[A:N Ang story na ito ayy, EWAAAANNN! HAHA. This is my first posted story, kayo na ang manghusga, hehe. Kung me comment, suggestions or any violent and silent reactions, sabihin nyo lang. HEHEHE. Pagpasensyahan nalang yung wrong grammar. Tao lang nagkakamali rin. >_<V hihih.]
------------------------------------------------------------------------------------------
Habang nakaupo malapit sa lobby ng aming skwelahan. Tila ba may papalapit na kung ano este kung sino sa aking kinaroroonan. Papalapit siya nang papalapit sakin habang nakangiti.
"Paksyet!"
Isang napakagandang salita sa isang umpisa ng kwento.
'Siya na naman? Yung lalaking kina-iinisan ko to the Nth times!
Siya lang naman yung lalaking nangugulo sa akin simula pa noong nakapasok ako sa school na'to. Siya Jannsen Lopes. Ang lalaking kilala sa bansag na "Boy Pickup", kasi naman mahilig mambola, bolero kumbaga mas malupit pa sa totoong Boy Pickup!
Nakaupo siya sa tabi ko ngayon.
"What's wrong with you darling?" ngumiti siya sakin.
'Shoooo! Shoooo! Umalis ka dito, wag mo kong itulad sa mga babaeng nadadala sa ka-maisan mo. Di mo rin ako madadala sa pagpapacute mo. Leshe!' sabi ko sa inner self ko.
"TSEEEE! Anong darling? Darliene ang pangalan ko, DARLIENE di DARLINGGGGGGG!" tiningnan ko siya nang masama.
"Darling nga..."
"Anong "darling", kadri ka! Darliene as in DARLIENE, D. A. R. L. I. E. N. E" inespell ko pa.
"Hehe, mas maganda kasi ang darling ehh! Kasing ganda mo."
Hinawakan niya yung mukha ko.
'Grrr! Nakakapangilabot tung lalaking to.'
Tinanggal ko kaagad ang kamay niya na nakahawak sa aking mukha.
"Kung wala kang magawa, umalis ka nga! Tantanan mo ko, makipagpick-upan ka sa mga babaeng nanlalandi sayo! "
Para nakong si Goku dito, sumu'supersayan na ang peg. Kainis!
"Eh, kung ayaw ko?"
Nakangiti parin, ngiting nakakaloloko. Shet! Di tumalab yung Angry-Beast-Look ko sa kanya ah, tumawag na kaya ako nang 911, sabihing may baliw na nakawala sa mental.
*Sigh*
"Tsss. Kung ayaw mo wag mo Boy Bolero madali naman akong kausap."
Inirapan ko lang siya. Kinuha ko kaagad yung bag ko malapit sa kanya at agad tumayo. Tinalikuran ko na siya.
"Wag kang umalis!" Sinabi niya, di ko parin siya tinitingnan. Lumalakad nako patungong classroom namin.
"Di ako maka-hing-nga.."
Tumigil ako sa paglalakad. Kinabahan ako bigla sa kanyang sinabi. Napaharap ako sa kanya nang di oras. Nakita kong nahihirapan talaga siya sa paghinga. Hawak hawak ng kanyang kanang kamay ang kanyang dibdib. Leshe! Anong nangyari sa mokong na'to? Nilapitan ko agad siya nang natatataranta.
"Huy! A-ano? A-nong nangyari sayo?" nanginginig na pagsasalita ko. Hinawakan ko yung dalawang balikat niya. Anong gagawin ko?
"Tekaaa, mangihingi lang ako nang tulog."
"Wa-ag kang umalis.."
"Bakit? Magmamadali lang ako..." sabi ko pa, ano bang nangyari sa lalaking ito? HUHU, wala akong ginawang masama kahit itanong mo pa sa lahat ng santo sa mundong ibabaw. JUSKO!

BINABASA MO ANG
Pickup Lines (Oneshot Story)
Short StoryPaano kung nahulog kana sa kanya, dahil sa kanyang mga hirit? Ngunit bigla bigla nalang siyang mawawala sa buhay mo... Would you still believe that those lines are true?