I Love You Bestfriend!

38 4 1
                                    

I Love You Bestfriend!

First year highschool pa lang ako, gusto ko na sya. Unang araw palang noon ng pasukan ng maging bestfriend ko sya. Nakakatawa no? Bestfriend ko, mahal ko. Simula pa lang nung naging mag bestfriend kami, may naramdaman na agad akong kakaiba. Alam kong hindi na basta bestfriend lang ang turing ko sa kanya. Alam kong higit pa dun ang nararamdaman ko.

Ang sakit nga eh. Kasi noon, madalas akong magsabi ng 'I love you' sa kanya. Tapos ang gagawin nya? Sasabihan nya rin ako ng I love you. Kaso may kasunod na 'Bestfriend'. Alam ko ang iba sa inyo hinuhusgahan na ako ngayon sa pagiging tanga ko. Pero ano bang magagawa ko? Mahal ko eh. Nagpapakatanga ako para sa isang lalaking mahal ko.

Ang tanga ko naman kasi eh! Kung bakit ba naman noong pumana si kupido ng mga puso ay nasa library ako at si Angelo naman ay nasa park. Busit naman oh. Minsan, tinry ko ring sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman.

"A-angelo. Mahal kita. Higit pa sa isang--"

Pero naputol ang pagtatapat ko noon ng magring ang cellphone ni Angelo at papuntahin sya ng barkada nya sa Arcade. Sabi ko sa sarili ko, 'Better luck next time, Kyla.'

Noong mga sumunod na araw, unakto akong parang walang nangyari. All smiles on my face. Pero noong araw palang yun ako pinaka masasaktan at bibitiw sa pinanghahawakan kong pagkakaibigan namin ni Angelo.

"Kyla, meet Catherine. My girlfriend. Catherine, si Kyla. Bestfriend ko."

"Ah... G- ganun ba? Im... happy for... you,"

Noong araw na yun, nakita ko ang saya sa mata ni Angelo. Masaya sya at tumatawa ng sincere pag si Catherine ang kasama nya. Parang unti- unting dinudurog ang puso ko. Parang sa bawat araw na nakikita kong nakayakap si Angelo kay Catherine ay hindi ako makahinga. Heto nga't unti- unti na namang nagtutuluan ang luha ko. Ang sakit kasi. Ang tanga tanga mo naman Kyla. Maiinlove ka na nga lang, sa bestfriend mo pa. Ayan tuloy. Nasasaktan ka ngayon. Ewan ko ba kung bakit ang tanga ko pagdating sa pag-ibig samantalang Top 1 ako pagdating sa academics and co-curricular.

Tinry kong sabihin kay Angelo na mahal ko sya. Pero wala, ang sakit na nararamdaman ko, mas lalo pang nadadagdagan. Di ko naman akalain na doon na pala matatapos ang pagkakaibigan na binuo namin ng apat na taon.

"A- angelo, may sa... ehem... may sasabihin sana ako sa'yo," panimula ko.

"Oh, ano naman yun, Bestfriend?" Tinawag nya akong bestfriend at dahil dun, nawalan ako ng lakas ng loob, umurong ang dila ko. Pero hindi ako pwedeng mag back-out. Ang tagal kong pinaghandaan 'to.

"Angelo... wag ka sanang magalit. Ka- kase, m- m- mahal... kita higit pa sa... isang kaibigan." Atlast! Nasabi ko na. Pero di ko inaasahan ang magiging reaction nya.

"Kyla! Ano ba namang joke yan?! Nakakainis ha!"

"Ka- kase Angelo, hindi naman ako nagbibiro eh." Mangiyak ngiyak kong sabi.

"Kyla! Tumigil ka na ha! Kundi matatapos na ang pagkakaibigan natin!"

Niyakap ko sya. Pilit naman nyang inaalis ang yakap ko.

"Kyla! Bitawan mo ako! And please get lost!" Bumaon sa'kin ang mga salitang binitiwan nya. Lalong lalo na ang huling dalawang salita. Nabigla rin ako ng may biglang tumulak sa akin dahilan para mapaupo ako sa sahig.

Bago pa ko makapag react, humapdi ang kaliwang pisngi ko. Mahapdi. Masakit na parang sinampal ako.

"You wh*re! Mang aagaw ka-- Ano ba? Angelo! Hayaan mo na ako! Mang aagaw 'tong babaeng 'to eh."

Wala na akong ibang nagawa kundi umiyak. Masakit. Isa na namang sampal ang natanggap ko.

Nung mga sandaling yun, isa lang ang gusto kong gawin. Ang sumigaw ng sumigaw. Pumara ako ng taxi at pumunta sa likod ng St. Joven University. May mga burol dun na madalas naming tambayan ni... Angelo.

"Aaaaaaaaah! Aaaaaaah! Aaaaaaah!"

Mali ba ako? Sabihin ninyo! Mali ba na minahal ko ang bestriend ko kung ang hangad ko lang naman ay sumaya? Ang sakit sakit! Bakit ba hindi nya kayang ibalik sa akin ang pagmamahal na 'yun? Mahirap ba akong mahalin? Maganda at sexy naman ako tulad ni Catherine ah! Ano bang wala sa akin? Ang hirap! Ang sakit!

"I hate you Angelooooooo!"

Isang buwan akong hindi pinansin noon ni Angelo. Isang buwan ko ring tiniis ang urge na lapitan at yakapin sya. Hanggang dumating ang araw na pinagsisihan ko sa buong buhay ko. Ang araw kung saan hindi ko man lang napasaya at naibalik ang pagkakaibigan namin ni Angelo. Ang araw na ayaw ko nang balikab at alalahanin pa. Ang araw na lubos kong pinagsisisihan. Ang araw na... natagpuan ang... bangkay ni Angelo sa pampang ng Manila Bay. Pupunta dapat si Angelo sa probinsya nya sa Masbate pero nasira ang engine ng yateng sinasakyan nya at lumubog ito. Hindi nakaligtas si Angelo.

Heto ako. Umiiyak. Nasa morgue ako. Unti- unting lumalapit sa bangkay ni Angelo. Kita ko ang pagkapayapa ng mukha nya. Ang mga labi nya, putlang putla na. Parang natutulog lang si Angelo... ang bestfriend ko... na mahal ko. Hindi ko nakayanan at niyakap ko na sya. Pero hindi ko nakayanan at nagbreak down ako sa bisig ng tropa nyang si Jave.

"Angelo! Bakit mo ko iniwan? Bakit di ka man lang nagsabi? Bakit di mo manlang ako winarningan!"

"Sssh. Kyla, tahan na. Ayaw ni Angelo na nakikita kang umiiyak." Sabi ni Mark. Napangiti ako ng mapait. Ngayong wala na si Angelo, sino na lang ang magcocomfort sa akin? Sino na lang ang magpapatawa sa akin?

May binigay sa aking papel si Mark at binasa ko ito. Isa itong sulat para sa akin.

Dear Bestfriend,
Kyla, siguro kapag binasa mo 'to, nasa Masbate na ako. Doon na ako titira for good. Ayokong nakikita kitang umiiyak Kyla. Nakipagbreak ba ako kay Catherine. Kyla, I'm sorry sa mga nabitawan kong masasakit na salita.
Kyla kasi, iba na ang turing ko sa'yo. Hindi na kaibigan. Kasi... mahal na din kita. Alam mo bang nung araw na umamin ka sa akin ay ang saya saya ko? Kasi mahal mo din pala ako. Kaso napaiyak kita. Alam kong may dadating pang mas higit sa akin sa buhay mo Kyla. Hindi kita desserve. Your almost perfect.
Kyla, before I'll go and leave you for good, I just want you to know that I love you. I love you... bestfriend.

-Angelo Portillo.

Napahagulhol na lang ako at napaupo sa silyang katabi ng kay Angelo. At binigkas ko ang apat words na kahit ulit- ulitin ko ay fi ako magsasawa.

"I love you bestfriend."

**

Anim na taon na ang nakalipas. Andito ako ngayon sa puntod ni Angelo. Ika anim na anibersaryo ng pagkamatay ni Angelo ngayon. At hanggang ngayon si Angelo parin ang mahal ko. Mahal ko bilang isang kaibigan..

"Mommy! Mommy! Ito po flowers para kay Papa Angelo." Anak ko nga pala. Si Angela.

"Hon, tara na! EK daw tayo sabi ni Angela." At ang napangasawa ko? Si Mark. Oo, yung tropa ni Angelo.

Angelo, alis na kami ha. Maraming salamat sa memories. Mahal na mahal.

Mapaglaro ang tadhana. Minsan, ang taong nakatadhana sayo ay nasa tabi mo lang pero di mo napapansin dahil sa iba ka natakatingin.

The end.

I Love You Bestfriend!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon