Him Again >.<

63 0 0
                                    

Natapunan ako ng juice ng kung sino mang lalaki dito. Ang sakit ha, napaupo pa ko! Bwiset. Puro ka-bwisitan na lang ba tong araw na to? Nakakainis lang. Urrrrgh! Gusto ko ng umuwe.

Tumayo na ko at pinunasan ng panyo ko ang nabasang damit ko. Buti nalang talaga at may extra akong damit sa bag ko. At take note! Di man lang ako tinayo ng lalaking bwiset na to! Kaya ayoko sa lalaki eh. Hanggang sa mapansin kong tahimik na sa canteen. Pagtingin ko, nagbubulungan na yung mga higad na nandito.

"Hah! Nabunggo nya yung Prince natin"

"Oo nga eh. Sana ako nalang yung nabunggo"

"Naku humanda lang talaga sakin yang babaeng yan"

Hah! In your face! Asa naman na magkagusto ako sa lalaking to. Prince? Ako pa nakabunggo? Problema ko ba kung tatanga-tanga yung PRINCE na tinatawag nila?! Tss.

"Hoy Miss. Di ka man lang ba magso-sorry? Natapon mo yung juice ko oh"

At talagang ako pa magso-sorry sa kanya ha? Kapal ng mukha! >.< Napaka-Gentleman naman. Grabe!

"ABA MISTER. AKO PA ANG MAGSOSORRY?! KAPAL NAMAN NG MUKA MO NOH? IKAW NGA NAKATAPON SAKIN NG JUICE TAPOS AKO PA DIN MAGSO-SORRY?! GRABE LANG HA! KASALANAN KO BANG TATANGA-TANGA KA?!!"

"HOY MISS. BAKA NGA IKAW YUNG TATANGA-TANGA DYAN EH. KUNG ANO-ANO KASI INIISIP MO KAYA NABANGGA MO KO. AT SAKA YUNG IBA NGA DYAN NAGKAKANDARAPA PA NA MABUNGGO YUNG ISANG TULAD KO, PARA LANG MAPANSIN KO. TAPOS IKAW AARTE KA PA NG GANYAN?"

"MISTER! WAG MO KONG SIGAWAN! DI AKO BINGI! PATI DI RIN AKO TATANGA-TANGA! IKAW YON!! AT SAKA IBAHIN MO KO SA MGA BABAENG HALIPAROT DYAN NOH! DI AKO NAGKAKANDARAPA SAYO!"

Pagkatapos nun di na sya nag-react. Narinig ko naman na nag-react yung mga babae sa paligid ko. Pagbuhul-buhulin ko pa sila eh. Tumingin naman siya sa mga babaeng yun.

"Grabe. Ang kapal lang ng muka ng babaeng yan na sagutin yung Prince natin"

"Kaya nga eh. Ang sarap nyang sabunutan! Grrr"

"Humanda lang talaga yan sakin pag nakita ko pa yan dito"

Wow! Parang sa kanilang school ha? Tss. Humarap ako dun sa mga nagsalita. Tinitigan ko muna sila ng masama yung Sana-Mamatay-Na-Kayo-Look. At saka ako nagsalita.

"Hoy kayong mga haliparot na babae kayo. Wag kayong umusap kung ayaw nyong tanggalin ko yang mga dila nyo! Mga sabatera! Feeling nyo maganda kayo? E muka naman kayong coloring book na tinubuan ng muka!"

Sabay tingin sa lalaki na kaharap ko "At ikaw Mister! Sorry ha! Sorry talaga! Ang yabang mo! Peste. Excuse me nga!"

Umalis na ko pagkatapos nun. Binangga ko pa yung lalaking nakatapon sakin ng juice. Inis na inis talaga ako! Aiiiish. Ginulo-gulo ko pa yung buhok ko.

Nandito na ko ngayon sa locker room. Nakapagbihis na rin ako. Ang lagkit-lagkit kasi ng pakiramdam ko kanina. Parang anytime pwede akong magkaroon ng langgam sa katawan. Nakakainis talaga yung lalaking yun. Tss.

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Nasa bahay na ko ngayon. Maliligo muna ako bago matulog. Para presko at mabawasan naman yung pagkainit ng ulo ko.

Nakakainis kasi talaga kanina eh. Naaalala ko na naman yung lalaking yun at yung mga pinagsasabi nya sakin kanina. Tss!!

"Hoy Miss. Di ka man lang ba magso-sorry? Natapon mo yung juice ko oh"

"ABA MISTER. AKO PA ANG MAGSOSORRY?! KAPAL NAMAN NG MUKA MO NOH? IKAW NGA NAKATAPON SAKIN NG JUICE TAPOS AKO PA DIN MAGSO-SORRY?! GRABE LANG HA! KASALANAN KO BANG TATANGA-TANGA KA?!!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paano ba MaInlove? (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon