ang lola niyo hahahaha.
"MISS ILAG!!" Pero huli na ang lahat kasi natamaan na ako ng bola at nahulog pa ako sa kinauupuan ko! Jeez. Natapon pa tuloy tong iniinom kong strawberry juice! Shit! Teka.. Bakit parang umiikot- ikot yung nakikita ko?
"Miss okay ka lang ba?" Ha? Ano daw? Medjo di ko narinig eh!
"DI NAGDADAHAN DAHAN EH! PUTSPA!! SIGE NGA? PAANO MO MATATANG---"
"Miss? Miss! Miss gising!" Ha? Ano? Di ko naiintindihan? Ano ba nangyayari?
---
Pagka gising ko puting kisame lang nakita ko. Oh my god!!! Patay na ba ako?! Nasa langit na ba ako?!"Mabuti naman at gising kana Miss Lim... Nahihilo ka pa ba?" Hala? Nag pass out ba ako kanina? Jusq.
"Uhm... Nurse? Nag pass out ako kanina?"
"Oo Miss Lim.. Natamaan ka daw ng bola?" Ahh! Oo! Natamaan ako ng bola kanina!
"Uhm pwede pong malaman kung sino yung nagdala sa akin dito? Pasasalamatan ko ho sana"
"Ah sige teka lang miss ah? Tatawagin ko lang sya."
"Sige po."
5mins. Later...
"Naku.. Miss sorry talaga kanina! Di ko kasi namalayan na may nanonood pala sa akin kanina.. Sorry talaga..." Jusko. Totoo ho ba to? Si... Si... Si ZERO SPADE ALMEREZ!! KINAKAUSAP AKO! AY.. HINDI! HUMIHINGI NG TAWAD! JUSKOOO.
"Ah.. Ano.. Th-thank you.."
"Ha?" Hala? Nasabi ko bang thank you?
"Ah.. Ano... O-okay lang... Hehe." Jusko Rina ayus ayusin mo sarili mo nakakahiya ka! -,-"
"Ahh... Ano? Okay kana ba?" Makita lang kita Spade okay na okay ako...
"A-ano.. O-oo! Ahaha!" Putspa bakit ba ako nauutal?"Hahaha! Ang cute mo! Tara? Ihahatid na kita sainyo? Madilim nadin kasi eh baka mapano ka pa." Yiieeee ang sweet niyaaa!
"N-nako w-wag na! Nakakahiya n-naman sayo!"
"Sus! Halika naaaa!" Tsaka hinila nya ako at dumeretso kami sa parking lot.
"May sasakyan kana?!" Eh kasi naman! 1st year highschool palang kami no! Tapos may sasakyan na agad sya! -.-
"Hahahahaha! Oo. Meron PERO hindi ako ang nagd-drive." Tapos ngumiti sya sakin. Ahh! Akala ko naman kasi! Hahahaha ang boba ko -.-
"A-ahh ahaha!"
"So tara na?" Sabay ngiti sakin. Sheeet! Please naman Spade wag mo tong gawin sakin! T//////T
Tas sumakay na ako dun sa kotse nya... Hanggang sa......
---
"Miss? Gising... Andito na tayo sa harap ng bahay nyo.""Hmm...mhie! Mamaya na! 5mins.---" anakngputanginangshet!!!! Naglalaway kaya ako natulog? Juskooooo major turn off! Waaaah! T.T
"Mabuti at gising ka na! Ang cute mo pala matulog hahahaha" aaishh nahihiya tuloy ako! T////T
"A-ahh eh... S-salamat nga pala sa paghatid sa akin S-Spade ah? Nag abala ka pa."
"Ang daya naman!" Tas nag pout sya. Hankyuuuuuut *Q*
"H-ha?"
"Ang daya mo! Alam mo pangalan ko tsaka kilala mo pa ako, tas ako? Di na nga kita kilala di ko pa alam pangalan mo... Haays." Nag pout sya ulit. Haruuuujuskoooo Spade!
Wag ako! Huhu"Hahaha! Zhandrina Nicole Lim" tas inabot ko yung kamay ko sakanya para makipag shake hands..
Pero... Natulala sya. Yun bang natulala na may halong takot?
"N-nice meeting you Z-Zhandrina.." Tas nakipag kamay na sya sakin
"Uhmm sige Spade ah? Naghihintay na kasi si daddy sa loob eh. Bye. Thank you ulit" tas bumaba na ako sa kotse nya... Di ko na sya narinig na nagsalita... Kaya pumasok nalang ako sa loob ng bahay.
---
"HOY MISS ZHANDRINA NICOLE LIM! SA'N KA GALING HA?! HINANAP KA NAMIN SA BUONG SCHOOL PERO WALA KA! PASALAMAT KA WALA SILA DADDY DITO!" halaaaaa! Si kuya Zane! Pataaaay. O.O ano sasabihin ko sakanya?! Jusko."Ano... Hahaha. Sa clinic."
"SA CLINIC?! BAKIT? ANO NANGYARI SAYO?" nakipag landian kasi ako kuya eh hahahahaha!
"Natamaan kasi ako ng bola sa soccer eh. At nag pass out daw ako"
" 'Daw'? "
"Sabi nung nurse tsaka nung soccer player na nakatama sakin."
"Ano? Okay kana?"
"Yep."
Nakoooo jusko! Buti nalang! -.- dumiretso na ako sa kwarto ko sa taas.
"Haaay..." Ang daming nangyari ngayong araw... Una.. Natamaan ako ng soccer ball ni Spade tapos dinala pa nya ako sa clinic.. Tapos hinatid nya ako dito pauwi! Wait... Paano nya nalaman bahay namin? O.o? Aish.. Tapos kilala na din nya ako! Yipiieeeeee!
Zero Spade Almerez...
"He noticed me."
---
End. Sana nagustuhan nyo po ang Chapter 1 VOTE and COMMENT ..Updating~