I am Richard Faulkerson, RJ, aka Alden Richards... Yeah isa ako sa in demand na tao sa showbiz industry ngayon.. an actor, singer, host... Kami ng ka loveteam kong si Meng, aka Divina Ursula..
Yes may ka loveteam ako, three years na din kaming laging magkasama sa mga projects... Kami ang laging magkatambal.. Teleseryes, noontime shows, movies, out of town shows, tvc's, concerts, lahat na yata.
Swerte nga siguro talaga na nagustuhan kami ng tao, may kakaibang charisma daw kami... Hindi ko din alam kung totoo...
Seryoso pero loveteam lang talaga kami... Wala eh, hindi ko rin alam kung bakit hanggang doon lang... Kung bakit hindi lumampas sa label na yun kami... Siguro kasi pareho kaming focus sa career, sabi ng manager makakasira ng career ang lovelife... sayang daw kung mawawala lang din... so ayun, naging parang platonic lang yung sa amin.. hindi na lumampas doon, hindi na kami nag attempt.... pero yun lang ang tingin niya....
Nandito ako ngayon sa Arena... Concert ni Meng, syempre special guest ako... Dahil special guest nga, mamaya pa ako lalabas sa stage... Surprise daw, gago lang, surprise daw eh kahit sino tatanungin alam na nilang nandito ako... ineexpect na ng lahat ng tao na nandito ako, para suportahan hanggang sa huli ang "ka loveteam" ko.
Yes huli na ito... Ayaw na niya eh... Magqui-quit na daw sya sa showbiz.... Pagod na ata sya sa kakangiti sa camera, sa kaka pretend na okay lang kahit may nararamdaman siya... Sa kakaiyak kahit masaya naman siya... Sa kakatawa kahit sa gustong gusto na niyang umiyak... Pagod na yata siyang umarte... Pagod na siya sa pagkanta sa harap ng maraming tao, Pagod na siya sa tama ng ilaw sa katawan niya... Pagod na siyang magbasa at maghighlight ng script... Sa kakasagot sa mga reporters sa bawat issue na lumalabas... Sa kakakaway at kakangiti sa mga fans... Pagod na sya...
Ang daya lang di ba... Akala ko hanggang sa huli kami ang magkasama... Walang iwanan di ba? Pero yun pala ako ang maiiwan mag isa... Kakayanin ko bang wala siya? Kakayanin ko bang iba ang kapareha sa mga eksena sa pelikula? Kakayanin ko bang iba ang kabatuhan ng mga sweet na linya? Kakayanin ko bang iba ang kaholding hands sa harap ng camera? Kakayanin ko bang iba ang kayakap? Kakayanin ko bang iba ang ka kissing scene...
Three years... Sa loob ng tatlong taon, siya ang lagi kong kasama sa mga projects.. Sanay na ang sistema ko na lagi siyang nandiyan... Loveteam kami eh... Team kami...
Pero bakit ganun? Bakit kailangan may mang iwan at may maiwanan? Bakit kailangan may umalis at may masaktan?
"Den, in five mins cue mo na, ready ka na?.. " narinig kong sabi sa akin ng Prod asst.
Tumango ako.. "thanks Raq" nakangiti kong sagot sa kanya...
Tumayo ako sa kinauupuan ko at sandaling tumingin sa salamin, saka lumabas ng dressing room at naglakad papunta sa backstage... Sa gilid nun... Masaya kong pinanood ang pagkanta ni Meng, nakita ko kung gaano sya kamahal ng mga tao, patunay ang punong puno na Arena....
Maya maya namatay ang mga ilaw... Heto na, yun ang cue ko para umakyat ng stage..
Dahan dahan akong umakyat sa stage... habang papalapit sa kanya, nag umpisa akong kumanta...
I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one call awayRinig ko ang malakas na hiyawan ng mga fans na nagmamahal sa amin..
Habang si Meng, hindi ko nilulubayan ng tingin..Call me baby if you need a friend
I just wanna give you love
C'mon, c'mon, c'mon
Reaching out to you, so take a chanceNo matter where you go
You know you're not aloneAt this point, nakalapit na ako kay Meng, agad kong kinuha ang kamay niya at mahigpit na hinawakan na lalong ikinahiyaw ng mga tao sa paligid namin..
BINABASA MO ANG
L♡VETEAM
Fanfiction'Been a famous pair onscreen for two years.... Or is it only onscreen? Can't it be for real? One shot