Bonding

30.9K 858 45
                                    

Chapter Seventeen

PAGKASUNDO kay Yanna ay dumiretso nga sila sa mall gaya ng suggestion ni Terrence. At tulad ng pakilala ni Belinda kay Terrence sa kanyang mga magulang, ipinakilala niya sa anak ang binata bilang kanyang kaibigan.

"He's my friend, too, Nanay," inosenteng tugon ng bibo niyang anak.

"Oh, r-really?" nagtatanong ang tinging nilingon ni Belinda si Terrence.

"Yep, we're friends," kaswal lang na kumiling ang ulo ni Terrence saka nginitian si Yanna.

Nang yumuko ito at tanungin ang anak niya kung gustong magpabuhat dito ay walang pag-aatubiling tumango ang paslit. Hindi halos siya makapaniwala. Likas na mapili sa pakikitungo sa ibang tao ang anak niya. Ngunit kay Terrence ay parang palagay na palagay kaagad ang loob nito.

Bagay na parang gusto niyang ipagselos. Hindi kasi ito likas na palakaibigan. Mapili rin ito sa pakikipag-usap, lalo na kapag bagong kakilala.

"So, where do you want to eat?" narinig niyang tanong ni Terrence kay Yanna.

Matunog na Jollibee ang sagot ng bata.

"Kung ganoon ay sa Jollibee tayo."

Inikot nila ang mall sa paghahanap ng naturang fast food chain. Nakailang baba-taas sila ng escalator. Kung hindi pa sila nagtanong sa isang guard ay hindi pa nila matatagpuan ang hinahanap na kainan. Ang laki kasi ng mall, bukod sa bihira na siyang makapagliwaliw ay parang napakarami ng nagbago sa mall na iyon sa kabila ng maikling panahong ipinamalagi niya sa ibang bansa.

"Can I have your order, ladies?" ani Terrence nang makaupo na sila sa kanilang mesa.

"I want French fries, chicken, spaghetti and uh, can I have sundae, Nanay?" nilingon siya ni Yanna.

"A, sure, baby. Pero uubusin mo muna ang pagkain mo bago ang dessert, deal?"

"Deal."

"What will you have?" siya naman ang binalingan ni Terrence.

"Palabok at chicken lang."

"Got it."

Nang akmang dudukot siya ng pera ay mabilis siya nitong inawat. 

"I got this, alright?"

Nagkibit-balikat na lamang siya at hindi na itinuloy ang pagkuha ng pera.

"Can I come?"mabilis na bumaba sa upuan nito si Yanna upang sumama kay Terrence.

Walang nagawa si Belinda kundi ang tumango. Magkahawak-kamay na omorder sa counter ang mga ito. Habang pinagmamasdan ang dalawa ay may sumipang lungkot sa kanyang dibdib. Kung may kapangyarihan lamang siya upang baguhin ang kanilang sitwasyon ay ginawa na niya. Subalit kahit puwede niyang ibalik ang kahapon ay batid niyang wala siyang maaaring baguhin sa nakalipas. It was a choice she had to make in order to save the man she loves.

Nag-init ang magkabilang sulok ng kanyang mga mata. Huminga siya nang malalim at sinikap payapain ang kanyang emosyon. Sa ilang sandali pa ay nakita niyang pabalik na sa kanilang mesa sina Yanna at Terrence. Matapos mailapag ang pagkain nila sa mesa ay kaagad na iniayos ni Terrence ng upo ang bata. Ito rin kaagad ang inuna nitong silbihan ng pagkain bago inayos ang para sa kanya.

"Okay, bon appetit."

"Bon appetit!" masiglang nagsimulang kumain si Yanna.

Wala pang ganang kumain si Belinda. Ngunit nang makita niya ang appetite ni Yanna, biglang kumalam ang sikmura niya. Sunod-sunod ang subo ng anak niya, para itong isang linggong hindi pinakain.

Velvety Flame (Chains of Passion Book III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon