Lumipas ang panahon mas lalo kaming naging close ni Exrim.
Ewan ko nahulog na ata ako sa kanya. Ang hiling ko lang sana sa kanya ay saluhin niya ako. Mamaya kasi heto na naman ako nahuhulog sa isang tao tapos walang sasalo.
Ang sakit kaya masaktan. Kahit nga sa mga favorite kong Kpop eh nagseselos ako kapag may babae sila. Hayss. Fangirling.
Sana sa pagkakataon na to wag na kong masaktan.
----------------------
"Happy Birthday!!" sabay sabay nilang bati.
Waaaa. Nakakatouch silaaaa. Akala ko talaga nakalimutan nilang birthday koo. :3
"Waaa. Nakakaiyak kayoo. Akala ko nakalimutan niyo ng birthday ko.. Big thank you talaga sa surprise niyo" sabi ko na may nagbabadyang bumagsak na luha na sa mata ko.
"OH. hahaha" sabi ni Exrim sabay abot ng panyo
Nakooo. EXRIM!! Please lang wag kang ganyan baka tuluyan na kong mahulog sayo. Kaya mo ba kong saluhin? Sana.
Tumingin ako sa kanya at...
"Halika nga, ako na nga" sabi niya at hinawakan ang baba ko at hinarap sa kanya at pinunasan ang luha ko.Napanganga ako sa gulat sa ginawa niya.
"Ayan. Maganda ka na ulit hahaha" tawa niya
"So, sinasabi mo bang panget ako pag umiiyak?"
"Wala akong sinabi ah. ikaw nag sabi hahaha"
Tuwang tuwa ata ngayon yang lalaki na yan?
Inirapan ko lang sya.
"Hay nako. Tumigil na nga kayo love birds! "
"Oo nga nilalanggam na kami eh"
hiyaw ng mga kaibigan ko
Tumingin ako sa kanila na may ano-ba-bakit-kayo-ganyan-look
"Ooops. Sorry" sabi nila
Tumingin sa kin si Exrim na may 'bakit-look'
Nagkibit balikat nalang ako
"Kainan naa!!!"
Mapayapang kumakain ang lahat.
"Ahm.. gift ko nga pala. Sana magustuhan mo. :)" sabi ni Exrim sabay abot ng regalo.
"Waaaaaaaa!! Ang cuteeee!!!" Tili ko habang yakap yakap ang pink na oh so fluffy teddy bear. Di siya ganon kalaki pero ang cuteee. 😍😍
"Waaaa. Thank you talaga Exrim!!" Sabi ko sabay yakap sa kanya.
"EHEM! EHEM!" ayan na naman silaa
Waaaa. GULAY! Nabigla lang akoooo.
BINABASA MO ANG
Two Worlds
Teen FictionDalawang magkaibang mundo. Dalawang magkaibang paniniwala. Dalawang taong nanalangin na sanay matagpuan nila ang isa`t isa. Dating pinangarap lang ngayon ay natupad na. ALL RIGHTS RESERVED MAY 2014