Hi. This is about how much I adore pilosopotasya's work.
Sana basahin n'ya to.
If binabasa mo na 'to, Rayne, hello! =))))
So here it goes..
Pilosopotasya is one of the many filipino writers here in wattpad that I idolize so much. It all started in AFGITMOLFM. Dati, wala talaga akong planong basahin 'yun. Masyado pa kasi akong maraming books na binabasa. Until nung debut ng bestfriend ko, nag-browse ako ng wattpad stories, And there, nakita ko nga ang afgitmolfm. Description pa lang, bongga na. Grabe kasi, I mean, sobrang dami kasi diba? Nagpa-kilig, nagpa-iyak, nag-pa-*censored* and all. Akala ko nung una, kyeme lang tapos as I was reading it, gosh! Totoo pala!
Lahat na ata ng feelings naramdaman ko sa pagbabasa nun e. Tapos, sobra pa akong napaiyak sa part na namatay na si Nate. Pinatugtog ko pa ang Buko by Jireh Lim no'n kaya naman yung luha ko, nagmistulang Pagsanjan Falls! Grabe, sobra akong nasaktan no'n which is a good thing kasi ibig sabihin nun, effective talaga ang pagkakasulat mo.
Which led me to reading His Side. Syempre, hindi ko tititgilan 'yon. Sobra akong na-hook e, kaya naman I push through until HS. At do'n sobra akong nalinawan.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung Team Nate or Team Art ba talaga ako. They're both great men, very great men. I fell in love with both characters and I felt like I was Ianne. Ang galing lang. <3333
And then came Just One Answer.
"Anong mas pipiliin mo: Ang taong mahal mo na hindi ka naman mahal o taong mahal ka pero hindi mo naman mahal?" D'yan pa lang, na-capture na ang attention ko kaya binasa ko rin 'to and hindi ako nabigo.
Alam mo yung feeling na talagang naghihintay ako ng update patiently? Sa totoo lang kasi, napaka-impatient kong tao pero well, I was really hooked. Ang ganda kasi.
I remember crying so hard in the Dedication Booth scene. Yung kina Rayne at Daniel. As in napaiyak talaga ako. Kasi nga, I was playing Fallin' by Janno Gibbs nung binabasa ko s'ya. Gosh, tulo ang tears ko e! Kasi naman, sobrang nakakakilig ang all! Tapos, nakakainggit pa. #Realtalk 'to, oo. Haha.
Honestly, sobra akong nabwisit kay John. Ang paasa mo, pare! Lalo na yung marriage booth chenes. Nakakainis talaga si John! At nanggalaiti ako kay Elle, promise! I hated her for the reason na ang epal nya sa John-Zell loveteam. Huhuhu!
At si Enzo naman, s'ya yung nagustuhan ko talaga. Kahit na gusto ko si John for Zelle, I like Enzo for her, too. Ang labo ba? Medyo. Hahaha. #Medyobadboy kasi. Haha. Nakakakilig s'ya, ano po? :")
And there came the ending..
Walang nakatuluyan si Zelle. Si John, napunta kay Elle. Si Enzo, bumalik sa ex n'ya. Napa-wtf ako nun. Mga balahurang lalake. <//////3
Pero dumating naman si Eos e kaya okay na din.
Anyway, si Eos yung sa Best friend diba?
Isa pa ang story na 'yun na sobrang tumagos sa puso ko. Sobrang ramdam ko kasi. Ang ganda ng pagkaka-narrate at lahat! Tapos umagos ang luha ko nung ending.
Yung sa mp3. Yung pag-amin ni Jerryk. Nakakapaluha sa kilig. :")
Tapos yung Chorva. In fairness, chismosa ako. Hahaha! At nakakabitin yung story pero okay lang, sabi mo nga, sa CC pa ang story na yun. The Bitin Story nga naman. Hahaha.
Tapos yung Fifteen Days. Muntik ko nang makalimutan. Dati ko pang naririnig 'yun e but it took me so damn long before I decided to read it. Dahil kay Rhads kasi. Si matabangutak. Grabe, sobrang natawa ako. Nakakakilig e. Lalo na yung short film! Tapos yung 'Fuck that fifteen days' nya. Hahahaha! Ang totoo nyang, sinabi ko yan sa kuya ko. Tapos winallpaper nya ang crush nya. At hindi naman naging sila kasi lagi kong sinisilip ang phone nya! In short, waley ang 15 days nya. Lol
~~
Ngayon, That Twisted Love Story naman ang binabasa ko. Noong una, akala ko typical story lang pero dahil nga ikaw si ulan, you proved me wrong, again.
I hate Lyle Yuzon. Nakakainis s'ya. He's such a bad person. May pa-princess princess pa s'yang nalalaman! Fraud na prinsipe pala sya! The nerve! And that Erich girl. I wanna strangle her until her bones break! Yes, medyo brutal ako.
Anyway, kinikilig ako kay Ash. May feels sila ni Ces e, for me! Hahaha.
Well, I can't wait for the next update! Hindi na ko makapaghintay malaman kung sino yung secret admirer pero I have a hunch naman. Sana tama ako.
Sa hinaba-haba nitong tinype ko, isang bagay lang ang gusto kong sabihin.
ANG GANDA KO. <3
Joke! Hahaha.
Seryoso na.
Idol ko talaga si ULAN. Sobra. Sana, someday, maging mahusay na writer din ako. :) Inspiration ko ang works n'ya and now, I'm more than motivated to finish a story of my own! Kaya ko to! Fighting!
Dedicated to pilosopotasya. Obvious naman 'diba? ;)))
