1

18 4 2
                                    

Maulan na gabi nanaman, dali-dalian kong binuksan ang sliding door sa terrace ng apartment namin at tuwang tuwa 'kong pinagmasdan ang kalangitan.

"Baron! Tignan mo oh! Haay. Ang ganda nanaman ng gabi ko! *o*"

Ang sarap lang naman kasi sa pakiramdam kapag umuulan, para bang nalunod ang kaingayan ng mga kapitbahay namin sa tunog ng bawat patak ng ulan.

Tumingin ulit ako sa pet cat kong si Baron,

"Kapag umulan hanggang bukas, masasabi ko nang magkakaroon tayo ng magandang weekend, walang iuutos si mama, walang maingay na kapitbahay, tayong dalawa lang baron.."

Bumalik na ko sa kwarto ko at sinarado nang muli ang pintuan ng "PRIVATE SPACE" ko.

*KINABUKASAN*

"Hoy Jaime! Umakyat ka nga dito at tulungan mo kong maglinis ng bahay!!"--

"Danica anak, gising na! Ibili mo ko ng talong sa grocery store dali na!"
-mama

BUT.NOT.EVERYDAY.IS.A.RAINY.DAY.

Bumangon ako at tumakbo papunta sa private space ko at sumigaw ng..

"ANO BA!! TUMAHIMIK KAYONG LAHAAAT!>_<¦¦¦"

"Hindi mo matatahimik lahat ng tao jan sa labas kung sisigawan mo lang sila. Sayang lang effort mo."

Hindi ko alam kung kanino nanggaling ang boses na yun pero alam kong galing sa kabilang unit yun. Naisip ko pa bigla na baka si Baron yun.

"Sino ka?! At sino ka ba para sabihan ako nyan?! Wag mo nga ko pakialaman! Tss. Badtrip!"

inis na inis kong sabi habang papunta sa kusina.

"Anak bumili ka na, eto oh. Sumabay ka na kay Shaira. Bye!"

--------------

Tapos na kami ni Shaira bumili at inabot kami ng 30 minutes sa kabagalan nya.

"Ayan. Tignan mo, sa sobrang saya yata ng mga tao lumabas yung araw, Kainis!" Sabi ko habang sinisipa-sipa ko yung bato.

"Alam mo kesa magmukmok ka jan sumama ka nalang samin sa Convention Center, may banda dun makinig ka naman para lumamig yang ulo mo! HAHAHAH!"

Sige Shaira, sirain mo pa ng tuluyan ang araw ko.

"Alam mo, mas gugustuhin ko pang makipaglaro kay Baron kesa makinig sa ingay na yan. Alam mo namang di ako mahilig jan diba?"

"Ah - eh, sige, text mo nalang ako pag nagbago isip mo ha... o kapag inistorbo ka nanaman ng boyfriend mo. Hehehe"

Boyfriend!??? ANONG BOYFRIEND!?

"BOYFRIEND!?? SINONG BOYFRIEND!?" Gulat na gulat kong sinabi sa kanya, eh kasi naman wala naman talaga akong boyfriend!!

"Yung.. bago nyong kapitbahay na kinekwento mo sakin noon. Kalimutan mo na? Break na kayo?"

Shaira kung hindi lang kita bestfriend iniwan kita dito! Aish!

"Boyfriend? masyado ka namang patola, eh di ko pa nga sya nakikita eh! Tsaka di ko sya kinekwento sayo no! Sinasabi ko lang kung gano ako naiinis sa kanya! Lalo na dun sa mga ingay na parang kumakaskas na lapis na di ko malaman kung ano! Basta nakakainis! >//< "

"Psycho ka talaga no HAHAHAHA Sige kita nalang tayo, text mo nalang ako ha? Byee!!"

Bwisit tong babae na to. Umakyat na ko sa unit namin at baka sunog na niluluto ni mama at di pa rin nalalagay tong hayop na talong na to.

"ma eto na po yung talong.. nakita nyo po ba kung sino yung nakatira sa unit 8G?"

"8G? Hindi, nga pala.. kaninang umaga, yung bago nating kapitbahay binigay to sakin, para daw kay Baron."

Given Spaces (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon