Chapter 4

15 0 0
                                    

"What do we have to talk about anyway?" Kanina pa kaming naglalakad on the way back to the mall with a pack of ice cream on hand. Ano ba talaga ang pakay nito? Akala ko naman sisigawan niya ako.

"I just want you to stay away from me. Stay away from everything I do. Simple as that. I just thought of walking with you like this. Para naman masulit mo na 'to." Just. Wow.

"An--"

"Shh. I know you like this. Every girl loves to be with me. I know that. Just be quiet, okay? I don't like talkative girls." He then replied with a sunny smile. Kung hindi lang talaga ako takot sa kanya at sa mga babaeng nahahalina sa lalaking 'to, kanina ko pa siyang napa-pulis grabe.

"If so, then I have to go. Iniwan ko pa mga kapatid at kaibigan ko dahil akala ko papagalitan mo ako or what. Then I get this? Hell no. Mabuti pang sinigawan mo ako rather than being with you like this. Malay ko ba kung nandiyan mga fans mong bumubuntot sa'yo? Edi lagot nanaman ako? Tss. Bye." With that, I walked inside the mall and contacted Jean.

I hurriedly ran and began to find where they were bago pa ako maabutan nung lalaking mahangin. Akala ko naman ay tapos na ang kung ano mang may koneksyon sa lalaking iyon, e inabot ba naman ang bagyo hanggang dito.

"Oh, ate! Nandito ka na pala! Kwento ka naman oh? Sino ba kasi yung lalaking yun? Manliligaw mo ba? Yiee!" Kiniliti pa ako nitong si Jane. I just glared at her.

"Hehe. Sabi na nga hindi na. Hehehehe." Dahan-dahan siyang umatras palayo sa akin habang naka peace sign.

"Ano bang nangyari? Ang init naman ata ng ulo mo?" Tanong sa akin ni Tin. Napailing nalang ako.

"Wala. Bakit nga pala kayo nandito? Sinong bibili ng damit?" Kilalang brand pa kasi ang pinasukan nila. Ganto ba talaga pag mayaman? Haha.

"Tayo." Tin said then winked at me, locking her arm to mine saka ako hinila kung saan-saan. Bigay ng damit dito, pasukat doon, pili ulit ng damit tapos lipat nanaman ng ibang store. Nakakahilo.

In the end, my hands were left full of paper bags with different kinds of skirts, shorts, pants, almost all kinds of clothing. Jane and Jean on the other hand left without any permission. Yun pala, binigyan ng pera ni Tin para maggala ng kanila. Lumalaki lang lalo utang ko. Tsk tsk.

"Tara na, Tin. Uwi na tayo. Gabing-gabi na oh. Para saan ba 'tong mga damit na pinamili mo?"

"Para sa'yo yan. Next Friday kasi may acquaintance party ang batch natin. Mabait si president e. Party raw to welcome transferees like you since andaming bagong lipat. Haha." Oh. So that's why. Paano niya naman kaya nalaman?

"Ate!" Jane and Jean greeted with a cup of Starbucks coffee and handed each to us. Ginulo ko naman pareho ang mga buhok nila bago tanggapin ang kape saka sila nginitian.

"Tara na. Uwi na tayo. Maaga pa tayong babangon bukas."

"Buti nalang talaga nagawa ko na lahat ng assignments ko kanina." wika ni Jean habang naglalakad.

"Buti nalang tinulungan ako ni Jean kanina!" Tsk tsk tsk. Ito talagang si Jane. Asa lagi sa kuya.

---
"Hello? Ma!"

"Hi, nak. Kamusta na kayo diyan? Sila Jane at Jean nasaan? Tulog na ba?"

"Hindi pa, ma. Nag-aayos lang siguro ng gamit sa kwarto nila. Kayo po ba?"

"Ayos lang kami ng papa mo rito anak. Miss na miss na namin kayo!"

"Miss na miss na rin po namin kayo. Mabuti nga po hindi na umiiyak si Jane tuwing gabi e. Hahaha." Napatawa naman ng kaunti si Mama.

CovertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon