Hay~ -_- buti naman at friday na huling araw ng pasukan, tinatamad akong pumasok ngayon pero kailangan grades ko kasi ang nag papasaya kay mommy.
"Lexa baby! Gising na may pasok kapa. Kumain kana dito" -Ma
"Opo mommy! Gising na po ako maliligo lang ako" At ayun dumeretso na ako sa banyo. Pag ka tapos kong maligo ay bumaba na ako at kumain.
"O eto anak kainin mo to" Si mommy talaga napaka bait kaya mahal na mahal ko yan ehh.
Oo. Wala na akong daddy namatay siya nung 13 years old palang ako. At yeah senior high school na ako.
17 years old, Ahh ako nga pala si Lexa Navalta.Nag lalakad ako ngayon papuntang school, nakatingin nanaman ang karamihan saakin dibale sanay naman ako. Nasa harap na ako ng classroom ko nakakapag taka lang kung bakit ang tahimik sa loob madalas kasi napaka gulo nila.
Kaso pag pasok ko nakaramdam ako ng lamig basang basa ako ng tubig maya maya pa ay may tumulak sa akin dahilan na napaluhod ako sa sahig inaamin ko sanay akong ma bully pero this time sumosobra na sila, nakakita ako ng dalawang pares ng sapatos at hindi ako nag kakamali kay Jane ang sapatos na to.
Si Jane ang kontrabida ng buhay ko simula nung nasa junior high pa ako.
"Oh! Look who's kneeling down on me, poor girl do you want me to stop bullying you, of course I can't! Why would I do that?" Adik ang bruha sinagot ang sariling tanong!
Tumayo ako at kinausap siya.
"Hoy! Jane wala ka na talagang magawa sa buhay mong matino ano?" Grrr. San ko nakuha ang lakas ng loob ko? Saan? Patay na ako nito Lord kayo na bahala saakin ahh.
"Ang tapang mo naman! Nakakatakot ka na huhuhu" sarkastikong sabi niya! Mag sasalita pa sana ako ng bigla niya akong sabunutan. Ilang minuto pa ang lumipas at itinulak ko siya palayo at tumakbo ako palabas ng school campus.
Basa parin ako lalo na yung uniform ko, ano nalang sasabihin ko kay mommy eh wala siyang kaalam alam na na bubully ako. Makapag lakad lakad na nga lang muna.
Ilang oras na ang lumipas at hindi ko namalayan na 5:22pm na pala. Nasa 7/11 ako ngayon at naka tingin lang sa aking mga kamay. Iniisip ko rin kung pano ko sasabihin to kay mommy. Uuwi na nga lang ako.
Habang nag lalakad ay may naka bangga akong lalake matangkad siya pero hindi na ako tumingin sa mukha niya at nag sorry nalang, pansin ko rin na may kasama siyang tatlong lalake.
"Oh. Sorry" sabi ko sabay lakad palayo. Wala akong balak makipag usap ng matagalan. Habang nag lalakad palayo narinig kong nag tatawanan yung mga lalake. Bahala na nga sila sa buhay nila.
"I'm home!" Sigaw ko.
"Kain muna tayo anak sakto nakahanda na ang paborito mong sinigang" sabi ni mommy. Ang sweet sweet talaga.
Kumain na kami ni mommy at ngayon ay nasa kanya kanya na kaming kwarto. This is my time to ask her.
Nasa harap ako ng pintuan ni mommy kakatok ba ako o hindi? Ahhhh bahala na nga si batman.
*tok tok*
"Mommy" sabi ko ng mahina malay mo tulog na siya.
"Yes baby pasok ka" hindi pa tulog si mommy kinabahan tuloy akong lalo. Dumeretso ako sa higaan niya at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Ohh bakit nag lalambing ang baby ko?? May problema ka ba?"
"Mommy meron po marami"
"Gusto mo pag usapan natin?"
"Hindi na po mayakap lang po kayo okay na okay na ako. Pero ma" heto na sisimulan ko na.
"Hmm?"
"Ahh mommy pwede bang i transfer niyo ako ng school?" Ayan na nasabi ko na..
"May problema ba sa school mo? May nam bubully ba sayo?" Tumpak mo!!
"Mommy ayoko pong pag usapan yan." Tama naman ang sinabi ko diba? .
"O sige. Kung yan ang gusto mo ako na bahala sa school na papasukan mo." Yan si mommy ehh napaka understanding talaga.
Dito na ako natulog sa kwarto ni mommy.Sabado na ngayon at kain tulog nuod tv kain ulet ligo din kasi mainit panahon cellphone din pag may time. Yan ang buhay ko tuwing sabado at linggo.
Makatulog na nga lang. Ilang oras pa ang nakalipas nagising na ako ang weird kasi ng panaginip ko..Di ko na ikikwento sa inyo nakalimutan ko na ehh. Alam nyo yung feeling na yun?
[A/N: hanggang dyan muna. Sana magustuhan niyo]
BINABASA MO ANG
Story Of My Life
Teen FictionHi~ First story ko po ito at sana magustuhan niyo. Imagination ko lang po lahat ito. ☺ Isang simpleng buhay lamang ang meron kay Lexa Navalta, may kaya sa buhay, maganda, maputi at paborito siyang i-bully sa paaralan na kanyang pinapasukan kaya nama...