Story#2: Heart Breaker King

49 2 0
                                    

Title: Heart Breaker King 

Copyright ©bluexorange 2013

"I'm done with you. Break na tayo".

"No! You are lying Hero! You can't do this to me!"

"Magsisimula na ang klase ko. I have to go".

Maglalakad na sana ako papalayo nang hawakan ako ni Sharlene.

"Baby please! Wag mo kong iwan please.." pagmamakaawa niya.

"Look Sharlene. We'd had enough and that's it. Hanggang dito nalang tayo. Hindi na kita gusto".

Madiin kong sabi. Tinabig ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at naglakad ng mayabang.. nakapamulsa, at taas-noo.

"You are such a jerk!!!! Makakahanap ka rin ng katapat mo someday!!!" pahabol niyang sigaw.

Another heart broke because of me. I smirked at that thought.

"T*ngna pare! May pinaiyak ka nanamang BS-BA student?!! Hats off sayo tarant*do ka talaga!" bati sa akin ng isa sa mga tropa ko, si Mel.

"Last week lang pinaiyak mo yung Ms. Intrams ah! Ngayon bago nanaman! Tae ka talaga pare kawawa mga babae sayo eh noh?!!" saad naman ni KN.

"Wala eh. Kasawa" pagkikibikit ko ng balikat ko.

Ako si Hero. Pero hindi super hero. Heartbreaker pwede pa. Wala lang, mabilis lang talaga ako magsawa sa mga babae. Hindi ko naman kasi sila minamahal, magkacrush lang ako sakanila nililigawan ko na agad sila.

Pinagtataka ko nga kung bakit sinasagot parin nila ako kahit alam nilang ibebreak ko din sila bukas makalawa. Mga babae nga naman. Pakitaan mo lang ng asukal, kakagat na.

Napagtripan kong mag bar hopping ngayong gabi. Wala kasi ako ngayong girlfriend, walang magawa.

"Tabi nga dyan!" tabig ko sa lalaking nakaharang sa upuan ko.

"Angas mo tol ah!" sigaw niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at umorder nalang ako ng paborito kong inumin. Maya-maya pa wala na kong maintindihan sa mga nangyayari. Ang labo na ng paningin ko, umiikot ata ang mundo. Letse kasi yung barista, nag-offer sakin ng bago daw nilang cocktail. Nakadami ata ako. Umub-ob nalang ako sa lamesa at napatingin sa katabi ko.. yung lalaking tinabig ko kanina nakikipaghalikan. Aba ayos din pala 'tong isang 'to eh. Maya-maya pa may lumapit sakanya na isang babae. Astig. Kamukha siya ni Michelle. Kung sino si Michelle, malalaman niyo rin. Nagulat nalang ako nang biglang sampalin nung babae yung lalaki.

"HAYOP KA MIGGS!!! PAANO MO NAGAWA SAKIN 'TO?!!"

"Aww. Sinabi ko naman sayo na ayaw ko na sayo pero ayaw mo pa rin akong pakawalan. Ngayon sasabihin mong hayop ako?!"

"I HATE YOU!!! I HATE YOU!!!!"

Nagwalk-out yung babae tapos maya-maya pa sinampal din siya nung isa pang babae na kahalikan niya kanina. Mukhang magkakasundo kami ng lalaking 'to ah. Pogi din ba 'to tulad ko? Agh di ko na siya maaninag umiikot talaga paningin ko.

"Hoy bakit ka nakangiting nakatingin sakin?! Bakla ka ba?!" sigaw niya sakin.

"Huh. Ako bakla?!" sinuntok ko siya ng pagkalakas-lakas muntikan pa kong ma-out of balance. Nahihilo na talaga ako.

Imbis na bawian niya ko ng suntok, nagtawanan lang kami at tumabi siya sakin. Sabi na nga ba, magkakasundo kami neto eh. Nagparamihan lang kami ng mga pusong winasak namin, nagkwentuhan ng mga kabalastugan at ewan ko na. Yung lang natatandaan ko.

Maya-maya uwi narin ako. Tae kasi may pasok pa bukas.

"Nice game 'tol!!!" nasa gym kami ngayong magbabarkada kasama ng ilang estudyante. Katatapos lang ng basketball game namin. Heto't show off ako. Hinihintay pa naman namin yung meriendang napanalunan namin.

Take One (Compilation of One-shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon